16th.

5 1 0
                                    

Nasa bahay na naman si Lester kasama si Janet, kitang kita ko kung gaano ka-inlove si Janet sa lalaking yun. Salita siya ng salita, ni hindi man lang niya napapnsin ang pagsulyap sakin ng boyfriend niya!

"Hi Gab!" Ang walang hiya nagawa pa akong batiin. Talaga?

Umirap lang ako at umakyat. Simula nung sabihin ko ang lahat kay tita at Janet, lalo silang nagalit sakin. Pagnakikita ni Janet ang pagsulyap sakin ng boyfriend niya, ako pa ang sinisisi niya. Hindi ko na magawang ipaintindi sa kanila ang sitwasyon kasi kahit alam nila ang totoo, ako ang sisihin nila sa lahat dahil ayaw nila sakin.

Habang lumilipas ang araw palala ng palala si Lester, tsumetsempo siyang wala si tita o si Janet kapag kinakausap niya ako kahit na hindi ako naimik. Kaya lagi ako naglukulong sa kwarto. Ako ang may karapatan sa pamamahay na'to, bakit ako ang nahihirapan? Bakit ako ang nagkukulong?

"Gab, para sayo"

Bumaba ako para kumuha ng tubig nang abutan ako ni Lester ng bulaklak.Hindi ko yun tinanggap kaya nagalit sakin si tita, akala nila nagpapakabuting tao lang siya.

"Ang feeler talaga!" Parinig pa ni Janet na nakakapit na sa braso ni Lester.

Napalingon ako sa labas nang may nakitang tao. Kinabahan ako sa pag-aakalang si Tristan, ayokong magpang-abot sila ni Lester dito dahil hindi niya pa alam ang lahat.

"Kay Ms. Gabriella Dela Cuesta po?" Sabi nung deliveryman.

Nag-init ang pisngi ko sa pangalan. Dela Cuesta!

100 red roses boquet ang pinadala ni Stan. Bitbit ko yun paakyat sa kwarto. Nilagpasan ko sila Janet na masama ang tingin sakin. Hindi ko sila pinansin at ngumiti na lang ako paakyat. Agad kong kinuha ang letter na nasa loob.

Hi baby,

    I'm sorry, lately I've been busy. This is for our future. Babawi ako pagnatapos ko na ang problema, just promise you'll stay with me. I love you.

                             -Tristan James DC

Hindi ko mapigilan ang ngumiti, he never failed to make me smile.

Tinext ko na agad siya.

Ako:

I will stay with you no matter what. Please rest, I love you too.

Hindi ko na hinintay ang sagot niya, paniguradong busy yun.
Sa bulaklak pa lang bawing bawi na siya, kaya hindi niya na kailangan pang bumawi pa!

Tinabi ko ang boquet sa picture frame kung saan picture naming  dalawa, yung nakakandong ako kay Stan nung Graduation pic.

Sunday, maaga ako nagising. Lumabas ako para magdilig ng halaman mabilis den ako natapos para makapag-ayos na. Sasamahan daw ako ni Stan magsimba mamaya.

Sinubukan kong kausapin ulit si tita tungkol kay Lester, sinaktan niya lang ako nang sabihin kong wag na papuntahin dito si Lester. Bahay namin ito kaya wala silang karapatan na gawin sa akin yun. Pero siya ang humawak ng papeles, pinagbantaan niya pa akong papalayasin kaya wala akong nagawa.

"Gabriella..." Lester came near me again with lusty eyes. Kakababa niya lang sa kotse niya.

I feel like death when he's near me, mas gusto ko pa nga mamatay sa bugbog nila tita kaysa sa ganito.

"O saan ka pupunta?"

Hindi ko siya pinansin, nagmadali akong sinaradob ang hose tsaka tumakbo papasok sa loob at umakyat sa kwarto para nag-ayos na.

Nang magtext na si Stan, lumabas na agad ako.

"Hi baby..." hinalikan niya agad ako sa pisngi pagsakay ko sa frontseat.

Pull Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon