14th.

3 2 0
                                    

Ilang sandali lang bumaba na den kami. Bumili pa kami ng mga souvenirs.

"Ayun oh! Yung gitara!" Tinuro ko yung keychain malapit sa nagbebenta kasi hindi ko maabot.

"Miss ayun den daw." Utos ni Stan at kinuha ni Ateng nagbebenta. Ayun lang naman ang tinuro ko pero nagulat ako sa  daming pinagkukuha ni Stan,  may mga bracelet pa.

"560 po lahat!" Nalaglag ang panga ko sa total ng pinamili ni Stan.

Hinampas ko ang braso niya para sawayin, "andami mong pinamili anong gagawin mo sa mga yun?"

Tinitigan ko siya ng masama pero nakangiti lang siya habang inaabot ang pinamili. Bigla niyang pinagsaliko ang kamay namin para matigil ako sa paghampas sa kanya.

"Minsan lang naman tayo mapunta sa ganito. First time natin parehas dito at lahat ng pupuntahan natin bibili tayo ng souvenirs." Maligaya niyang sinabi.

Inirapan ko siya kaya lalo siyang natawa. Habang hinihintay ang sukli, may grupo ng mga babae ang tumabi samin, bibili den ata. Napansin ko ang hagikgik nung isa at simpleng pagsluyap kay Tristan na seryosong pinipicturan ang mga nakadisplay. Tumikhim ako at pasimpleng niyakap si Tristan, niyakap den niya ako pabalik. Umirap sila habang nagbubulungan tsaka umalis, hindi na bumili. Magkahawak kamay kami kanina pero hindi nila napansin yun. Paano ba naman sa mukha ni Stan nakatingin, ang gwapo kasi!

"Ang hirap kapag pogi yung boyfriend" bulong ko habang nakayakap na sa braso niya.

"Ano?"

Nilingon ko siya bago ngumisi   at umiling. Tumango siya bago lumingon sa harap.

"Selosa!"

Napatingin ulit ako sa kanya. "Anong sabi mo?"

"Wala!"

Pagkakuha niya ng sukli nauna na siyang naglakad. Hinabol ko siya agad at kinurot sa bewang, napa-aww tuloy siya.

"Hindi ako selosa!"

Kumunot ang noo niya na unti- unting naging ngisi habang inaakbayan ako. Hindi naman talaga ako selosa, tinignan ko lang yung reaksyon ng mga babae kapag nalaman nilabg itong gwapong kasama ko eh may jowa na.

Kumakanta si Stan  habang pababa kami, magkahawak kamay. Tapos halos lahat ng tindahang madaaanan namin, tumitigil siya dahil gusto niyang  bilhan. Napakakulit talaga!

"Tama na yan. Ang dami na nga nung pinamili mo!" saway ko tsaka siya hinila, patigil tigil kasi.

"Eh wala pa nga tayo nun oh! Pasalubong ko lang--" pwersahan ko na siyang hinatak nang nilapitan na siya ng tindera kasi tinuturo niya yung mga pamaypay na may nakaprint na Tagaytay City.

"Babalik na lang tayo diyo. Tara na bumaba na tayo!"

"Ito naman minsan lang!" Sabi niya halatang nagtatampo.

Nakabusangot siya nang bumaba kami. Parang batang nagmamaktol na hindi nabilhan ng gusto niya. Paglabas namin sa parang bahay. Huminto ako sa harap at umikot para tignan ang paligid. Sobrang ganda kasi ng view dito sa labas tapos sobrang lamig pa!

Napangiti ako ng nakabusangot pa den si Stan. Nakatayo lang siya at nakanguso, bahala ka diyan!

Nilabas ko ang cellphone ko para picturan ang view. 360 degree kitang kita mong para kang nasa pinakatuktok.  A beautiful scenery!

"Smile, baby!"

Paglingong ko pinipicturan niya na naman ako. Tumatawa na siya nang sinusubukan kong hablutin ang phone niya. Ang hilig niya sa ganun!

Pull Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon