3rd.

6 2 0
                                    

Kinwento ko ang nagyare kay Ram, ang gaga tinawanan lang ako. Anong klaseng kaibigan to?

"Ikaw naman kasi girl, bakit mo ba kasi hinabol?" Tawa pa den siya ng tawa.

"Crush ko siya, okay! Pero hindi naman ako desperada para habulin siya at istalk. Nakakainis siya!" Naiirita pa den talaga ako pag naalala yun.

"Feeling ko pahard to get lang yun..." dagdag ko, natawa lalo si Ram sa sinabi ko kaya natawa na den ako. Feeling ko lang naman haha.

Tinaasan niya ako ng kulay. "Ang feelingera mo den talaga Gab!"

Napahinto ako sa sinabi niya tsaka siya tinignan ng masama. I know right pero joke lang naman yun!

"Why? Totoo naman!" Aniya. Tumawa ulit siya kaya inirapan ko na lang siya. Panira!

Pagtapos ng klase pumunta ulit kami sa klase nila Josh, kung dati sa labas ako tumatambay, ngayon ang kapal na den ng mukha ko at sa loob na ako tumambay.

"Himala Gab, pumasok ka sa room namin?" Ani Josh.

"Bawal ba pumasok?" Sinungitan ko siya.

"Hayaan mo siya babe, papapansin lang yan kay Stan!"

Napairap na lang ako sa asar ni Ram. Umupo ako sa likod ng dalawa at nagsisimula na silang  maglampungan sa harapan ko, disgusting!

Pumasok si Tristan at may kausap na tatlong babae. Umupo silang apat sa harapan. Naiirita ako, kitang kita ko ang bungisngis nilang tatlo habang kausap si Stan. Nasa likod ang mga tropa niya ah, bakit siya nasa first row at puro babae pa ang kausap? Nakakaselos.

Tumatawa pa si Tristan habang nakikipagkwentuhan sa tatlong yun, bakit sakin ang sungit sungit niya? Imposible namang walang gusto yang tatlo na yan kay Tristan, eh kulang na lang mag-agawan silang tatlo kay Tristan. Baka nga dahil hindi niya ako kilala, kaya siguro masungit siya sakin.

"Huy 10 seconds, bakit andito ka?"

Nagulat ako nung tumabi sakin ang isang tropa ni Stan. Anong tinawag niya sakin?

"Anong sabi mo?"

"Ikaw yung hinalikan ni Stan diba?" Pang-aasar niya.

Lumingon samin si Josh pati si Ram "Bro, wag mong asarin yan si Gab. Pikon yan!" Ani Josh.

"Woah! So Gab is the name huh? Amiel nga pala" naglahad siya ng kamay. I caught him smirking.

Agad ko den tinanggap ang kamay niya. "Gabriella, Gab na lang!" Ngumiti ako.

"Bakit ka pala andito?" Tanong niya sabay upo sa tabi ko.

"Hmm sinamahan ko lang si Ram." Sagot ko habang nakatingin kay Stan na nag-eenjoy sa harapan.

Ngayon lang kasi ako pumasok sa room nila kaya siguro ngayon lang ako napapansin dito kahit halos araw-araw ako pumupunta sa klase nila.

Nakipagkwentuhan sa akin si Amiel about sa mga subjects. Unang kilala pa lang namin, kita ko ng masayahing tao siya. Buti pa isang to mabait, pero diko siya type eh, sayang!

"Uy orb, nakikilala mo pa ba'to?"

Pumunta si Tristan sa tabing upuan ni Amiel, andun pala yung bag niya, hindi ko napansin. Napatingin na den ako kay Stan na nakapokerface lang habang naghahalungkat ng bag, inantay ko siya sumagot pero hindi niya ginawa.

"Siya yung 10 seconds mo orb!" Bulong lang yun ni Amiel pero narinig ko o baka pinarinig talaga!

Bumuntong hininga lang si Stan at umirap, bumalik ulit siya dun sa kausap niya kanina.

Pull Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon