20th.

3 2 0
                                    

Habang nagkwekwento si Tria napatingin kami bigla sa pinto.  Pagbukas ng pinto, malamig na mata agad ang tumitig sa akin.

"Hi kuya, andito na si Ate Gab!" Maligayang bati ni Tria.

Nilingon ako ni Stan at sinuri ako mula ulo hanggang paa. Bumalik ulit at tingin niya sa mata ko, ngumiti ako pero hindi siya nagreact. Yung mga titig niya parang hindi niya ako kilala. Teka kilala niya pa nga ba ako?

"Your my new secretary?" Still cold.

"Yes!" Sagot ko, hindi bumibitaw sa titig niya.

"Okay you can start, here some documents, sort it!"

Dumeretcho siya sa mesa niya at iniwan kaming dalawa ni Tria na nakatayo. Umupo siya tsaka may kinuhang mga papeles sa side table niya.

Pinagmasdan ko maigi si Tristan. Very professional na siya tignan. Nakatuxedo siya at necktie na white. Hindi ko akalain na makikita ko pa siya at sa ganitong sitwasyon pa!

Malayong malayo na siya sa Tristan na mahal ko, sa Tristan na mahal ako. Masaya pa den ako kasi andito siya sa harap ko, tinutupad ang sariling pangarap.

"Sungit mo naman kuya..." bulong ni Tria.

Nag-angat ng tingin si Tristan samin. Pinaglaruan niya ang kanyang ballpen sa mesa habang nakakunot ang noo.

"Tria? You have a lot of work to do, back to your office now!" Masungit na utos ni Tristan.

Ngumiti lalo si Tria, "Yes Sir suplado!"

"Ms. Soriano! Ano pang tinatayo mo diyan? Magsimula ka na!"

Pag-alis ni Tria, lumapit na agad ako sa dokumentong sinabi ni Tris- Sir Tristan! Dapat pala Sir!

Isang oras ko natapos ang dokumento. Sa sofa ko pa yun inayos. Natatakot kasi ako magtanong sa kanya kung saan ko ba dapat gawin? Kalma ka nga Ella!

May tinawag siyang employee sa labas, iuntusan niya yun na i-orient ako kaya sa unang araw, nilibot namin ang building para maexplain lahat ng kailangan kong malaman.

"Dapat antayin mo si Sir Tristan na matapos sa gawain bago ka umuwi ha. Ayaw na ayaw pa naman niya yung iniiwan siya" ani Shena yung employee na inutusan ni Tristan. Tapos na niya ako ilibot sa building.

Napalunok ako sa sinabi niya ah. Parang double meaning kasi.

Inantay ko matapos si Sir Tristan bago ako nagpasyang umuwi na sa condo.

Lahat ng taong dadaanan siya binabati siya, malamang CEO siya! Nakatitig ako sa likod niya habang nasa elevator kami. Napansin ko na lumaki na den bahagya ang katawan niya, ung buhok niya umikli at nakabrush up tulad pa den ng dati.

Ramdam na ramdam ko ang gap na pinapakita niya, kahit nasa harap ko lang siya kanina, halatang malayo kami sa isa't-isa.

Sa second day ko, maaga ako pumasok kasi sabi ni Shena ayaw ni Sir Stan ang late!

Sa labas ng opisina niya ako pinaupo, dito na daw ang table ko. Ang laki laki ng opisina niya halos buong floor tapos dito niya ako pinwesto?

Pull Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon