26th.

3 1 0
                                    

Nagising ako sa sinag ng araw, agad akong umupo sa kama. Nakabihis na ako ng damit ko, totoo bang may nagyari samin kagabi?

Napagtanto kong totoo nga dahil sa sumakit yun nang sinubukan kong tumayo. First time kong maranasan yun. Siya lang den ang naiisip kong kasama na gagawin yun. Teka nasaan na ba siya? Iniwan niya ba ako pagtapos gawin yun?

"Goodmorning baby..." napatigil ako bigla nang pumasok siya sa kwarto, may dalang pagkain.

Topless pa siya at nakaboxer. Hindi tuloy ako makatingin sa kanya.

"Hindi ka umuwi sainyo?" Tanong ko habang tinitignan ang kamay kong naglalaro sa ibabaw ng kumot.

"Bakit naman kita iiwan dito?"

Hindi ko alam ang sagot kaya hindi ko na lang siya pinansin, pumunta na ako sa banyo para maglinis ng sarili.

Ilang beses niya nang sinabi na mahal niya ako. Tama ba na papasok ulit ako sa buhay niya? Natatakot ako na baka may masama na namang mangyari sa kanya dahil sakin.

Naalala ko ang sinabi ni Ram kahapon, ayoko na maulit sa kanya yun. Kailangan makaalis na ako sa kumpanya niya bago pa mahuli ang lahat pero parang huli na ang lahat. Siguro ang tamang gawin na lang ngayon ay ay ang sumugal, mahal niya ako at mahal ko naman siya. Wala na den naman si Lester kaya wala ng nagpapahamak sakin ngayon pag sumugal na ako.

Sabay kami kumaen ni Stan sa kama ko. Ayaw niya sana umalis pero may kailangan daw siyang kausapin at ayusin, hinalikan niya ako sa noo at niyakap bago umalis.

Pagpasok ko sa DCC nagset ng celebration si Stan dahil sa successful ng Anniversary event.

Nirentahan ba naman ni Stan ang buong bar dahil lahat ng employee kasama namin.

"Excited na ako mamaya Gab. Naku! Kailangan ko na palang tapusin lahat ng trabaho ko..." excited na sabi ni Fia ng Marketing Department.

"Chill ka lang!" Tawa ko.

"Ano kayang susuotin ko mamaya?" Ani Qlyn, katabi ni Fia sa table.

Kinalabit ko siya para matigil na sa kakaisip. "Hay naku! Bago ka mag-isip diyan akin na muna yung report mo para mabigay ko na kay Sir." Sabi ko.

Kinuha niya na ang folder sa table niya. Pagbigay niya sakin, natulala na naman siya. Kalmado lang siya habang nag-iisip ng gagawin mamayang gabi pero halos lahat sila nagpapanic na tapusin ang gawain dahil sa excitement. Bumalik na ako sa opisina ni Stan para tapusin den ang gagawin, hindi ako papahuli syempre!

"Yes attorney... still finding some evidence... po? Okay po attorney, thank you."

Naabutan ko si Stan na may kausap sa phone. Napasandal siya sa upuan niya habang nakapikit tsaka bumuntong hininga pagtapos ng tawag.

Tinititigan ko siya habang nakapit, namomroblema na naman siguro siya sa kaso ni Lester. Nga pala yung recorder!

Iniisip ko kung paano ko yun ibibigay, iiwan ko na lang yun mamaya sa lamesa niya.

"Stan? Okay ka lang?"

Lumapit na ako sa kanya, kanina pa kasi siya nakapikit o baka nakatulog na'to. Hindi siya gumagalaw o nagsasalita, nakatulog nga ata siya.

Babalik na sana ako sa lamesa ko ng hatakin niya ako bigla, "potek!"

Magrereklamo sana ako pero hindi ako nakapagsalita nung paupuin niya ako sa hita niya tsaka niyakap.

"Can we stay like this for awhile?"

Kumalabog ang puso ko sa lambing ng bulong niya. Pinatong niya ang kanyang baba sa balikat ko. Inaamoy amoy pa ang leeg ko. Pinagbigyan ko na, susugal ako para sa kanya.

Pull Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon