Tristan POV

7 1 0
                                    

A/n: Thank you for reading my story. Binasa mo man ang lahat o skip man yan. Salamat!

- - -

Pinapanuod ko ang hampas ng alon. Dito ako pumupunta kapag may problema, saksi ang dagat na'to sa halos lahat ng pinagdaanan ko. Dito din siya nangako na hinding hindi niya ako iiwan.

Nasaan ka na? Akala ko ba walang iwanan? Sinungaling!

Pumikit ako para damhin ang hangin, kailangan ko kumalma. Kailangan hindi ako mawala sa sarili ko nang dahil lang wala siya sakin. Pero ang hirap, ang hirap magpanggap na balewala lang sayo ang nangyari. Ang hirap ipakita na okay ka lang kahit sobrang sakit na.

"Saan ba ako nagkulang?" O baka naman sumobra ako? Nasasakal ko ba siya o baka unti-unti ko siyang napabayaan kaya siya bumitaw?

Ang daming tanong na hindi ko masagot. Pinagmamasdan ko ang dagat. Naisip ko na lang bigla kung minahal niya ba talaga ako. Bakit niya ako iniwan kung kailan kailangan na kailangan ko siya. 

"Orb! May babae sa labas! Kanina ka pa tinitignan! Yiee!" Ngumisi na parang tanga si Amiel. Hindi ko tinignan yung babaeng tinutukoy niya kaya lalo niya akong inasar. Sinuntok niya ang braso ko ng paulit-ulit.

"Fuck! Para kang bakla!"

Inistorbo niya ako sa pagrereview para lang sabihing may babae sa labas. Seriously? Mukhang siya pa may type sa babaeng yun eh.

"Bakla amputa! Yabang mo naman porket ang daming naghahabol sayo!" Lalo lang ako nairita sa sinabi niya.

Tumayo ako para lumipat ng upuan, so much distraction itong si Amiel. "Istorbo." sabi ko bago lumabas ng room.

When I first saw her I know she's the one. Palagi ko siya nakikitang kasama ni Ram, Josh's girlfriend. Napakadaldal niya at napakasungit tignan.

"Bilisan mo Ram ha! Pag ikaw nagtagal iiwanan na kita bahala ka dyan!"

Napatingin ako sa babaeng parang nagmamaktol sa harap ng room namin. Inaaway niya ata si Ram.

"Oo na! Basta hintayin mo lang ako dyan!" sagot ni Ram bago pumasok sa loob ng room. Hindi pala sila nag-aaway.

Sa labas ako ng room umupo para umiwas sa maingay lalo na kay Amiel. Hindi ko mapigilan ang pagtingin sa kasama ni Ram. Pinigilan kong mangiti nang tumitingin siya bigla sakin. Natatawa ako sa itsura niya. Para siyang nakakita ng artista kung makatitig. I know she's different, she makes me smile effortless.

"Orb sumama ka mamaya! I won't take no as an answer." kinukulit na namana ako ni Amiel. Para siyang mamatay kapag hindi ako sumama.

May choice pa ba ako? Edi sumama na lang ako sa inuman nila kahit magrereview pa ako mamayang gabi. Sana lang hindi ako malasing dahil paniguradong babagsak ako sa exam bukas.

Nagulat ako nang kasama pala namin sila Ram. Pansin ko ang pagtitig ng kaibigan niya. Naramdaman ko den kung paano siya nagulat nang tumabi ako sa kanya. I'm making her nervous, I feel it.

"Woooooh! Dela Cuesta for the win!"

"Truth!" Natatakot akong magdare. Baka kasi pasayawin ako sa dancefloor, kahihiyan yun para sa akin.

"Kakatruth lang ni Bailey! Dare ka na!"

WTF!

"Uy! Ako na!" Presinta ng nakangising si Amiel.

Uminom ako ng tatlong shot bago pakinggan ang kagaguhang lalabas sa bibig ni Amiel. Ayoko na ng nangyayari lalo't pagtitripan ako nitong si Amiel na lasing.

"Wag ka kabahan! Basic lang 'to." mukha siyang tangang nag-iisip. "Kiss the girl who look's alluring for you."

Gago nga! Bakit hahalikan ko?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pull Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon