25th.

3 0 0
                                    

R18.

"Ang ganda mo naman Gab!" Sinalubong ako ni Paolo kasama ang team ng Finance Department.

Napangiti ako, "Salamat! Ang gaganda at gwapo niyo den huh"

Nagstay muna kami sa isang table para magkwentuhan hangang sa magstart na ang program. Lumabas na ang host for tonight.

"Ladies and gentlemen, let's welcome the Dela Cuesta's family..."

Pumalakpak ang mga tao habang pinapakilala ang Dela Cuesta's. Binaba ko na den ang wine glass ko para sumabay sa kanila.

"The former CEO of Dela Cuesta Corpoation, Mr. Gregorio Dela Cuesta..."

Namangha ako ng lumabas ang daddy ni Stan. Ngayon ko na lang ulit siya nakita, grabe parang wala pa den pinagbago, ganun pa den ang lakas ng dating.

"Mrs. Theresa Dela Cuesta..." nakalight gold gown naman si Madame, hawak ang dulo ng kanyang gown, ngumiti siya sa mga tao.

"Ms. Tricia Anne Dela Cuesta..." napangiti ako lalo sa paglabas ni Tria. Ngiting ngiti den siya habang lumalakad sa stage, bagay na bagay sa kanya ang binili namin na gown.

"And the CEO, Mr. Tristan James Dela Cuesta..." lalo dumami ang palakpakan. Sobrang gwapo talaga niya kahit pa noon.

Umupo na ang ibang bisita dahil magsasalita ang Dela Cuesta's.
Nawala ang ngiti ko habang tinitignan si Stan na nakangiting nagsasalita ng speech niya.

Paano ko siya nakayanang saktan noon? Ginawa niya ang lahat para sa akin pero mas pinili ko siyang saktan, di bali buhay naman siya ngayon. Atleast nasa tuktok pa den siya ngayon kahit na ganun.

Pumunta muna ako sa restroom para magretouch, paglabas ko nakasalubong ko si Josh. Akala ko hindi niya ako kakausapin tulad nung nakaraan. Umatras ako unti at nagulat sa pagngiti niya, parang akala mo hindi nagalit sa akin eh.

"Woooh Gab, ang sexy mo ah" aniya. May hawak pa siyang wine glass.

"Thank you Josh. Ahm kamusta ka na?"

"Eto Marketing head na sa DCC" pagyayabang niya.

"Wow! Galing mo naman! Eh si Ram?"

Binigay niya sa waiter ang wine glass niya bago luminga. Kinunutan ko siya ng noo pero umayos den ako ng bumaling ulit siya sa akin.

"Andito siya eh, sa DCC den siya nagwowork sa Makati nga lang. Pati si Amiel, pero nasa ibang bansa siya ngayon para sa project!"

Wow. So lahat pala sila successful? At tulad ng usapan namin noon. Dito sila nagtrabaho.

"Gusto mo makita si Ram?"

Kinabahan ako agad sa tanong niya. Hindi ko alam kung ready na ba akong makita ulit siya. Matagal ko siyang bestfriend pero hindi ko nagawang sabihin sa kanya ang nakaraan.

"Gabgab?" Niyakap ako ni Ram pagkakita sakin, mahigpit ko siya niyakap. Sobrang namiss ko siya.

Bumitaw ako sa yakap ng tumikhim si Josh.

"Catch up lang kayo diyan ha. I'll just get some drinks for both of you." ani Josh sabay naglakad paalis.

Nagngitian ulit kami ni Ram. Marahan niya akong hinila at dinala sa table nila.

"Kamusta ka na? Grabe lalo kang gumanda ha!" Hindi matanggal ang ngiti sa mukha niya.

"Okay lang, ikaw? Kamusta kayo ni Josh?"

"Well, stay strong kami syempre! Teka, bakit ka nga pala napadpad sa DCC. Huli kong balita sayo nakipagbreak ka daw kay Stan ha! Sorry naging busy ako sa first work ko noon kaya hindi na tayo nakapag-usap. Nagulat na lang ako nang nagbreak na kayo ni Stan at hindi ka na macontact nun."

Pull Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon