10th.

4 2 0
                                    

Nung Monday. Hindi ako makapunta sa room nila Tristan, kaya si Ram na lang muna mag-isa, sakin kasi inassign na ipasa ang activity namin. Ngayon pa naman ako tuturuan ni Stan maggitara, sayang.

"Pst Gab!" Tinawag ako ni Lora, classmate ko habang nag-aayos ako ng papers namin.

Paglingon ko, nginuso niya ang labas ng room kung saan andun si Tristan na nakangisi at may dalang gitara.

"Yieee!" Rinig ko pang asar ni Lora pati ni Zorie, katabi niya.

Pinuntahan ko siya dala dala ang mga papel, "anong ginagawa mo dito? Wala kayong klase?" Nakangiti kong tanong.

Ngumuso siya tsaka ngumiti ulit, "sabi ni Ram hindi ka daw makakapunta sa room, busy ka ba?"

Bakit lalo siyang pagwapo ng pagwapo? Tsaka ang sweet niya ha, parang dati lang ako ang punta ng punta sa kanila. Ngayon siya na ang pumupunta dito at para lang sakin.

"Hindi naman, inaantay ko lang yung mga activity ng iba kong classmate. Gusto mo bang pumasok?"

Sumunod siya sa loob ng room. Tumabi siya sakin habang inaayos ang gitara.

Tinuruan niya ako saglit sa iba pang cords. Hindi ko matuloy tuloy ang paggitara kasi nagpasa na lahat ng classmate ko ng activity kaya inayos ko muna ang papel nila para maipasa ko na.

Napahinto ako sa pagsort nang kumanta si Tristan sa tabi ko.

'Di ko man maamin

Ikaw ay mahalaga sa akin

'Di ko man maisip

Sa pagtulog ikaw ang panaginip

Kumalabog ang puso ko. Tumitig  ako sa kanya habang kinakanta niya ang "Alipin".

Ako'y alipin mo kahit hindi batid

Aaminin ko minsan ako'y manhid

Sana ay iyong naririnig

Sa 'yong yakap ako'y nasasabik.

Halos mapunit ang pisngi ko sa kakangiti. Ang sarap sarap sa pakiramdam na ganito kami ngayon kaya pagtapos niya kumanta sinamahan niya na ako sa faculty.

"Kamusta naman ang araw mo?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami.

"Kanina ang boring. But now I feel better" nilingon niya ako sabay ngumiti.

"Bakit naman boring? Wala ka makausap? Saan si Mariel?...sila Amiel?"

"Andun si Mariel sa engineering sa boyfriend niya! You know what kinwento ko ang pagseselos mo sa kanya." Humalakhak siya. "Akala niya galit ka sa kanya kasi palagi mo daw siya iniirapan."

Namilog ang mata ko. Napahinto ako at nanggigil na hampasin ang braso niya. Bakit niya sinabi pa? Nakakainis!

"Bwisit ka! Bakit mo sinabi?"

Sinasangga niya ang braso niya habang natawa pa den.

"Kasi naman magseselos na lang sa pinsan ko pa!" Asar niya.

Nang napagod na ako kakahampas sa kanya, inakbayan niya ako. Nakasimangot ako papuntang faculty. Ano na lang mukha ang maihaharap ko kay Mariel?

Pagkauwi nag-usap kami ni daddy. Kinwento ko sa kanya si Tristan, akala ko nung una magagalit siya, napangiti lang siya sa kinwento ko at gusto pa niya sagutin ko na agad!

"Tinuturuan pa niya ako dy maggitara! Marunong na naman ako unti kasi tinuruan ako ng classmate ko. Gusto ko bumili ng gitara dy, pwedeng ayun na lang ang graduation gift ko?"

Pull Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon