Simula

60 1 0
                                    

Sakura-- petals we're falling, many falls into the ground. It was a beautiful scenery, seeing your love's heart shaped smile, her cat eyes and her laugh is music to my ears. That day was perfect and full of joy.

It was summer in our country and we decided to have a vacation in Japan, one week vacation indeed.

There, we spent our time together. We enjoy the one week vacation and we even had fun. Our love was full of life, loving each other and the feels of wanting and growing old with her.

And it's funny to think that it would last forever. The love we had before is no longer there. Our love turns into dark, shallow and fragile.

She left me hanging, full of questions and what ifs. Why she leave me like that? Do I deserve to be hurt? Do I have to suffer the heartache she leaves?

Did she even know what's the saddest and most painful she leave in me?

She left without a farewell.

-

"Peniel Delos Santos!"

Mabilis akong tumakbo para makatakas sa amazona naming president. Halos madapa at pilit na lumalayo ako sa kaniya. Basta makalayo lang ako at hindi ko na siya maaninag ay ayos na sa akin. May ipapagawa na naman kasi siya, at tinatamad ako kaya heto. Tatakas na naman ako sa classroom.

Nang hindi ko na siya makita ay napasandig ako sa dingding at habol ang hininga.

"Oh, ikaw pala yan lazy captain Penn. Mukhang galing ka sa karera ah."

Pinunasan ko ang pawis sa noo at leeg ko saka ngumiti ng tipid. "Ikaw ba naman habulin ng amazonang babae? Hindi ka ba tatakbo?"

"Aha! Si Ms. President ba ang tinutukoy mo?" Tumango ako sa kaibigan at kasama ko sa isang swim team na si Julianne.

"Bakit ako pa kasi ang binoto nila bilang secretary ng class? Nakakatamad kaya mag check ng attendance at sa akin pa mismo pinapalista ang mga absent! Tsaka nakakainis ang mga late kong kaklase! Ang akala ko absent late lang pala!" inis na sinuntok-suntok ko ang kamao ko sa ere at iniimagine na pinagsusuntok ko ang mga kinaiinisan kong tao.

"Your lucky kasi hindi kita binoto. Kaya dapat na magpasalamat ka sa girl bestfriend mo."

"Oo na, thank you! Pero ayaw ko pa rin ang position ko."

Nakita kong pinapaypayan niya ang sarili niya, halatang napipikon na sa akin at maya-maya'y sasabog na siya na parang time bomb.

"Hindi naman mabigat ang trabaho mo bilang secretary ng klase. Mas madami kaya ang gawain ni Sophia at ng vice president natin." Nagkibit-balikat siya at napailing sa akin.

"Debale. Basta ayaw ko talaga na ililista ang pangalan ko sa board at pagtitripan na ako ang ipanalo bilang secretary." tumango lang siya at binigyan ako ng tawa.

"Sumasaludo ako sa inyo!" Sabi ko sabay saludo sa harap niya.

Binigyan niya lang ako ng puzzled look at mukhang hindi niya gets ang sinasabi ko, "Saludo ako dahil napaka supportive mong kaibigan. Sana naman kahit mali at tamad akong sekretarya ng klase ay supportive ka pa rin."

"Kahit na! Dapat ginagawa mo pa rin ang inuutos ni ma'am at ni Sophia. Kahit kelan talaga napaka kulit mo!" Tinarayan niya ako habang ako ay inaasar siya sa pag ngiti ko.

Kukurutin niya sana ang tagiliran ko ng bigla kong iniwasiwas sa ere ang kamay ko at tila na sumusuko sa aking boss.

"Yes ma'am! Hindi na po mauulit!" Natawa lang siya at tinuloy ang pagkurot sa tagiliran ko. Nagreklamo ako dahil ang sakit ng kurot niya pero mas doble pa ang sakit ng kurot ni Mama.

Memoirs Of MelancholyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon