II. JUST FOR ME TO REMEMBER

121 3 0
                                    

"There are places I remember, in my life... "

"Patay na ata si Terrence." biro ni Jane sa sarili. Sa dinami-rami naman kasi ng pwedeng matapat na tugtog ng mabagal na jeep, ito pang "In My Life" na madalas kantahin sa kanya ni Terrence. Nagpaparamdam na ata.

W

Pero mukhang si Jane ang namatay. O kaya ay namatayan. At any moment, magkakanda-trapik-trapik na naman ang luha sa mukha ni Jane kung hindi niya matitiis ang kanyang gunita sa pag-aalaala sa naging break-ups nila ni Terrence. Sinasabayan pa ng mabagal na takbo ng sasakyang tila isang malaking karo ng patay na puso ni Jane. At ang mga ibang pasahero, ay mga piping bulaklak sa libing ng kanyang pag-ibig.

"Mama, para ho." Inayos ni Jane ang kanyang buhok. Inilabas ang I.D. Isinuot. Pagdaan niya sa gate, sinalubong siya ng magandang ngiti ng ka-close na guwardya. Ngunit walang tugon si Jane. Hindi niya pinansin ang dating kabiruang guwardya. Walang paglagyan ang anyo ng kalungkutan sa mukha ng dalaga. Maputla siya't namamaga ang mga mata. Masungit ang datingan ng kanyang mukha, na parang walang pwedeng magtangkang siya ay kausapin. Maliban marahil kay Terrence.

May isang bagay na hindi gaanong naaapektuhan sa buhay ni Jane. Ito ay ang kanyang pag-aaral. Palibhasa'y school oriented, hindi siya kailanman nawalan ng ganang mag-aral nang dahil lang sa lalaki. Alam niyang ito ang pinakamahalaga sa lahat, or better to say, bago ang lahat. Araw-araw pa rin siyang pumapasok sa eskwela, nagbabasa at nakikisali sa mga formal discussions sa klase o sa forums. Ang pagkakaiba nga lang, nababawasan ang kanyang socialization schedule. Madalas, mag-isa na lang siyang nagpupunta sa kanilang library. Mag-isang kumakain. Sa iba kumakain dahil baka may magpakita na namang multo at maiyak na naman siya sa sobrang lungkot. Ang multong bigla na lang dumarating at bigla na lang ding mawawala. Ang multong pinasaya siya nang sobra pagkatapos ay mapuputol na lang ang lahat nang walang kalaban-laban. Na langit at lupa ang pagitan.

"Jane, bk8? Nu prblem? " si Ruth. Nagtext.

" ;( wala na kami Bez. How rude." Sagot niya.

"Twagan kita gusto mo? Ar you busy? Ako ok lng? Or gusto mo punta me dyan now? Paalam na lang ako kay dad.."

" next time na lang bez. May tatapusin pa kasi ako. I can handle it myself. And di ko pa kayang pag-usapan. Sobrang sakit. ;( I was shocked. Anyways.. thank you."

"Ok bez. I'll pray 4 u both na lang. Just text me kung kailangan mo nang kausap." reply ni Ruth.

"Nga pala, birthday ni Ashley sa 14, gusto mo sama ka sa Subic? May sasakyan naman e. Sagot din nila ang food. Friday night naman ang alis kaya walang prblema sa pasok. Tex mo ko kung ok sau ha. Ingat. 'wag na masyado mag-cry. Love you Bez." Aya ulit ni Ruth.

Hindi na nagreply si Jane. Ayaw na rin niyang pahabain ang usapan dahil alam niyang sa masakit na katotohanan lang patutungo ang lahat. Bakit ba ganun ang kaibigan, magtatanong muna kung ano, bakit, papaano, saan, kailan, mga tanong na lalong magpapaalala sa iyo ng lahat bago ka i-comfort? Siguro, gusto lang nilang makaisip ng best ways para maging Masaya ka. Ilayo ka sa lahat ng pwedeng magpaalala sa iyo ng hindi mo na dapat maisip, at makagawa sila ng paraan para makabangon ka sa kumunoy ng problema. Ayaw ng isang tunay na kaibigang nakalugmok sa putik ang kanilang kaibigan. And vice versa.

Kaya kung tunay kang kaibigan, makikilangoy ka sa putik ng gaga mong kaibigan, makikipasan ka ng lungkot, makikipagpuyatan ka para makapaglamay sa nakaburol niyang puso. At sabay ninyong ililibing ang nakaraan, little by little, ang mga alaalang minsan nang nagpaikot at nagpakulay ng mundo mo. Pagkatapos, ilalagay mo na ang lapidang may nakasulat na "Rest in Love".

Sisimentuhin na ng paglimot at aalayan ng bulaklak ng pagtanggap. Ikaw ngayong dakilang kaibigan, maaasahan din pala, hanggang libingan. Sertified sepulturero ang peg. Ayos.

Hanggang sa maalala mong hindi pala ganoon kadali ang trabaho mo bilang tunay na kaibigan. It takes courage to become a hero, este . sepulturerow.. Lalo na kung ang broken hearted mong kaibigan, malalim ang pinaghuhugutan.

Boyfriend for RentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon