I. "SA DAAN, DADALOY ANG LUHA"

282 5 0
                                    

"Para mo na ring sinabing hindi ako naging sapat sa'yo Terrence. . . Ang sakit-sakit Terrence. Ang sakit-sakit!" nangangatog na usal ni Jane habang walang kahirap-hirap na umaagos ang malalapad na luha sa pisngi ng dalaga.

Tila nakatapak sa gitna ng malamig na bangkay si Jane. Paanong sa biglang-bigla ay magbabago ang lahat. Hindi siya kailanman nangaliwa. Hindi siya nakipag-text sa ibang lalaki o nakipagkumustahan man lang. Ni hindi niya na nagawang makisama sa mga lakad ng barkada dahil na rin sa ikapapanatag ng loob ng boyfriend. Pero bakit nangyari ito? Walang makapang dahilan si Jane. Naghahalo-halo ang mga pangitain sa kanyang isip. Kasabay ng maraming-maraming tanong kung bakit.

" Hindi mo kasalanan Jane. I'm sorry. Hindi ikaw ang mali. Ako. I just don't feel that I deserve you. You're such a great woman. Hindi mo dapat ubusin ang panahon mo sa gaya ko. Hindi ako sapat Jane." sa tila nagmamakaawang mukha ni Terrence na pilit ipinaliliwanag ang kanyang naging biglaang desisyon.

"Ano bang sinasabi mo?" may kalakasang tinig ni Jane. "Kailan ba ako naghangad ng higit pa sa'yo Terrence? Kailan ba kita sinisi or sinumbatan? Pinaramdam ko bas a iyong kulang ka or nagkukulang ka ever since na maging tayo 4 years ago? NEVER TERRENCE! Alam kong may mga differences tayo. Alam kong may mga pagkukulang tayo sa isa't isa pero never kong pinaramdam sa iyo na nakukulangan ako sa iyo 'coz for me, you are enough. Terrence. What's wrong? Ano ba talaga ang dahilan?" lalong tumindi ang paggaralgal ng boses ni Jane habang nakahawak ang isang kamay sa dibdib na naninikip.

"Jane, I'm sorry, pero hanggang dito na lang talaga. " nababang tinig na tugon ni Terrence.

Kasabay ng humaharurot na mga sasakyan sa daan, mabilis ding naglaho si Terrence. Agad itong naglakad papalayo kay Jane. At naiwang mag-isa sa daan habang pinagtitinginan ng ibang mga taong tila naguguluhan din sa nangyayari. At si Jane, walang magawa kundi ang magpakawala nang magpakawala ng sunod-sunod na atungal na walang tinig habang nakatungo sa lupa, lumuluha. Tila kandilang mabilis na nalulusaw dahil sa tindi ng init na pumapaso sa kanyang kaloob-looban.

Ang bigat na idinulot ng pamamaalam niyang iyon ay lubhang pinasan ni Jane, saan man siya magpunta, ano man ang kanyang ginagawa. Mula sa tampok na tagpong iyon, sa kanto ng Katipunan Avenue. Ang inaakala niyang masayang pagsalubong ng kasintahang isang linggo niyang di nakita ay may baon pa lang masamang balita.

Pangatlong boyfriend na ni Jane si Terrence. At sa mga nakalipas niyang naging karelasyon, sapat na upang maging open siya sa anumang kahihinatnan ng kanilang relasyon. And apparently, she has experienced to be rejected, at paasahin. She cried a lot before. Isang malaking dahilan para masabing alam na niya ang ligoy ng pakikipagrelasyon at expert na siya rito. But come to think that she cried so hard just because of this guy. Well, ang masakit kasi rito, ay yung taong sobra mong minahal, bigla na lang makikipaghiwalay nang wala kang makitang dahilan. Sa kanya man o sa iyo. Ibinigay mo na ang lahat. Sinunod ang lahat ng gusto niya at ng lahat ng makapagpapasaya sa kanya. Nag-effort ka pa para i-surprise siya. Then suddenly, bibitawan ka lang niya na parang hindi ka naging mabuting babae at girlfriend sa kanya. For so many girls out there, sa iyo pa natapat ang malas na roleta.

Kaya ito ka ngayon, tulala sa kuwarto. Hindi mo alam kung bakit ginagawa mo ito sa sarili mo. Ang magmukhang tanga despite the fact that you know who you are as a person. Pero dahil walang sinisino ang pag-ibig, pasok ka sa banga ng mga gagang na-inlove at magpapalipas ng ilang gabing tumutulo ang lahat ng puwedeng ikatas sa katawan mo nang dahil sa wasak na wasak mong puso.

Takot si Jane sa dilim. Just imagine how she managed to stay awake alone in her room from 4pm to 5am, keep thinking what's wrong with her. Ang checklist niya ng whole day date with Terrence sa kanilang monthsary, just 3 days from now, ay hindi na mangyayari. Ang mga pangarap nilang magkasama, ang mga plano, ang kanilang mga pangako sa isa't isa. Paano nila ipaliliwanag sa kanilang mga magulang na wala na sila? Syempre, magtatanong ang mga iyon. Anong isasagot ni Jane? Hindi niya alam? Malay niya? Tanga kasi siya? Kulang kasi siya? Ano? Wala siyang idea. Hindi naman siya panget. Hindi naman siya mataba. Siya nga ang pambato sa kanilang interdepartmental beauty contest sa kanilang college. So ano nga ang dahilan? Napakalabo ng lahat. Gaya na lang ng bintana niyang pinalalabo ng malakas na buhos ng ulan.

Boyfriend for RentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon