Sa bahay ni Rica. Si Rica at Ruth ay nasa loob ng kuwarto. Hindi makapakali si Rica sa kalalakad. Pabalik-balik. Paroon, parito. Nag-iisip. Nalilito. Nagtataka. Nag-aalangan. Hindi maiunat ang noo sa paghahanap ng sagot sa bagay na gumugulo sa kanyang sarili. Kahit na hindi para sa kanya ang problema.
Habang malaking-malaki ang problema ni ‘Rica, nakasalampak naman si Ruth sa kama. Higang kala mo ay kanya ang kama, ang kuwarto, ang bahay. Palibhasa, madalas na siyang nandito sa bahay ng baklang friendster. Nakapako ang mata sa tablet. Nilalaro ang paboritong candy crush saga.
“Tsk. Sa tingin mo Friend, bakit kaya .. hmm...” habang hindi humihinto sa paglalakad. “Baka.. ano kaya ang dahilan? Nakita mo naman friend! Sa dami-dami ng pewedeng piliin, yung ganoong tao pa. Yung ganung hitsura. OMG!! How can we help our sistah if she’s still.. Owh. “ at nagkakamot na ng ulo habang nakakunot ang mukha nang dahil sa pagkainis. “Friend ano kayang..FRIEND!!!! TANGENA MO NAMAN FRIEND!!! Ikaw ang i-crash ko dyan sa tablet mong..” sabay lapit kay Ruth at kinuha ang tablet. Akmang ibabato sa mukha ni Ruth.
“Ano ba! Made-deads ako!!!! Ang layo na ng level ko oh..” habol ni Ruth sa kinuhang tablet.
“HAYOP KA, kanina pa kita kinakausap. MY GOSH... Kaya pala hindi ka makasagot e dahil dyan nakatutok yang kepekpekan mo sa larong ‘yan. Adik ka na friend!!!” pagsesermon ni Rica.
“Ha Ha Ha. Sorry naman. Ano ba ‘yun? Si Jane? Hayaan mo muna siya. Baka doon siya Masaya sa napili niya..”
“Anong hayaan? Nakita mo ba, aasa na naman siya! We are letting her do such crazy things para lang masaktan ulit! Baka mamaya tayo pa masisi niyan! Tayo ang may pakana sa boyfriend for rent na ‘yan tapos, yun pa pala ang daragdag sa problema n gating friend!!!” paliwanag ni Rica.
“Gaga.. Ikaw lang ang masisisi. Ikaw lang naman ang may pakana nito e. Sinuportahan lang kita kasi friend kita at friend ko rin si Jane..” sagot ni Ruth
“HOY!HOY!HOY! BABOY!.. Dalawa tayo rito bakla ha.. umayos ka! We planned for this!! Kaya doncha tell me na ako lang .. HMP!” gigil na sagot ni Rica.
“O well, ano ba kasing napapansin mong problem with our friend Jane sa napili niya?”
“Bakit hindi mo ba napansin? Hay..”
“Rica my friend, alam ko naman. Matangos ilong, maputi, medyo payat, 5’6 ang Height, mabangong tignan, gwapo.. Hindi mo maipagkakaila kahit saan mo isama ang lalaking napili ni Jane. But the problem here is, kamukhang kamukha ni Terrence ang guy.”
“EXACTLY MY FRIEND!!! ‘yan ang gusto kong ipunto! Ang pinili niya ay kamukhang kamukha ng taong nanakit sa kanya. Therefore, things might just get worst Friend!!!” pagdidiin ni Rica.
“Wow Nose bleed girl!”
Biglang napabaling ng tingin si Rica kay Ruth at napadampot ng walis tambong kulay pink ang tangkay. At agad na iniakmang ihahambalos sa nakahigang si Ruth. Napabangon sa kama ni Ruth habang tumatawa nang malakas. Halatang iniinis ang kaibigang namomroblema.
“Wag kang mag-alala. Alam mo, hindi natin mapipigilan si Jane. Yun ang napili niya. Malay ba natin kung sa ganyang paraan, tuluyang mahanap ni Jane ang Terrence niya sa ibang tao. Sa ibang lalaki. Kamukha man, atleast, hindi na gaya ng Terrence na ‘yun. “
“Okay. Sige. Pero diba, one week lang ang rent niya? What if hindi na niya pakawalan yung guy? Or ma-fall na naman siya? “
“Rica, hindi ganun ka-gaga si Jane. Alam naman niyang laro lang ito. Therapy. Baka sakaling may magbago. So there’s no need to worry. At isa pa, sa tingin ko, nakakaisip na ng ibang dahilan si Jane kung bakit pinatulan niya itong si .. . .sino nga ba ‘yang napili niyang i-rent?”
“Andrew. Si papa Andrew D. Cruz. O-M-G gurl,!!! Ang yummy-yummy ng name niya!!! Kapag binibigkas mo ang bawat letter ng name niya, naaalala ko yung ex kong nauuntog ako sa abs na sobrang ti . . .ti . . .ti . . . ti . . ti-ti-tiGAS!!!! “
“ ‘yan ka na naman. O e bakit ba iniwan ka nun?”
“E kashe, nalomon niyang gay aketch.. hur-hur-hur...” pag-aarte ni Rica.
“Yuck.”
“Ano? Anong sabi mo?”
“Wala. Ikaw, kung ano-ano na naririnig mo ha!!!” pagpapanggap ni Rica.
Biglang nagbago ng hitsura ang mukha ni Rica. Na tila may masamang balak. Nanlilisik ang mga mata. Nag-aanyong tuwid na lalaki kahit hindi pa rin mabura ang pagiging bakla. “May bumubulong na nga sa akin e. Tutal naman daw, nasa iisang kuwarto tayo. At tayo lang dalawa, bakit, hindi kita tikman. Wala ka namang magagawa. Virgin ka pa naman. Pagkakataon ko na. . . Mu-ha!-ha!-ha!-ha!” tumatawang tila mangkukulam.
“Sige, halika rito, yakapin mo ko Rica. Yakapin mo ko!!!” akmang lalapit si Ruth kay Rica para yumakap. Inaakit ang kaibigan. Napatalon palayo si Bakla.
“MASAMANG LAMANG LUPA!!! (habang hawak ang nadampot na rosaryo sa lamesa) LUMAYO KA SA KATAWAN NG KAIBIGAN KONG SI RUTH! INUUTUSAN KITA!! NAKAKADIRI KA! DYAN KA PA SA MAY ALIPUNGA KONG KAIBIGAN! LAYAAAASSSS!!!” sigaw ni Rica kay Ruth.
Biglang natigilan si Ruth. Lumingat-lingat sa paligid na nagmamadaling may madampot na anumang maipanghahampas sa kaibigan. Natunugan agad ni Rica ang gagawin ni Ruth kaya nanakbo agad ito palabas. “HAYOP KANG BAKLA KA! IKAW ANG SASANIBAN SA AKIN KAPAG INABUTAN KITA!!!!
BINABASA MO ANG
Boyfriend for Rent
RomanceIto ay tungkol sa dalagang sumalo lahat ng katangahan sa mundo ng pakikipagrelasyon. Sana magustuhan ng mambabasa ang kakaibang pag-uugali ng mga karakter at maging ng kanilang mga diyalogo. Maaari kayong magkomento. Salamat.