"Sigurado ka na ba talaga rito anak?" tanong ni aling Agnes sa kanyang anak na si Jane.
"Opo mama. Ayoko na rin kasing makakita pa ng kahit na anong bagay ditto tungkol sa kanya." paliwanag ni Jane.
"Sabagay, pero saying ito. Baka pwede pa nating ibigay sa ibang bata. Gaya sa anak ni Mareng Linda. Mahilig ang anak nun sa mga ganitong teddy bears. " wika ni aling Agnes.
"Bahala nap o kayo mama. Basta, gusto ko lang mawala lahat ng iyan dito. Nakasisikip lang iyan ng kuwarto ko, at ng pagtulog ko."
Pumasok na si jane sa bahay. Iniwan ang ina sa pagdedesisyon sa kung itatapon o ipamimigay ang lahat ng kanyang gamit na inilabas mula sa kuwarto. Wala siyang panghihinayang sa sarili. Alam niyang materyal na bagay lamang ang lahat ng iyon para panghinayangan. At hindi niya rin pagtatangkaang paghinayangan ang halaga ng nagbigay. Dahil bago pa man ang mga gamit, ang mga alaala na ito na ang nais niyang unang-unang itapon at kalimutan.
"Anak." Tinig na nagmula sa kusina.
"Pa. Bakit po?" tanong ni Jane.
"Lika rito." Aya ng tinig na nasa kusina.
Mabilis na nagtungo si jane sa pinanggagalingan ng ama. Nadatnan niya itong nagluluto para sa kanilang pananghalian. Hindi na bago para sa kanya ang makitang ang ama ang naghahanda para sa kanilang tanghalian. Basta't walang pasok, walang ibang hari ng kusina kundi ang kanyang ama. Palibhasa'y may husay sa pagluluto, naging panata na ni Mang Nato ang magluto para sa kanyang Misis. Hanggang sa magbunga ang kanilang masarap na pagmamahalan. Hanggang sa lumaki si jane ay ginagawa pa rin ito ng kanyang ama hindi lang para sa kanyang ina kundi para na rin sa kanya.
"Nak, marami-rami iyong pinatatapon mo sa mama mo ha. Sigurado ka ba dun? Hindi ka ba nanghihinayang?" tanong ng kanyang papa.
"Hindi po. Ayoko na ring maalala si Terrence. Sa kahit na anong paraan. Mahihirapan lang pong lalo ang loob ko kung maiisip ko pa siya. " sagot ni Jane.
"Well anak, psychologically speaking, tama naman iyang ginawa mo. Para makatulong sa iyong maka-move on ka, kailangan mong tanggalin sa sakop ng paningin mo ang mga bagay na makapagpapaalala sa iyo sa lalaking iyon. Pero anak, huwag mo sanang kalilimutan, na kaya ka nagkaroon ng mga ganoong bagay, ay hindi dahil sa lalaking iyon, kundi dahil may nagmahal sa iyo. Ang mga bagay na mayroon ka, bigay man ni Terrence iyon o ng kung sino, ay ibinigay sa iyo dahil may mga tao kang pinaibig mo. "
Lumapit ang ama ni Jane sa kanya at inakbayan siya.
Bumulong si Mang Nato sa anak habang palihim na tinanaw si Aling Agnes, "Alam mo nak, maswerte ka pa, ang nanay mo, naka-sampung break na ata, wala man lang naitapong gamit mula sa manliligaw. E paano, puro bulaklak. " sabay ngiti sa anak.
"E papa, kayo ba ni mama hindi nag-break miski minsan?" Nakangiting usisa ni Jane.
"Nagkahiwalay na kami ng nanay mo noon. Mas masakit nga noon ang mag-break kasi harapan talaga. Wala pang Cellphone noon o kaya ay skype. Kaya kailangan talagang harapan. Mahirap naman tumelegrama at baka una pang mabasa ng tatay niya e mahabol ako ng itak kapag nabasang ako pa ang makikipaghiwalay. Madalas, sa parke kami nag-iiyakan ng nanay mo. Mga 3 months din kaming naghiwalay. Pero nagkabalikan ulit."
"Edi tinapon din ni mama mga ibinigay mo sa kanya?" tanong uli ni Jane.
"Ay hindi.. wala siyang naitapon, kasi wala naman akong naibibigay sa mama mo kundi pagmamahal. " napatawa si mang Nato. "Alam mo anak, oras at pasensya ang naging puhunan ko sa mama mo. Hindi kasi iyan materialistic. Di naghahangad ng kung ano lalo na't alam niya ang katayuan ng buhay naming noon. Basta ang gusto niyan, kahit siya pa magbayad ng pamasahe, ang mahalaga, ihatid ko siya at sunduin. Kapag ako naman nagkakaroon ng pera, o kaya'y aalis ang lola mo sa bahay at iiwan sa akin ang pagluluto ng tanghalian o hapunan, aba'y ipagtatabi ko na ang mama mo ng luto kong ulam at sikreto kong dadalhin sa kanila para pag-uwi niya, may mainit at masarap siyang makakain pag-uwi. " dagdag pa ng ama niya.
Napangiti na lang si Jane. Ito ang pinakaunang ngiting sumungaw sa kanyang mga labi mula nang sumapit ang hindi malilimutang araw na iyon. Nakikita niya ang kabutihan ng kanyang ama. Ang pagiging sweet nito. At isa na namang tanong ang pumasok sa kanyang isip. Bakit sina papa, nagtagal hanggang sa huli, bakit kami ni Terrence, hindi?
BINABASA MO ANG
Boyfriend for Rent
RomanceIto ay tungkol sa dalagang sumalo lahat ng katangahan sa mundo ng pakikipagrelasyon. Sana magustuhan ng mambabasa ang kakaibang pag-uugali ng mga karakter at maging ng kanilang mga diyalogo. Maaari kayong magkomento. Salamat.