Jeng-jeng..
Ganda..
Princess..
Bestie...
Sweetheart..
.
.
Jane.?
?
?
JANE!!!! TANG-INA JANE PATAY KA NA BAAAAAA??!!!!
"Ano ba naman Rica! Ginulat mo naman ako!" halatang natauhan sa sigaw ng kaibigan. Nakakaasar ka naman bakla.. wala kang magawa nu. Tss.." tinutop ang ulo ng kamay. Nakakunot ang noo ni Jane na nakatingin sa mata ni Rica. Saglit na umirap at ibinaling sa malayo ang tingin na parang may hinahabol na alaala at napag-iwanan siya.
Tumabi ang kaibigan kay Jane. Pinagmasdan ang kaibigang natulala muli sa malayong tinatanaw. Si Rica ang long lost bestfriend ni Jane. Long lost dahil simula nang mag-hayskul, naging sailor moon na ang Rico Bernardo Makabebe turn into Rica Beverly Makabebe. Grade 2 pa lang, magkaklase na sila ni Jane. Dumating pa sa history ng kanilang pagkakaibigan na nagkagustuhan. Pero minabuti ng dalawang maging matalik na lang na magkaibigan. Buti na lang. Baka kung natuloy iyon, yun na siguro ang unang heartbreak ni Jane. Hanggang sa lumaon, tuluyan nang naglantad ang bakla. Hindi naging mahirap para kay Jane at gayundin kay Rico/Rica ang mga pagbabago sa isa't isa. Kaya tumagal ang kanilang pagsasama.
"Friend, hanggang kelan ka magiging estatwa? Everytime na nagkakaroon ka ng pagkakataong magmuni-muni, bigla kang hindi kumikibo dyan. Masyadong malalim yang iniisip mo. Nakakaasar ka naman e. "
"Rica"
"Yes Bakla..?" mabilis na tugon ng kaibigan.
"Paano kung tayo na lang ang magka-inlove-an? Okay lang ba? "
"Tang-ina mo naman Friend!!!! Adik ka ba?!!! Bastusan ata to e! " nagwawalang sagot ni Rica. Halatang na-high blood.
Napatayo sa upuan at napatitig nang nanlilisik kay Jane.
"E Friend, lalaki ka naman dati diba. Nagka-crush ka pa nga sa akin e." pagpapaalala ni Jane.
"Gaga ka bakla sinasaniban ka na ata!! Nakakadirdir ka.. How dare you! (umaarte na si Rica na parang nasa eksena ng drama sa pelikula) After all these years, pagkatapos ng pagkakaibigan natin at lahat, after all of make up sessions i have done to you, pagkatapos kong bilhan ka ng cheap but elite and superb dress sa Divisoria kahit humulas na ang ganda ko't maging kalsada na sa Edsa ang pisngi ko dahil sa pawis tuwing birthday mo, pagkatapos kong isali ka sa sagala kahit na hindi ka naman qualified dahil ako talaga ang kinuha nila because undoubtly and undenyingly mas angat ang beauty ko sa iyo, after ng lahat - lahat (unti-unti nang lumuluhod si bakla hanggang sa tumulo na ang luha ) malalaman kong PINAG-NA-NA-SAHAN MO PALA ANG KATAWAN KO!! Para sabihin ko sa iyo, hindi ako ganoon kababoy! I have never ever not no no way, no , no, hindi kahit kailan na nagpagalaw ako sa babae! Hu! Hu! Hu! How Dare . .
Pinutol ni Jane ang pag-arte ng Baklang kabigan sa isang tanong "A ganon? Gusto mo bang ipagsigawan ko sa lahat ng estudyante rito kung ano ang karanasan ninyong dalawa ni Mikaela?! Ha?!
"Uy Friend! (biglang takbo sa tabi ni Jane at napahawak sa kamay) Gaga wag kang maingay baka may makarinig. Teng-eneng to.. di ka naman mabiro. (nakangiti)
"Minumura mo ko? Nakakailan ka na ha. (pinandidilatan ni Jane) Gusto mo talaga atang . ."
"Ay churi na! Churi.. Ang gaga mo kasi dyan. Kanina ka pa tulaley.. Kaazar ka. Alam mo friend. Life goes on. Ang dami namang papa dyan. Can't you see? Wala ka kasing ibang nakikita kundi iyang Terrence mo e. Ano bang pinaramdam sa iyo nun at bakit hindi ka maka-get over? God!!! Malaki ba? Hindi mo bam kinaya?"
Biglang hinampas sa hita ni Jane si Rica. "Loka ka talaga. Ang dumi mo mag-isip. Alam mo namang minahal ko iyon. Sobra."
" I know friend! Pero friend, you should accept the fact that none in this world is permanent except change! And talagang nangyayari yun. Mahal ka niya ngayon, bukas hindi na. Ayaw niya sa iyo ngayon, bukas gusto na. Mahal ka na niya, then ayaw na niya ulit sa iyo. Ano ka ba!! Move on girl!"
"Kaya nga Rica. So bading ka ngayon, pwedeng bukas paggising mo, babae na ang gusto mo."
"YAAAAAAK!!! Hindi mo ba ako titigilan? Magising man ako tomorrow na lalaki na uli ako, o my, NO WAY!, pagkaligo't pagkaligo ko sa mahiwagang batya namin, bakla na naman ako kasi ito talaga ang puso ko!!! Wag mo na ipilit Friend dahil kahit anong gawin mo, hnding-hindi ka papantay sa ganda ko! Iyan ka na naman kasi, you can't be true to yourself that I am more beautiful than you.. "
"Okay. Okay. Bakla ka talaga. Hindi ka naman nakakatulong." Malungkot na sagot ni Jane. "Friend, seryoso,, marami pa dyan." Nakatitig si Rica sa mata ni Jane. " Im sure, makakatagpo ka ng lalaking makapagpaparamdam sa iyo ng pagmamahal na hinahanap mo. Alam mo, i do believe na no one can compensate the love which has given by someone who became part of your past. Pero there will always be someone who can love you so much differently. " Napayuko si Jane. Halatang nakikinig sa sinasabi ng kaibigan. Ngunit nag-aalangan pa rin kung talagang seryoso ang kaibigan sa sinasabi.
"Sige, dahil kaibigan naman kita, and you mean my dearest sister to me, i'll give way."
"Anong give way?" nalalabuang tanong ni Jane.
" Lahat kasi ng gwapong papaballs, namamagnetize sa akin. Kasi naman, ang haba-haba ng hair ko. Kaya magtitira na nga ako para sa iyo. Para hindi mo na pinagsisiksikan ang sarili mo sa iisang Terrence na iyan."
Biglang napalingon si Jane at sinakal ang kaibigan. . .
"Help! Help! Saklolo! Tulong!"
Nagtawanan ang dalawa. . .
BINABASA MO ANG
Boyfriend for Rent
RomansaIto ay tungkol sa dalagang sumalo lahat ng katangahan sa mundo ng pakikipagrelasyon. Sana magustuhan ng mambabasa ang kakaibang pag-uugali ng mga karakter at maging ng kanilang mga diyalogo. Maaari kayong magkomento. Salamat.