III. UNHAPPY MONTHSARY

87 3 4
                                    

Dear Terrence,

Sana Masaya ka na ngayon. Sa pinili mong landas. Sana rin naisip mong pinagmukha mo akong tanga rito. Sana hindi mo na lang ako niligawan. Sana hindi ka na nag-effort na suyuin ako kung sa huli, ganito lang din ang gagawin mo sa akin. Actually, i have faced dreadful situations like this, alam mo 'yan. Pero kontra-tyempo tong ginawa mo sa akin. At this point in time wherein everything looks sound. This is what hurts me most, ang hiwalayan ka nang hindi mo alam ang dahilan. Ang pinakadahilan. Napaka-unfair mo naman sa akin Terrence!

Gusto kong isumbat sa iyo lahat -lahat ng ginawa ko para sa iyo, just to make you feel you are extra special. Para maramdaman mong hindi lang ang lalaki ang dapat na gumagawa ng paraan para ma-surprise ang babae kundi pati siya. But look what you have done. Sinayang mo lang lahat ng ginawa ko para sa iyo! ;-( Hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko para sa iyo, dahil alam kong minahal kita nang higit pa sa inaasahan mo. And i have loved you with no reason at all, no boundaries, no alibis, no consequences. Just pure love and care. Umasa ako.

Despite the fact na alam kong kahit gaano pa kaganda ang takbo ng isang relasyon, things might come out of our hopeful hands. Pero yun nga e, napakabilis, walang pasabi, no signs of anything that can lead to this. Ang saklap-saklap para sa akin nito Terrence. And it caused a lot lalo na kapag naiisip kong hanggang dito na nga lang talaga tayo.

Ayokong maging kabilang sa milyon-milyong love story na iniwan ng kanyang prince charming at may darating na ibang magpapatibok ng puso ng prinsesang sinaktan. Dahil alam kong ikaw ang lalaking hindi ako hahayaang mapunta pa sa ibang prinsipe. Pero siguro, God has a better reason for this. Hindi ko alam kung magagawa kong tanggapin ito within weeks, months, or years. Pero susubukan ko para sa mga taong nasa paligid ko at para sa sarili kong pinagkakautangan ko ng lahat.

Hindi mo man mabasa ito, even for the last time, i want to say "I love you so much Terrence." Happy Unhappy monthsary sa iyo.

Umaasang Makakasampal sa iyo one of these days,

Jane.

P.S.

Gusto ko rin sanang sampal, yung hindi mo inaasahan. Para nagulat ka na, nasaktan ka pa! Hayop ka. ;-(

Boyfriend for RentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon