She dressed up perfectly. Na parang walang nangyari sa kanya. Maayos na nakasuklay ang basa-basa niya pang buhok, naka-lipstick, naka-dress na bulaklakin. Naghahalo ang kulay carnation pink at white sa kanyang suot. Senyales na ba ito na nagbu-bloom na ulit siya?
"Ang Tarush!!! Te bongga itey!" bulong ni Rica kay Ruth. Magkasabay na inabangan ni Rica at Ruth si Jane sa tapat ng tindahan na malapit sa bahay nina Rica. Nakangiti ang dalawa habang pinagmamasdan ang kaibigang bumaba ng traysikel. Hindi makapaniwala sa naging aura nito.
Buong pagkatao ni Jane, sa suot niya, sa kilos, sa ngiti, bakas ang pagiging bago. Bakas ang tila wala nang sugat na Jane. Ngunit may isang hindi matanggal-tanggalan ng hapdi, ang pamumugto ng kanyang magagandang mata.
"So, ano na?" bating tanong ni Jane sa dalawang kaibigan. Nakangiting lumapit si Jane at pumagitna sa mga kaibigan. Saglit na napatitig sina Rica at Ruth kay Jane. At sabay rin ang dalawa na nagkatinginan.
"Har! Har! Har!" si Rica.
"Bakit ka natatawa dyan?" pagtataka ni Jane.
"Uhm.. Nothin' " nakataas ang isang kilay at nakangiti si Rica'ng binato ng tingin si Jane.
"Bestie, actually, we have planned this day for you. Hindi kasi namin alam ang gagawin sa iyo e. We do feel what you feel. Syempre, kasama ka namin palagi. So nahihirapan din kami sa lagay mo. That is why, umisip kami ng isang paraan na sana makatulong sa iyo para in any little way, maka-move on ka na.." paliwanag ni Ruth.
"Anong sana? TALAGANG makaka-move on ka! If i were you, I'll grab the opportunity!" Pakikialam ni Rica.
"Gaga, bakla, hindi ka qualified dun! Nakita mo na nga ang mga qualifications 'di ba?" sagot ni Jane.
"E kaya nga nagfi-feeling lang e.. " sabay irap ng bakla.
"Teka, teka, saan niyo ba ako talaga balak dalhin?
Kinakabahan naman ako sa gagawin natin! Sa Bar ba tayo pupunta? " tanong ni Jane
"TAMA!!!!" sagot ni Rica. "Joke! Te,, lumakad na tayo at basing-basa na tong kaibigan natin! Baka matigang! Taralets!"
"Teka, hindi pa tayo napupunta rito ha. Paano ninyo ito nalaman?" tanong ni Jane. "Well bestie, just like what i've said a while ago, we invested time and effort just to find solutions to your problem. Kaya nag-research kami. Google. Hanggang san a-explore namin itong lugar.
"And besides, QC naman 'to te.. hindi naman to bulubundukin ng Chararat kaya hindi tayo mawawaley sakaling maligaw tayo. Marami naman tayong datung for transpow.." sabay kindat ni Rica kay Jane.
Pagbaba ng shuttle, sumakay sila ng jeep at bumaba sa isang gasoline Station. Ang lugar na ito ay eksaktong kabaliktaran ng lugar sa QC na matao. At some point, mapapansing against the crowd ang lugar. Siguro, kahit pa alam nating ang mga tindahan, stalls, malls, at kung ano-ano pang commercial buildings ay para kumita, ang isang ito - na target puntahan nina Rica, Jane, at Ruth ay sadyang lumayo sa maraming tao. Tila nagpapa-mysterious.
"Ang layo na ng nilakbay natin. Alam niyo ba talaga?" pag-uusisa ulit ni Jane
"Yes Madam! Hindi ko pwedeng malimutan itech. Coz, 'pag si Fairy God Mother ay bumaba sa lupa at sinabing . . . just like what i always wish for, ay gawi niya akong pure woman, ay!! Talagang babalik ako rito! Ow Mah-Gay!" sagot ni Rica.
Napatawa lang si Ruth na pinagmamasdan si Rica. Sa mga sinasabi ng kaibigan, at sa tahimik na pagtawa ni Ruth, lalo tuloy siyang nahihiwagaan sa kanilang pupuntahan.
"FRIEND!!! Ayun na friend! Yung may mailaw!" sigaw ni Rica.
"Bakla wag ka namang maingay! Mas excited ka pa kay Jane e. Hindi para sa iyo to, para kay Jane." paalala ni Ruth.
BINABASA MO ANG
Boyfriend for Rent
RomanceIto ay tungkol sa dalagang sumalo lahat ng katangahan sa mundo ng pakikipagrelasyon. Sana magustuhan ng mambabasa ang kakaibang pag-uugali ng mga karakter at maging ng kanilang mga diyalogo. Maaari kayong magkomento. Salamat.