"Sa aming bahay, an gaming bati, meri krismas, nawawalhati, ang pag-ibig, ang siyang naghari. Kaya araw-araw magiging pasko lagi! Namamasko pooooo..!!!! "
Nagbukas ang ilaw sa labas ng bahay nina Jane. Kasunod nun ay ang paglabas niya sa pinto. Lumapit sa mga bata sa gate at nag-abot ng limang piso.
"Thank you, thank you, ang babait ninyo thank you.."
"Sige, walang anuman.. " mahinang tugon ni Jane sa mga nangangaroling.
Umalis na palayo ang mga bata. Nagtungo sa kasunod na bahay at kumanta. Agad na ring tumalikod si Jane at nagtungo sa loob ng bahay nang biglang may tumawag sa kanya.
"Jane" tinig mula sa isang tila pamilyar na kakilala.
Napahinto si Jane. Mabilis na napapihit pabalik sa gate.
Hinanap ang pinagmulan ng tinig. Alam niyang siya ang tinatawag nito. At pakiramdam niya'y dapat niya itong lingunin at balikan.
Pilit niyang tinanaw ang paligid sa kabila ng matinding dilim. Sa di kalayuan, malapit sa puno ng kalapit bahay, may lalaking nakatayo ngunit hindi makita ang mukha dahil sa dilim ng gabi. Ang hugis ng katawan, ang tangkad, ang buhok, ang tindig, isang lalaking kilalang kilala niya. Hindi siya maaaring magkamali.
At sa biglang bigla, naibulalas niya ang hula sa pagkatao ng lalaking nagtatago sa lilim ng dilim.
"TERRENCE?!"
Unti-unti, naglakad ang lalaki palayo sa dilim. Ang mga hakbang niya'y nagdadala ng ilang ulit na payayanig sa dibdib - kaba, takot, at pananabik. Hanggang sa tuluyang lumitaw ang tunay nitong pagkakakilanlan.
"Jane. Hindi ako si Terrence. Si Migs to."
Tila nabuhusan ng malamig na tubig si Jane. Hanggang sa mga pagkakataong iyon, si Terrence pa rin ang nasa isip niya. "Ay Migs.. ikaw pala. Ahm.. O bakit? Nakakagulat ka naman. Bigla kang napadpad rito.."
"Jane, kumusta ka na? Nabalitaan ko yung nangyari sa inyo ni Terrence. Nag-alala lang ako."
"Diba nasa Zambales ka. Paano ka napunta rito Migs? Sino kasama mo?" tugong tanong ni Jane sa kausap.
"Nag-post ng mga recent photos sina Claire sa Fb. Nakita ko sa news feed. Nagtaka ako kung bakit wala ka. Then nalaman ko nga yung nangyari. Naikwento sa akin nina Caire. Hindi ka na raw sumasama sa kanila mula nung nangyari yun. I am bothered by that. I just wanna make sure you're okay. "
"Migs, ok na naman ako." nakayukong sagot ni Jane.
"Ok na? Ibig sabihin ba, ngayon lang? Napansin ko kanina, akala mo si Terrence ako. Is it because Terrence and I are likely the same? O baka... siya pa rin talaga laging nasa isip mo?"
"Migs. Wag na natin tong pag-usapan ngayon please. STaka isa pa, gabi na.. saan ka uuwi?"
"Jane, the reason why I'am here is because of you. Ever since, i wish i could be there for you in all situations in your life. Especially we're bestfriends. Mula nang naging kayo ni Terrence, nabura ako sa picture ng buhay mo. I felt bad.. Pero, hindi ako talaga nawala. Andito lang ako Jane. "
Saglit na natigilan si Jane. Ramdam niya ang pag-aalala ni Migs sa kanya. At alam niyang si Migs pa rin ang dating Migs na walang ibang ginawa kundi ang maging sandalan niya. Pero wala pa siya sa posisyon para suklian ang anumang ipinapakita ni Migs. Lalo na ngayon.
Hindi makapagsalita si Jane. Iniisip ang pinaka-safe na sabihin.
"Migs. Salamat sa iyo ha.. At talagang nagpunta ka pa rito, ngayong gabi para lang kumustahin ako. Migs, pasensya ka na ha. Pero saka na lang natin pag-usapan 'yan. Sorry.. "
"Sure Jane. Basta, alam mo naman kontaks ko. Gaya pa rin ng dati Jane. Sige, aalis na ako. Sa bahay nina Justine ako makikitulog. " sabay alis ni Migs papalayo.
Gaya ng tiyang walang laman, tila nananakit ang puso ni Jane dahil wala sa kanyang tabi ang lalaking dapat na nagpapainit ng kanyang pasko.
"Jane, pasok na anak. At malamig na. May kausap ka ba dyan?" aya ng nanay ni Jane.
"Wala po. Sunod na po ako."
Sa pagpasok ni Jane sa kanilang bahay, tila napakabigat ng kanyang mga paa. Nanlalamig ang kanyang kamay, at nais na lamang matapos ang gabing nangalabit sa kanyang alaalang hindi na sana nais balikan.
BINABASA MO ANG
Boyfriend for Rent
RomanceIto ay tungkol sa dalagang sumalo lahat ng katangahan sa mundo ng pakikipagrelasyon. Sana magustuhan ng mambabasa ang kakaibang pag-uugali ng mga karakter at maging ng kanilang mga diyalogo. Maaari kayong magkomento. Salamat.