Hinapon na ng gising si Jane. Very unusual dahil madalas maaga siyang gumigising para i-check ang kanyang cellphone kung may nagtext na. And obviously, she espected Terrence to greet her first with all the love in the morning. Pero sad to think, wala nang Terrence. Kaya wala na siyang aasahang text.
Kung iisipin, parang madali. Parang maliit na bagay ang mawala sa iyo ang mga bagay na kinasanayan mo. But honestly, mahirap. Napakahirap. Lalo na kung naging routine mo nang may nagpaparamdam sa iyo araw-araw na you are something very special tapos biglang . . . ayun. Mawawala. Minsan, magigising ka dahil nanaginip kang nagtext sa iyo ang taong mahal mo. Yun pala, pinapaasa ka lang ng panaginip mo. Magigising kang walang bagong message ang cellphone mo sa mga oras na dati, lagi't laging mayroon.
Minsan, nagising si Jane sa pagtunog ng kanyang cellphone. Isang text. Sa mismong oras kung kailan nagte-text si Terrence. Napapihit siya sa higaan. Agad na dinampot ang Cellphone at binuksan ang lock screen. Pagtingin kung sino ang sender, "2238". Tatlong sigundong natigilan si Jane. At kung si Rica lang siya, malamang ay napamura na siya nang mas malinaw pa sa umaga. Buti pa ang mga network promos, naalala siya, pero yung taong nais niyang mag-text sa kanya, hanggang ngayon, hindi pa nagpaparamdam.
2pm. Gising na si Jane pero nakahiga pa siya sa kama. Nakakulong sa kuwarto. Hindi pa naliligo. Wala pang kain. Nakakapayat ang hindi pagkain sa tamang oras pero nakakataba naman ang bagong habit ng katawan niyang magtulog. Hindi siya napapakialaman ng kanyang mama at papa dahil nasa parehong trabaho ang mga ito. Kaya wala siyang kasama ngayon sa bahay kundi ang kanyang sariling kalungkutan.
Nakadapa sa kama. Natatakpan ng mahahabang maiitim na buhok ang mukhang kinulayan ng katamaran at kalungkutan. Nakapanjama pa't nakayakap sa malalaking unan na kasa-kasama niya sa gabing walang kasing lamig. Tumunog ang cellphone ni Jane. Si Rica.
"Low. Hmm.. baaa.ket?" magkahalong pagkalumo at pagkaantok na sagot ni Jane sa kausap. "GIRL!! Punta ka rito sa bahay later! May naisip na akong paraan para sa problema mo.. Hihintayin ka naming ni Ruth ha. 7pm. Huwag mo kaming i-indian-in! For sure magugustuhan mo 'to! " sabay baba ng tawag. Hindi pa man lang nakapagsalitang muli si Jane ay binaba na ng kabigan ang tawag. Bagsak ang fone mula sa pagkakahawak. Bagsak ang kamay ni Jane sa malambot na kama. Na-curious si Jane sa sinabi ng kaibigan. Alam niyang may naiisip na naman itong kagagahan. Naglalaro sa kanyang isip kung papatulan niya ba ang sinabi ng baklang kaibigan o mananatili na lang siyang mag-isa sa bahay.
Pagkatapos ng ilang minutong pag-iisip, napagpasyahan niyang patulan ang sinabi ng kaibigan. Lalo na't kasama si Ruth. Alam niyang kapag kasama si Ruth, masasakyan at magugustuhan niya ang plano ni Rica. So, she made herself ready. Bumangon na siya't nag-agahan. Agahan sa hapon. Meryenda ang dapat pero dahil ito ang unang pagkain sa tyan niya't bibig mulang pagtayo sa higaan, agahan pa rin.
Nagbukas si Jane ng laptop habang nag-aalmusal. Naupo sa labas ng bahay. Sa may lamesang nakalagay sa bakanteng lote sa tapat mismo ng kanilang tinitirhan. Pinili niya rito dahil malakas ang hangin, presko, at natural ang simoy. Sa mga pagkakataong ito, marami nang batang naglalaro sa labas. Naaaliw siya ng mga habulan ng mga bata habang nakayapak at nagtatayaan. Saglit na mahihinto kapag may dumaang sasakyan. Ngunit magtutuloy muli kapag nasolo nang muli ang daan.
Habang humihigop ng kapeng may creamer, at habang inaaliw ang sarili sa mga batang nagpapabalik ng alaala ng kanyang pagkabata na hindi namamalayan ang pagdating ng gabi dahil sa paglalaro, nagbukas siya ng Facebook. Nagbasa-basa ng mga posts ng mga kaibigan, nagtingin ng mga pictures, nag-like, at naki-comment.
Habang nagbabasa-basa, may nakita siyang isang post:
"MOVE-ON TIPS"
1. Huwag mong gawing usb ng softcopy ng matatamis ninyong alaala ang brain mo. Tandaan, kapag nadumihan na ang USB, nasisira na ang files. Kaya kung ako sa iyo, i-quarantine mo na iyang mga nasa isip mo at i-delete permanently ang alaala niyo.
BINABASA MO ANG
Boyfriend for Rent
RomanceIto ay tungkol sa dalagang sumalo lahat ng katangahan sa mundo ng pakikipagrelasyon. Sana magustuhan ng mambabasa ang kakaibang pag-uugali ng mga karakter at maging ng kanilang mga diyalogo. Maaari kayong magkomento. Salamat.