PARA PO, MANONG

177 3 3
                                    

Dumaan ang pasko. Pero parang walang pasko. At hanggang ngayon, kitang-kita pa rin sa mga kabahayanan ang bakas ng masayang pagdiriwang ng espesyal na panahong ito dahil sa mga sabit na xmas lights, mga pagbati ng Merry Christmas at Happy New Year, mga Parol at ilang bulaklaking disenyo.

Dati, taon-taong inaasahan ni Jane na sana bumilis na ang mga araw tuwing magpapasko. Kasi alam niya, may surprise si Terrence sa kanya. Na kahit panoorin niya lahat ng klase ng surprises, Terrence would always maker her astonish in the most unique way the world has never seen. Pero ngayon, the whole world has seen everything that she had been since Terrence decided to leave.

Buti pa yung ibang magkasintahan, they find ways on how to be together kahit pa, makailang ulit silang nagtalo. Dumating pa sa pagkakataong may isa sa kanila ang nag-cheat. Naghiwalay, but at the end, sila pa rin. Bakit si Jane, at si Terrence? Is it because of the word "malas" sa love life? Maswerte siguro sa lotto itong si Jane. Kasi nabubunot siya lagi. Kaya nang magpabunutan si Kupido ng mga pangalang mamalasin ang love life sa pagpasok ng 2015, siya ang buwena mano. Kaya bago pa lang maghiwalay ang taon, nauna na silang maghiwalay ni Terrence.

Fresh pa sa isip ni Jane ang lahat. Apat na taong pagsasama. Nagkakilala sila sa isang tanghali. Mainit ang tirik na tirik na araw. Naglalakad si Jane sa tapat ng SM malapit sa kanilang bahay. At dahil malapit lang, naglakad siya kahit mainit. Sakto, nakakita siya ng manong na nagtitinda ng sorbetes. Dirty ice cream ang tawag nila rito. Sa napakapalad naman na pagkakataon, huling scoop na ang natitira. Nagbayad siya ng sampung piso para rito. But someone tried to still the last drop of hope para sa matinding init.

"A, kuya, Kuya! Bilhin ko na 'yan! Kahit 20 pesos pa! Sige na kuya. " mabilis na pagkumbinsi ng binata.

"A excuse me. Ako kasi yung nauna, staka nabili ko na 'to. " sagot ni Jane.

"Kuya sige na, 20 pesos! Wala nang sukli!" pagpipilit ng binata. Napaisip ang Manong sorbetero. Gustong ipapanalo sa labanan ang mas malaki ang bayad.

"Miss, marami-rami kasi sa sampung piso 'tong scoop. Sayang naman yung matitira kung hindi ko sasagarin para lang sa sampu mo. " inabot ng sorbetero ang trophy sa binata. Natalo si Jane.

Mabilis na umakyat sa infinity degree ang dugo ni Jane. Kasama ng kanyang kaluluwa na parang gustong lumabas sa katawan niya't pagsasampalin ang binatang umagaw sa kaisa-isang ice cream na puro chocolate at vanilla. Paborito pa naman niya.

Tinitigan niya nang walang kasing talim ang binatang naka-Tshirt na puti, na may nakasulat na "I HATE GOOD LADIES", naka-jeans na itim. Nakasapatos na kasing nipis ng medyas. Nakabonet. Itim na itim ang may kakapalang kilay, makinis ang mukha kahit nasa edad para tagyawatin, katamtaman ang katawan para yumakap ng isang naglalambing na gf, at kung titignan sa kabuuan, mahahalatang ang kanyang hilig ay pagbabanda.

"Pasensya na Miss sorbetes, I think I deserve this." sabay ngising nakakaloko. Na parang nahipuan ka sa katimugang bahagi ng iyong katawan kung saan hindi ka pa handang ipagalaw kaninuman.

Lalong naglulundag ang dugong tinutubuan na ng sungay si Jane. Kaunti na lang, pwede na siyang makulong sa magagawa niya sa kaharap.

"Okay lang Mister sugapa! " sabay talikod at alis ni Jane.

Nakadalawang hakbang papalayo na si Jane nang "Ay teka, gusto mo, kapag nakalahati ko, sa iyo na lang.." habol ng lalaki.

"Ano 'ko, pet mo?! Tigilan mo na nga ako. Sa iyo nay an kung gusto mo! Magpakasaya ka. HMp!" wala nang nakapigil sa pag-alis ni Jane.

Ipinasalubong ni Jane ang init ng ulo sa mga taong sumubok na humarang sa daraanan niya sa bahay. Kinakaladkad ang kaluluwang gustong-gustong makaganti sa sugapang lalaki. Lalo pang nakapagpatindi ng galit niya ang hindi natikmang flavour ng ice cream na ang lasa ay sa maglalako lamang matatagpuan.

Boyfriend for RentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon