Napadaan si Miguel sa tapat ng bahay nila Bianca at nakita nanaman nito yung sinasabi ni Bianca na kababata niya sa harap ng bahay nila Bianca.
*Miguel*
Hayyy! Kasama nanaman ni Bianca yung lalaking yon! At ano naman ang ginagawa niya dun?!
Nasa labas lang ng bahay sina Bianca at André kaya nakita ito ni Miguel. Nung nakita ni Miguel ang dalawa, parang nainis siya at bigla nalang siyang nagmadali at umalis sa kinaroroonan niya. Hindi niya namalayan na kanina pa siya nakikita ni Bianca.
"Bianca. Bianca! Ui!"
"Ay! Ha? Tawag mo ba ko André?"
"Sus! Oo! Bat ba nakatulala ka dun sa labas?"
"Ahh.. wala wala. May nakita kasi akong palaka na nahulog galing sa bahay dun oh!" *sabay turo sa isang bahay*
"Ahh.. hahahah! Geh. Teka may itatanong ako sayo."
"Ano yun?"
"Ay.. wag na lang pala.. haha"
"Sows! Ano ba yun?! Tanong mo na dali!"
"Hindi, wag na hahaha"
"Ayyytt! Ano nga?!"
"Sige na nga. Pwede na ba kitang ligawan??"
"HAHAH. gandang joke yan ha. Hahaha"
"Hindi joke yung tanong ko Bianca. Seryoso ako."
"Ha?"
"Ang sabi ko. Pwede ba kitang ligawan?"
"Uhhhmm.. di ko alam eh. Di ko pa yan masasagot ngayon."
"Sige sige. Basta hihintayin ko ang sagot mo"
Makalipas ang ilang araw. Madalas magkasama sina Bianca at André. At si Miguel naman ay di muna lumalapit kay Bianca dahil nga kay André. Isang araw sa school, nagkita si Bianca at Miguel.
"Bianca!"
"Ay. Miguel. Bakit?"
"Bat di na kitang masyado nakikita sa school pag uwian?"
"Ahh. Sinusundo rin kasi ako ni André dito sa school tapos nagbobonding na rin kami kasi ang tagal naming hindi nagkita."
"Ahh ganun ba. Eh anong oras ka kadalasang umuuwi?"
"Mga 4:30. Pagtapos ng klase. Pero siguro by next week baka tumagal ako haha"
"Ahh... bakit?"
"Si Bestie kasi uuwi na next week.. may makakachikahan nanaman ako sa uwian.. hahahah :))"
"Ahh.. sige sige :)"
Si Miguel ay kadalasan ng dumadaan sa bahay nila Bianca at halos laging nakaabang kay Bianca.. bakit kaya?? Di kaya may lihim siyang pagtingin kay Bianca?
One day,
Nasa may terrace si Bianca at gumagawa siya ng assignment. At syempre, nandun rin si André. Usap here, usap there. Hindi nila alam na si Miguel ay nakasilip sa likod ng puno at tinititigan si Bianca..
Ngiti by: Ronnie Liang
Minamasdan kita.. ng hindi mo alam.
Pinapangarap kong ikaw ay akin.
Mapupulang labi, at matingkad mong ngiti.. umaabot hanggang sa langit..Chorus:
Sa iyong ngiti, ako'y nahuhumaling at sa tuwing ikaw ay gagalaw ang mundo ko'y tumitigil para lang sayo.. ang awit ng aking puso.. sana'y mapansin mo rin ang lihim kong pagtingin .. ang lihim kong pagtingin..
BINABASA MO ANG
My One True Love. ❤
Teen FictionStarring: Bianca Umali and Miguel Tanfelix <3 (BiGuel) Totoo nga ba ang FOREVER? Malalaman yan dito! Well, basahin niyo to para malamn niyo ang sagot <3