Selos Mode: ON?

1.3K 59 6
                                    

Makalipas ang ilang linggo, naging mas close na Bianca at Miguel na ang nangyari. Palagi na rin silang magkasama tuwing uwian kapag wala si Angie at paminsa'y kahit sa kanila pang village. Parang nakaglue nga sila sa isa't isa eh. Hahaha. Oo, nagiging sweet sila.. pero walang nga bang something na feelings ang dalawa sa isa't isa?

Sabado nun at dahil walang magawa sila Angie at Bianca, edi inikot na lang nila yung village nila. Yun naman lagi ginagawa nila kapag wala silang magawa sa bahay nila. Habang nag-iikot sila, may tinanong si Angie kay Bianca..

"Bes Banky, napapansin ko.. parang lumalalim na yung friendship niyo ni fafah Miguel ha? May something na ba?"

"Nakoo.. wala bes Gie, friends lang kami nun! tsaka sus. Yun? Magkakagusto sakin? Hmm.."

"Nu ka ba! Bes Banky! Hangganda mo kaya! Naiinggit nga ko sayo kasi napakaganda mo eh! Share share din ng kagandahan pag may time okay? Hahahaha. Parang na sayo na nga ang lahat kasi maganda ka na nga, mabait pa, masipag pa!"

"Wushuuu.. tama na yan! Hahaha"

"Ayy.. pero alam mo bes Banky, eto tatandaan mo ha, nakakailang sabi ko na to sayo at lagi ko tong sinasabi sayo."

"Ano?"

"Kahit anong mangyari, nandito pa rin ako ha.. wag mo kong kakalimutan kahit pumasok na sa buhay mo si fafah Miguel. :( Walang iwanan tayo diba?"

"Nakoopoo! Ayan nanaman po si drama queen. Hahahah joke! Oo. Di ko yun nakakalimutan, tsaka nu kaa!! Simula pagkabata bestie na tayo diba? Ang dami na nating pinagsamahan kaya di ko yun basta basta lang iiwan ng parang bula."

"Wow!! HuGoat!! Hahaha Oo, eh kaso natatakot kasi ako na baka mamaya, siyempre hindi naman maiiwasan na mainlove sa FRIEND mong lalaki diba?"

"Sus. Di ako maiinlove dun! Inlove agad?!"

"Wushuuushh.. sa kagwapuhan ni fafah Miguel! Di ka maiinlove?! Abay matinde ka pala!! Napakamanhid naman ng mata mo! Yung ibang mga babae jan na schoolmate natin, nagkakanda-ugaga jan kay fafah Miguel. Tapos ikaw naman.. wala lang? Ganern?!"

"Nyek. Di ko kasi priority ang lovelife. Hahaha"

"Weh?! Sa bagay, napakasipag mo kasi mag-aral at priority mo talaga ang pag-aaral eh."

"Well, hahahha"

"Wait! Bes Banky, ma-change topic nga. How's Julian?"

"Si Julian? Ayon humihinga pa rin."

"Hindi! I mean kamusta na yung pagsusuyo niya sayo?"

"Wala."

"Ay ganern?! Kapag kay fafah Miguel ang topic, ang daming sinasabi pero pag kay Julian waley masabi? Hahaha"

"Ehh sinasagot ko lang naman yung mga tanong mo sakin. Hahahah. Tsaka teka nga! Bat mo pa tinatanong yan? Diba ikaw naman ang laging nakakakita ng mga nangyayari sa locker ko dahil sa Julian na yun?!"

"Ehhhhh! Malay mo, nung umabsent ako may nangyari na happenings hahahah!"

"Sus. Wala."

"Ahh.. edi wow. Hahaha wait.. bes Banky, speaking of Julian, ayun siya ohh.." *sabay turo kay Julian*

"Ahh.. oh ano gagawin ko?"

"Wala. Baka gusto mo tumambling? Uptown funk? Ano gusto mo? Hahaha. Hindee.. share langs kasi nga diba pinaguusapan natin siya tapos bigla ko na lang siya nakita."

"Ahh.. owkey. Hahahha."

"Kalurkey ka talaga! Hahaha."

Nakita nga nila Bianca at Angie si Julian sa village nila. At nakita rin ito ni Julian kaya agad na nginitian at kinawayan niya ang dalawa. Ngunit hindi ito nakita ni Bianca dahil agad siyang tumingin sa cellphone niya dahil may katext siya nun.

My One True Love. ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon