DISCLAIMER: Errors ahead. This is a work of fiction. Kung may kamukha, kahawig or ka parehas man ang laman ng aking likha sa totoong buhay ay maaaring hindi ito sinasadya o galing lamang sa aking makitid na pag iisip.
Chapter 6:
Today is the birthday of the most handsome creature who was born 17 years ago. And that is none other than me. Do you think you are? You are so beautiful and I am handsome but we do not matter because you are in the real world at ako nasa libro;p
So birthday ko na nga at syempre dahil birthday ko tanghali na ako gumising. Alam din naman nila manang na ayaw kong iniistorbo ako habang natutulog lalo na kung wala namang gagawin. I got out of bed and went straight to the bathroom. Syempre ‘di porket batugan ako hindi na ako naliligo.’ Di ako katulad nung iba diyan na walang ligo ligo.
Pagbaba ko sa sala ay wala akong naabutan kaya dumiretso na ‘ko sa kusina dahil gutom na rin ang mga dragon ko sa tiyan. At papasok ko“Goooooooood---“
O____O’di ko naiutlo yung sasabihin ko dahil nagulat ako.
This is not me! Ba’t parang masyado akong clingy ngayong araw? ‘Di ko naman u galing bumati pag kagising eh. Maybe because I’m thankful that I’m still alive on my 17th year of existence in this world, yeah that’s it wala ng iba pang dahilan.
“Good morning son, good mood ka ata ngayon ah.”nakangiting salubong ni mommy sakin.
“Baka may inspiration na mom.” Asar naman ni ate.
“Pagkain lang naman inspiration ko eh.” Depensa ko dito kaso tinawnan lang nila ako.
“Oo na muka ka namang pagkain eh, pasalamat ka nga ‘di ka tumataba.”
“Oh well, then thank you.”note the sarcasm.
“Tama na ‘yan, kayo talagang dalawa. Maupo ka na dito Austhine.”at kumain na ulit kami.
Matapos nang tanghali an na ‘yon wala naman akong ibang pupuntahan kundi ang kwarto pero naligo lang ako kasi balak kong bumalik sa mall. Sana lang wala do’n yung babaeng masunget. Buti nalang nakapagpigil ako nung huli kaming nagkita. Puro katarayan alam ‘di manlang magpakilala tapos ang lakas ng loob manampal. Bumaba na ako para mag paalam. Syempre mabait ako kaa nag papaalam ako pag aalis ng bahay kahit ok lang naman sa kanila. Wala naman silang paki alam kung saan ako pupunta basta daw wag akong gagawa ng kalokohan.
Mapayapa naman akong nakarating sa mall. Walang baka ng babaeng maldita kaya malaya akong nakakapag lakad. Sana ‘di na bumalik yung babaeng ‘yon dito sa mall o kaya ‘di nalang kami makita kase panira ng araw. Kala mo naman maganda. Pero hindi ko naman itatanggi na maganda talaga siya kaso yung ugali magaspang. ‘Di naman niya ko naririnig kaya ok lang na kung ano ano sabihin ko sa kanya sa utak ko, mwehehehe. ^_^
Syempre dahil namiss ko yung ice cream pumunta agad ako sa DQ. Pagka order ko sa labas nalang ako naupo ayoko sa loob ang daming naglalandian. Pinagmasdan ko lang yung mga dumadaan habang kumakain ako ng ice cream. Puro couples yung nakikita ko, ang sakit sa mata. Lakas maka PDA. Bakit ba kasi sa mall sila nagdadate, sabagay wala naman silang ibang mapupuntahan eh. Eh ba’t ba kasi ako nangingialam eh wala naman akong jowa. Dahil ‘di ko maintindihan yung sarili ko nag cellphone nalang ako. Chineck ko lahat ng social media accounts ko and yeah, ibang name at photos ang gamit. ‘Di ako poser or Rp’er ah anime yung mga display photos ko tapos chingchong yung names ko pero pag trinanslate mo name ko pa rin yung lalabas. As usual walang pinagbago pero siguro kung puro muka ko yung nilagay ko dito baka thousands of likes and shares na inabot ng mga post ko. Habang nags-scroll kumakain lang ako ng ice cream. Wala naman akong makitang interesting na naka post pero wala naman akong ibang choice kung hindi ang magscroll.
“Uhmm… excuse me kuya palagay lang ako ni tong mga paper bags ko dito ha, nangangawit na kasi ako eh. Pwede bang makishare ng table?”inangat o ang tingin para hanapin kung saan galing yung boses na iyon. Nasa tapat pala siya ng table ko kaya malakas ung pagkakadinig ko. Wait, Ako ba yung kausap niya? Lumingon ako sa paligid at nakitang puno lahat ng tables kaya binalik an ko ng tingin yung babae, nakatingin siya sakin. Na tulala ako ng makita ko ng buo yung muks niya. Grabe! Para siyang angel, ang amo ng muka niya halata mong hindi kayang gumawa ng masama.
“Kung ayaw mo okay lang kaso nangangawit na talaga ako eh, wala ka naman yatang kasama uupo na ako ah.”ang pino ng galaw niya, ang hinhin. Bigla akong natauhan ng umupo na siya sa harapan ko. Na paayos ko ng upo dahil nakakahiya.
“Sige lang, wala naman akong kasama eh.” Sabi ko sabay subo ng ice cream para maiwas ko sa kanya yung tingin ko.
“Salamt, ang tagal kasinung kasama ko eh, sabi niya mag ccr lang siya kaso ang tagal.” Nakangiting salaysa neto.
Ganyan ba talaga siya? Kahit walang nagtatanong salita ng salita. Buti nalang ang cute niya kung hindi baka nabara ko na ‘to. Dahil gusto kong mabait sa kanya nginitian ko nalang siya. Lumipas ang ilang minuto ay ubos ko na ang ice cream ko pero hindi pa rin dumadating yung kasama niya. Baka naman gumagawa lang ng paraan ‘to para mapalapit sakin. Pero mukang hindi rin kasi ang hinhin niya masyado para gumawa ng first move sa isang lalaki eh.
Nagstay muna ko do’n para mamahinga ng konti. Busog na busog ako sa kinain kong ice cream feeling ko maiempacho ako hahahaha.
“Hey Cleo, sorry natagalan ako nakita ko kasi yung pinsan ko hinila pa ako kung saan saan ngayon lang ako nakatakas. Sorry talaga, yaan mo ako na magdadala nito.ćmahabang paliwanag nung bagong dating.
“Ok lang ‘yon Czesh, buti nga pumayag si kuya na makishare ng table nangawit na kasi ako do’n sa tapat ng boutique kaya naghanap ako ng pwedeng paghintayan sayo.”huminto siya saglit sa pagsasalita pero ‘di ko pa rin sila tinting an busy ako sa pag scroll sa cellphone ko. “Kuya salamat ah.”no’n lang ako tumingin sa kanila. Pag angat ko ng tingin ko biglang nanlaki ang mata ko sa gulat nang makita ko ang kasama niya.
“Ikaw?!”sabay naming tanong.
“Mag kakilala kayo?”tanong nung babae do’n sa kasama niya, si maldita girl.
“Nope he’s just a stranger who bumped me last time. Lika na baka mag yabang na naman yang antipasti kong lalaking ‘yan.”sabi niya sabay hila do’n sa babae.
Nilingon naman ako pabalik nung kasama niya. “Kuya thank you ulit ah sorry din dito sa kasama ko. Byeeeee!”sigaw niya pa bago tuluyang makalayo.
Sabi ko ayaw ko siyang makita ngayon pero ba’t pag pumupunta ako dito lagi ko siyang nakikita. Dapat yata mag hanap na ako ng ibang mall na matatambayan.
Naglakad lakad muna ako sa mall bago ako naka ramdam ng pagka bored kaya naisipan ko nalang umuwi dahil ice cream lang naman talaga ang pinunta ko dito. Habang nasa daan ako tinext ko sila Heith na mag kita kita kami mamaya sa tambayan para mag celebrate. Naka tanggap din ako ng tawag mula kay mommy, ang sabi niya umuwi na raw ako dahil may naghahanap sa’kin sa bahay. Hindi naman niya sinabi kung sino, sino kaya ‘yon?
Binilisan ko ng konti ang pagdadrive dahil baka importanteng tao yung nag hihintay. Pero wala naman akong inaasahang bisita ah. Mga 10 minutes pa lang nasa bahay na ako. Pagbaba ko ng kotse ay pumasok na agad ako pero ang nakapagtataka walang ibang sasakyan ang nasa labas. Wala din sila sa sala, baka kakilala namin yung dumating kaya sa kusina agad sila.
Patay naman lahat ng ilaw sa kusina pag dating ko. Kinapa ko ang switch at pinindot ito.
“HAPPY BIRTHDAY!!”sabay sabay nilang sigaw. Napatalon ako sa gulat ng makita silang lahat, oo lahat. Pati si papa.
To be continued....»» ---------------------«
Don't forget to vote and comment! Thank you!
BINABASA MO ANG
Curse From The Brilliance of The Light
FantasyBakit ganito ang mundo? Ang daming bagay na hindi mo inaasahan ang dadating nalang ng bigla.Bakit ayaw nilang magpapasabi para makapaghanda manlang ako? Kaylangan ba lahat parang isang sorpresa na wala kang kaalam-alam pero bigla nalang may bubulaga...