NEW CHAPTER FIVE

4 1 0
                                    

DISCLAIMER: Errors ahead. This is a work of fiction. Kung may kamukha, kahawig or ka parehas man ang laman ng aking likha sa totoong buhay ay maaaring hindi ito sinasadya o galing lamang sa aking makitid na pag iisip

Chapter 5:

Days had passed. Bukas na ang birthday ko pero wla pa ring pinagbago. ‘Di pa rin makakauwi si papa, ilang araw ko na siyang tinatanong at nagbabakasakaling magbabago ang desisyon niya. Ewan pero gusto ko lang naman na buo kami sa bawat birthdays ko, gusto ko kasama ko sila sa mga importanteng okasyon sa buhay ko.

Sa buhay ng tao 2 lang ang pinaka mahalagang araw sa buhay nila na naaalala ng tao. Una ang araw g  pag silang nila. Napaka lacking bagay par sakin ang maalala ng iba ang kaarawan ko kahit hindi ko sinasabi sa kanila. Ang sarap sa pakiramdam kahit simple lang ‘yon para sakin napaka importante no’n. Pangalawa ay ang araw ng kamatayan mo dahil lahat ng tao na malapit sayo ay malungkot sa pagkawala mo. Pero panandalian lang ‘yon kasi kailangan din nilang mag move-on sayo kasi kahit anong mangyari, nandyan ka man o wala their life must go on. Iilan lang ang makakaalala sa pakamatay at pagkabbuuhay mo at iyon ay yung mga taong masasabi mong totoong nagmamahal sayo. Na kahit mawala ka man sa mundong ito, na kahit mayroon na silang sariling buhay ay lagi silang may panahon para maalala ka.

Alam kong kailangan ni papa na mag trabaho kasi para samin din naman iyon eh. Kaso kailangan bang lagi na lang trabaho nawawalan na siya ng oras sa amin. Kasalanan ko din bang nasanay ako dati na pag uwi ko galing sa school eh mag iintay lang ako ng ilang oras para sa pag uwi niya. Papas’ boy na kung papas’ boy, pake niyo ba sa closeness namin ni papa dati.

Ang hirap talaga pag tumatanda ka na, lahat ng bagay nagbabago. Nawawala na yung oras mo kasama yung mga mahal mo sa buhay, yung bonding ng pamilya kada dadaan ang weekend. Nakaka miss yung kahit nasa bahay lang kayo tapos nagmomovie marathon sa sala tsaka sabay saba kayong tatawa. Masasabi mo nalang na ‘sana pala nasulit ko na yung mga panahon na ‘yon kung alam ko lang sana na magbabago ang lahat pagdating araw.’

Napabuntong hiningal nalang ako sa mga naiisip ko. Bakla ata ako eh, masyado na ‘kong nagiging madrama. Sarap siguro ng feeling ng may ka kambal ‘no? Kasi sabay kayong lalaki kaya alam niyo lahat sa isat-isa tapos lagi din kayong nandyan sa tabi ng isa’t-isa para magdamayan. Saya din siguro no’n kase pwede mo siyang maging kasama sa mga kalokohan mo Hahaha. Ang hirap naman kasi pag bunso tapos ang layo ng agwat niyo ng kapatid mo. Kapag binara mo o kaya niloko mo bibigwasan ka o kaya galit agad pero pag sila naman nang aasar ‘di ka makapagreklamo kasi  sa kanya galing yung allowance mo -___-

Gan’to pala talaga pag wala kang magawa bukod sa tumunganga at kumain, kung anu-ano ang pumapasok sa isip mo. Nandito ako sa kwarto ko kasi iniiwan ko ng magpunta sa mall. Baka maulit na naman yung nangyari kaya nga din bumili na ako ng one week na supply ko ng pagkain, ayoko na munang tumambay sa mall. Nami miss ko na tuloy ung ice cream. Dapat kasi bumuli na ako eh.

“Nasan na ba ‘yon?” rinig ko yung boses ni mommy mula sa labas, ano kayang hinahanap niya. Matingnan nga. Oy ‘Di talaga ako tsismoso baka kasi mamaya kailangan ni mommy ng tulong ko o kaya baka alam ko kung ano yung hinahanap niya.

“Mi, anong hinahanap mo?” tanong ko pagka labas ko ng kwarto, sakto naman na nasa may tapat ng pinto ko si mommy kung saan maya nakalagay na table. Naka bukas lahat ng drawer nito. Nang makita naman ako ni mommy parang ‘Di sia mapakali, ano bang nangyayari sa kanya?

“Mi, okay ka lang ba? You look pale, may sakit ka ba?”lalo hindi mapakali si mommy dahil sa tanong ko. Okay?
Umiling muna siya bago siya umayos ng tayo at huminga ng malalim. “Wala ‘to. May hinahanap lang akong ano… uhmm… “ hindi niya alam kung anong idudugtong sa sasabihin niya o kung itutuloy niya pa ba.

“Hey mommy ano bang hinahanap mo?” nag-aalala ng tanong ko.

“Kaya ko na ‘to, sige na bumalik ka na sa kwarto mo baka may ginagawa ka pa. Kaya ko na ‘to, wag mo’ kong intindihin.” Sabi niya tsaka pumasok sa kwarto nila ni papa. Mommy’s so weird, anong nangyayari sa kanya.

Kibit balikat nalang akong bumalik sa kwarto ko at ipinagpatuloy ang pag lamon. Sinabayan ko pa ng pag mo movie marathon. Yeah, this is life!

Dahil sa pa nonood ng movie at paghilahilata ko dito e hindi ko namalayan na lunch na pala. Buti nalang kinatok ako ni manang dito sa kwarto ko. Pagbaba ko nandon na si manang at mommy pero nagulat ako ng makita ko si ate. Himala ata at umuwi siya.

“May sakit ka ba ate?”lumapit ako sa kanya at sinalat ang leeg niya, baka mamaya kinukumbulsyon na siya eh. Once in a blue lang kasi ‘yang umuwi simula ng magkatrabaho siya, wala namang boyfriend sadyang workaholic lang at tamad bumyahe. Hinampas naman niya yung kamay ko kaya napadaing ako, ang bigat talaga ng kamay. “Wala ka ngang sakit, lakas mo pa ring manghampas eh.” Umupo na ako habang hinihimas himas ang braso ng pinalo niya. Huhu shaket:((

“Hindi na ba ‘ko pwedeng umuwi dito? Sa pagkakatanda ko bahay ko din ‘to eh.”pambabara pa niya. See? Kaya ayoko bibiruin yan eh. Nakasimangot nalang akong kumain. Wala din namang nagsasalita sa amin kaya mabilis kaming natapos, ba’t tahimik sila? Usually pag kakain kami kung hindi si manang, si mommy ang maraming tanong pero ngayon parang may kakaiba. Or baka ako lang ang nakaka pansin no’n.

Matapos nang mapayapang lunch na ‘yon, bumalik nalang ulit ako sa pa nonood ng movies. Hay buhay, mas masarap talaga yung ganto kesa naman yung may jowa ka nga daig naman ang sobrang alat na adobo sa dami ng toyo sa ulo.

Natapos ang araw ko ng pagano’n ganon  lang, hilata dito, kain doon, nood dito, tulog doon. Batugan lang -__- kaya ayoko ng summer eh. Bwiset kasi ung babaeng ‘yon kung ‘Di niya ako binulabog sa mall edi sana doon ako tumatambay. Kaso tipid naman dito sa bahay pero madaming chicks sa mall. Sisiw:))

TO BE CONTINUE...

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT, THANKS FOR READING!!

Curse From The Brilliance of The LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon