NEW CHAPTER THREE

12 6 0
                                    

DISCLAIMER: Errors ahead. This is a work of fiction. Kung may kamukha, kahawig or ka parehas man ang laman ng aking likha sa totoong buhay ay maaaring hindi ito sinasadya o galing lamang sa aking makitid na pag iisip.

Chapter 3:

Matapos naming kumain ay tumambay muna ang magagaling kong kaibigan sa kwarto ko. At dahil feel at home sila, ako ang nasa sofa at sila ang nasa kama. Parang ako pa ang bisita ah -_-

"Ang daya mo ah! Ba't ka nanggigitgit?!" pikon na reklamo ni Crater kay Fryd na ngayon ay nakangisi.

"Tinabig ako ni Heith eh, nagalaw tuloy yung controller." painosente naman ang loko. Pftt.

"Eh ang layo layo ni Heith sayo. Napakadaya talaga. 'Di mo lang kase matanggap na mas magalinng ako sa'yo kaya nandadaya ka!"

"Anong...?! Kahit ulutin natin 'to ako pa rin ang mananalo!"

"Hinding hindi mo 'ko matatalo dito,'no? Ako kaya ang pinakamagaling dito."

"Ano ba?! Ang ingay ingay niyo naman. 'Di nyo ba nakikita may nagbabasa dito." reklamo neto tsaka tumayo at naglakad papunta sa saksakan. Hinugot niya lahat ng nakasaksak doon at muling bumalik sa kama.

"Ano ba Hetih? Yung selpon ko hindi pa full charge hinnugot mo na."si Crater naman ang lumapit sa saksakan at muling isinaksak ang charger ng selpon niya. Nang isasakak na ulit niya lahat ng nakasaksak kanina bigla naman siyang binato ni Heith ng tsinelas.

"Subukan mo, sige!" asik ni Heith na nanlalaki pa ang mata.

"Baket bahay mo ba 'to at kung makapag reklamo ka kala mo sa'yo lahat!"ganti naman ni Crater na nanlalaki naman ang butas ng ilong. Kahit kelan 'tong dalawang 'to, 'di talaga pwedeng pagsamahin. Pero kung wala lang si Fryd baka mapagkamalan kong sila hahaha.

'Di ko nalang sila pinakealaman bahala sila dyan. Nagmukmok nalang ako dito sa sofa tutal busy sila don. Pinikit ko muna ang mata ko tsaka nag-isip ng........ wala akong maisip. Ang naman kasi eh. Maya maya pa ay biglang tumahimik kaya naman malapit na 'kong makaidlip. Nag-isip nalang ako ng malambot ng kama tsaka madaming unan. Pakiramdam ko talaga pagod na pagod ako ngayon. Kaso nakaramdam ako na may nakatingin sakin kaya nawala lahat ng imagination ko.

"Tulog na ba?" narinig ko ang boses ni Crater sa malapit.

"Tanungin mo para malaman natin." pabulong na asik ni Heith na parang naiinis.

"Pre, gising ka pa ba?" uto uto naman at sinunod niya talaga si Heith. 'Di naman ako sumagot at nagtulogtulugan.

"Patay na ata eh." boses naman ni Fryd ang narinig ko.Kelan kaya magtitino 'tong mga 'to. Buhay pa 'ko pinapatay na agad.

"Tulog nap ala eh, tara na. Alam niyo naman kung sa'n nakatago yung collections niya 'di ba? Kayo magpicture ako magpopost online." napadilat ako agad ng marinig ang huling sinabi ni Heith.

"HOY ANONG IPOPOST ONLINE HA? IBEBENTA NIYO YUNG COLLECTION KO?! MGA DEPUTA KAYO!" bumangon ako sa sofa at nag simulang habulin ang tatlong kaibigan kong kanina ay nakapalibot pala sa'kin. Tawa sila ng tawa na para bang nakakatawa talaga yung biro nila. 'Di ba nila alam, halos 'di ko na gastusin yung allowance ko sa school para lang mabuo ka 'yun. Kulang pa nga 'yon ng tatlo eh -_-

"Wahahahahaha... Sabi sa inyo epektib eh." tawang tawang talaga sila. Humanda lang sila pag nahabol ko sila.

*TOK TOK TOK...

Bumukas ang pinto ng kwarto kaya napatigil kami sa paghahabulan. Ngayon ko lang napansin na si Crater nalang pala ang hinahabol ko. Nakaupo na pareho si Heith at Fryd sa sofa samantalang ao at si Crater ay parehas naka tuntong sa kama.

"What happening? Ba't may sumisigaw?" tanong ni mommy ng makapasok ito. "Ba't kayo naka tuntong sa kama?" at itinaas pa niya ang kanyang kilay huh.Pftt.

" Ahmm... kasi tita si Thine po hinahabol ako." sumbong ni Crater kaya binalingan ako ng tingin ni mommy na mas tumaas ang kilay.

"Mi sabi kase nila ibebenta nila online yung collections ko." Syempre 'di naman ako nagpatalo tsaka totoo naman 'yon eh.

"Uy wala kaming sinabing ibebenta naming. Sabi namin ipopost lang hindi ibebenta."paliwanag ni Crater. Oo nga 'no?-_-

Napayuko nalang ako ng bumuntong hininga si mommy pero tinitingnan ko si Craterr pailalim Mweheheheh....

"Mag sibaba na kayo nag practice akong mag baked ng cupcakes. Sakto may taga tikim ako. Kaso medyo natoasted eh nakalimutan ko kasi." excited na turan ni mommy. Tiningnan ko naman ang tatlong kupal at pansin kong sabay sabay silang napalunok hahaha.

"Ay mommy may nakalimutan pala 'kong bilin, babalik ulit ako sa mall. May papasabay ka ba?"palusot ko.

"Huh? Ang tagal tagal mo na sa mall may nakalimutan ka pa?" napakamot nalang ako sa batok ko. "Pero ok lang. Nandito naman sila eh, sila analang ang patitikimin ko, 'di ba?" sabay turo sa tatlo.

Napangisi naman ako at dumiretso sa closet. Kumuha lang ako ng damit at muling humarap sa kanila. "Yun nga po tita eh, may lakad po kasi ngayon ni Fryd 'diba Fryd?" pinanlakihan niya ng mata si Fryd.

"Ah opo tita dapat po 3 nando'n na kami sa place kaya kailangan nap o naming umalis. Don't worry tita pagbalik po kami dito tapos pagbake niyo nalang po ulit kami hehehe." kamot ulong sabi ni Fryd at sabay silang tumayo ni Heith. Himala, pumayag si Heith makipag date? Bago 'yun. O talagang gusto lang nilang makatakas?

Tumunog naman ang cellphone ni Ccrater kaya nabaling sa kanya ang atensyon naming. Narinig ko pa siyang bumulong ng "Save by the bell." habang nakangisi. "Tita nagtext po si mommy nagpapasama po sa'kin eh. Sorry po talaga ah."

Bumalik ulit ang tingin k okay mommy. Bigalng parang nalungkot ang muka niya. Nakokonsensya tuloy ako. Wag nalang kaya akong tumuloy? Eh kasi naman baka mamaya yung toasted lang sa kanya sunog na. Naalala ko nung nagluto siya ng hotdog, iniwan lang daw niya saglit kasi nagtimpla siya ng kap tapos pagbalik niya tuyot na yung hotdog. Hays kawawang hotdog. Napabuntong hininga nalang ako at lumapit kay mommy tsaka ko siya inakbayan.

"Mamaya nalang ako aalis mommy, wag ka ng malungkot. Ako nalang titikim ng lahat ng binake niyo." nakangiting pammpalubag loob ko dito.

Bigla namang umliwalas ang muka nito ng tumingin sakin. "Talaga? Salamat anak." Niyakap naman niya 'ko.

"Ah tita mamaya nalang pala kami aalis ni Fryd mukang mas masarap yung cupcake niyo kesa 'dun sa pagkain sa restaurant."nakangting bawi ni Heith sa sinabi niya kanina. Lalo namang napangiti si mommy. Sabay sabay ulit kaming napatingin kay Crater ng tumunog na naman ang cellphone niya. This time tawag naman.

"Naku tita, mom's calling me na I need to go na po. Promise tita bbawi po ako, ipagshoshopping ko kayo." nakangitng sabi ni Crater na parang nahihiya.

"Ano ka ba Crater, ok lang 'yon. Sige nab aka mapagalitan ka pa ng mommy mo. Ikamusta mo nalang ako sa kanya."

Sabay sabay kaming bumaba pero naghiwa hiwalay na ng makarating sa may living room.Lumabas na si Crater at kami naman ay pumunta sa kusina. Napa face palm nalang ako sa isip. Sana lang di kami mafood poison dito.

TO BE CONTINUE...

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT, THANKS FOR READING!!

Curse From The Brilliance of The LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon