PROLOGUE

22 8 0
                                    

DISCLAIMER: Errors ahead(Babaguhin ko po lahat ng mali pag natapos na yung story). This is a work of fiction. Kung may kamukha, kahawig or ka parehas man ang laman ng aking likha sa totoong buhay ay maaaring hindi ito sinasadya o galing lamang sa aking makitid na pag iisip.

PROLOGUE:

"Austhine, iho ikaw ba 'yan?" bumaling ako ng tingin sa likod at nakita ang tumawag sa akin. Isang matandang babae na parang pamilyar ang muka.

"Sino ho kayo?"litong tanong ko.

Bigla itong ngumiti at humalukipkip sa harap ko."Hindi mo ba 'ko natatandaan? Ako yung lola ni Crater na umaya sa iyo sa likod ng kanilang bahay." malumanay na pagpapakilala nito.

"Ano pong kailangan niyo? Nawawala ho ba kayo?"

"Pwede ba 'kong mawala dito, eh simula pagkabata ko narito na ako. Nais lamang kitang kamustahin." hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi nito.

"M-maayos naman ho. Kayo po?" hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako sa biglaang pag sulpot ng matandang ito. Oo naaalala ko siya, siya yung wierd na lola ni Crater na pumasok sa madilim na bahagi ng Garden nila.

Tumatanggo ito."Maayos naman. Nanatili pa ring malakas." Tiningnan ako nito sa mata na nag bigay ng kung anong kilabot sa akin. Agad akong nag iwas ng tingin at tumingin sa likuran niya."Malapit na ih, malapit na malapit na. Ihanda mo na ang iyong sarili sa kung anong nakatakdang mangyari. Lahat ng ito ay madahilan at lahat ng ito ay kaya mong lagpasan. Lubos akong nagtitiwala sa iyong kakayahan. Sana'y makaligtas ka at maiiligtas mo siya. Hanapin mo lang ako kung kailangan mo ng tulong, handa kitang tulungan sa abot ng aking makakaya." seryosong sambit nito na sa akin pa rin nakatingin.

"Lola, ano ho bang sinasabi ninyo? Hindi ko ho maintindihan." naguhuluhang sagot ko.

Bigla itong umayos ng tayo, ngumiti at luminga linga sa paligid."Ikaw lamang bang mag-isa?" nakangiti ulit na tanong nito.

Oh shit! Si Paisley!

Saan ba kasi sumuot 'yon? Tsk.

Lumingon ako sa likod at nagbabakasakaling makita siya sa paligid. Tumingin pa ako kung saan saan ng hindi umaalis sa pwesto pero hindi ko pa rin siya nakita. Nasan na ba 'yon?!

Muli akong humarap kay lola. 'Di ko mapigilang hindi magulat ng pag harap ko ay wala na ito. Nasaan na 'yun? Aish ba't gan'to ang mga tao ngayon, bigla bigla mawawala. Tao pa ba sila?

Umiling iling ako tsaka humakbang ng isa, paglapat ng paa ko sa sahig ay matamaan ito. Yumuko ako para makita ito, isang bulaklak. Bulaklak na pamilyar din sa akin. Saan ko ba nakita ito?

Isang maliit na bulaklak na nakalagay pa sa paso. May nakasabit naman na kung anong papel dito na tinalian ng ribbon.

Binasa ko ang nakasulat dito. Napakunot nalang ang noo ko ng mabasa ito. At muli, sa hindi malamang dahilan pagkabasa ko dito ay bigla na lamang nagtayuan ang aking mga balahibo. Kinikilabutan ako.

Bumalik lang ako sa wisyo ng may tumulak sa akin ng mahina."Huy! Austhine saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap ah." si Paisley, buti naman at hindi na ako mahihirapang maghanap sa kanya.

Muli kong binalingan ng tingin ang bulaklak tsaka ngumiti kay Paisley."Hinahanap din kita eh, san ka ba galing?"

"Eh, 'di ba sabi ko sayo wag kang aalis do' n. Bumili lang ako ng pang ipit ng buhok ang init eh." sabi pa nito at kapansin pansin ngang naka taas na ang buhok nito.

"Tara na kumain na tayo nagugutom na 'ko." tsaka ko siya hinawakan sa ulo at inakay papunta sa isang stall ng pagkain.

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT!!

Curse From The Brilliance of The LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon