NEW CHAPTER SEVEN

54 28 4
                                    

DISCLAIMER: Errors ahead. This is a work of fiction. Kung may kamukha, kahawig or ka parehas man ang laman ng aking likha sa totoong buhay ay maaaring hindi ito sinasadya o galing lamang sa aking makitid na pag iisip.

Chapter 7:

Napangiti ako ng makita ko silang sama sama, may suot pang party hats sila Crater Hahaha. Lumapit sakin si mommy na siyang may hawak ng cake. “Happy birthday son, make a wish then blow your candles.”nakangiting bati sakin ni mommy.

Nagpasalamat muna ako sa kanya bago ako nag pray. Bukod kasi sa hindi uso sakin ‘yang wish-wish na ‘yan, wala na akong iabng mahihiling pa kaya instead na mag wish nag thank you nalang ako kay God sa lahat ng blessings na meron ako at natatanggap ko. Matapos kong hipan ang candles sabay sabay silang pumalakpak, kala mo naman talaga.

“Kainan na!”sigaw ni Crater. Natawa naman kaming lahat. Isa isa silang lumapit sakin para batiin at ako at mag bigay ng gift. Unang lumapit sakin si Mommy, may hawak hawak na isang maliit na cage na may lamang puppy, isnag husky. Ang cute niya, nag thank you ulit ako kay mommy tsaka ko siya nilabas sa kulungan. Dinilaan niya agad ako pagka buhat ko sa kanya.

Sunod na lumapit sakin si papa. “Happy birthday Austhine, alam kong ‘di mo ko inaasahan kasi ang tagal kong hindi nagparamdam. Tinapos ko na kasi lahat ng dapat tapusin para makaabot ako ngayon. I hope you enjoy your day.”nakangiting bati niya. Binaba ko muna yung tuta tsaka ako lumapit kay papa para yakapin siya.

“Naiintindihan ko naman pa, kala ko talaga ‘di ka pupunta ngayon eh.”

“Tama na yan, papa’s boy este birthday day boy.” singit samin ni ate. Epal talaga kahit kelan.

“Oh ito na anak ang gift ko sayo, umeepal na yang ate mo eh.”bulong sakin ni papa at sabay kaming tumawa. Inabot niya sakin ang isang susi.

Sobrang natuwa ako ng malaman kung para saan ‘yon, isang bigbike. Niyakap ko ulit si papa. “Thank you papa.”

“Sabi ng tama na ‘yan eh.” Epal na naman ni ate. Humarap ako sa kanya tsaka ko siya sinamaan ng tingin.

“Oh eto, baka sabihin mo pa wala akong regalo sayo.”sabay abot ng isang box habang nakatingin sa malayo. Sweet naman si ate eh ayaw niya lang talaga ipapakita sa iba.

“Thank you kahit alam kong napilitan ka lang kasi ayaw mong galawin yung mga pera mo.”tumawa naman lahat sa sinabi ko mali an kay ate na magka salubong ang kilay na nakatingin sakin. Umirap lang siya tsaka tumalikod at nag lakad papuntang kuisna. Hahaha, pikon.

“Thine oh.”pabalang na inabot ni Heith sakin yung paper bag na may lamang regalo niya. Kahit hindi ko tingnan alam ko na kung ano ‘yon.

“Pre, pandagdag sa collections.” Saka niya inabot yung dala niya.

“Happy birthday Thine!” sabay pa nilang bati. Nakatinginan pa silang dalawa, si Heith masama ang tingin at si Fryd na kamo-ulong umiwas ng tingin.

“Hahaha, tama na nga ‘yan. Salamat sa inyong dalawa.”pumasok na sila sa kusina.

“Austhine iho, pagpasensyahan mo na ‘yan lang ang nakayanan ko. Maligayang kaarawan.” Bati ni manang.

Lumapit ako sa kanya tsaka ko siya niyakap. “Nanang, ano ka ba. Kahit wlaa kayong regalo basta kasama ko kayo maasaya na ako. Kaya Nang, wag kang magkakasakit ah ikaw pa mag aalaga sa mga anak ko hahaha.” Biro ko.

“Susmariyosep ‘tong batang ‘to talaga, uugod ugod na ako no’n pag nangyari nga ‘yon.” Turan nito.

“Nang, gagawin ko pa kayongmayordoma ng mansion ko kaya wag kayong ganyan. I love you manang!”

Curse From The Brilliance of The LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon