"Accepted"

3 1 0
                                    

"Hoy!! ashley bumangon ka na dyan sisikatan ka na naman ng araw dyan sa higaan mo hindi ka pa nakakabangon, wala ka pang sinaing oh hoyyy ashley bumangon ka na!!!" bulyaw ng nanay nya sakanya.

Napabalikwas ng bangon si ashley ng marinig nya ang sigaw ng kanyang nanay sakanya at tila ito'y galit na galit.

"Opo nayy, babangon na po ako" sagot nya sa kanyang nanay habang sya ay nagliligpit ng kanyang hinigaan.

Dali-dali ng pumunta si ashley sa kusina at naghanda ng kanilang umagahan, samantalang ang kanyang nanay ay naglalaba sa labas. Nang maihanda na ni ashley ang umagahan nila, pumunta naman ito sa kwarto ng dalawa nyang kapatid upang gisingin na at makakain.

Habang sila ay kumakain di maiwasang makatulog ni ashley dahil sa napuyat ito sa ginawa nyang mga assignments kagabi. Matapos nilang kumain ay naghanda na sila sa pagpasok sa paaralan, nagsimula na silang maglakad kasama ang dalawa nyang kapatid dahil malapit lamang ang paaralan sa kanilang tinitirhan.

Si ashley ay 16 na taong gulang na at g11 na sya ngayon sa pinapasukan nyang paaralan, panganay sya sa tatlong magkakapatid ang tatay nya ay isang construction worker at ang nanay naman nya ay isang labandera. Katamtaman ang tangkad para sa kanyang edad, kayumanggi ang kulay ng kanyang balat, payat, salamin na may grado para sa malabo nyang mata at maraming pimples sa muka, hindi na nya alintana ang kanyang itsura.

Hinatid nya muna ang dalawa nyang kapatid sa classroom nila pagtapos nun ay naglakad na sya patungo sa kanyang classroom. Habang sya ay naglalakad ay sa hallway ay napapatingin sa kanya ang mga estudyante sa kanyang gilid kaya yumuko na lamang sya.

" Look girl, ang panget nya oh "
" Oo nga HAHAHHAHAH andami nyang pimples oh tapos ang payat nya pa, kumakain pa ba yan HAHHAHAAHHA" rinig nya sa ibang mga estudyante na pinagbubulungan sya.
" Ugly-duckling HAHAHAHAHAHHAHA tara na nga girls " nilagpasan ng tatlong babae si ashley kaya naman nahulog ang mga gamit na dala nya, wala man lang nag atubiling tulungan sya sa pagpulot ng mga gamit nya.

" Hays kailan ba ako tatanggapin sa mundong ito wala naman akong ginagawang mali pero bakit ganito nila ako tratuhin dahil ba sa physical na itsura ko???" bulong ni ashley sa sarili matapos nyang pulutin ang mga gamit nyang nahulog. Napabuntong hininga na lamang sya at nagpatuloy sa kanyang paglalakad.

Matapos ang 4 na oras ng kanyang klase ay dumiretso na to agad sa likod ng school at doon umupo sa damuhan sa ilalim ng puno. Kinuha nya ang baon nya at kinain ito, dito laging pumupunta si ashley kapag lunch o kapag vacant nya dahil sa tahimik ang lugar at malayo sa mga taong mapanginsulto.

"Bakit ba ganun ang mga taong yon? Wala na ba silang magawa sa buhay nila kundi mang-insulto ng kapwa nila?!!! Hayss kailan ba ako matatanggap ng mapanghusgang lipunan na ito! pagod na pagod na koo". gigil na sabe ni ashley habang ang kanyang kamay naman at gigil rin sa pagbunot ng mga bermuda grass sa lupa.

Nagtagal rin ng 2 oras si ashley sa tambayan nya nang magring na ulit ang bell hudyat na magsisimula na ang panghapon na klase ni ashley. Pagpasok pa lang ni ashley ay bumungad sakanya ang napakakalat at napakaingay na classroom, dahil sa wala pa ang kanilang teacher.
Umupo na sya sa isang tabi malapit sa bintana kung saan tanaw nya ang field ng school.

Matapos ang huling subject ay nagring na ulit ang bell hudyat na uwian na ng ibang estudyante tulad nila ashley. Sa paglabas ni ashley ay may tumalisod sa kanyang paa kaya naman nawalan sy ng balanse at natumba sa gitna ng hallway. Ang daming tao ng oras na yun at iisa lang ang expression ng mga taong nakakita sakanya at yun ay ang walang katapusang pagtawa ng mga estudyante sa kanya.

"Hii loserrr HAHAHAHAHAHAH" sabi ng babaeng dumaan sa kanyang harapan.
"Buti nga sayo nerdy, bagay lang yan sayo HAHHAAHAHHA di ka nababagay sa school na toh". pagtataray na sabe ni Sabrina.
"HAHAHAHAHA you deserve it duhh HAHAHAHHA". sunod na sabe naman ni chloe sakanya.
"Panget na nga lampa pa HAHHAHAHAAH tara na nga girls sayang lang ang oras natin sa panget na toh byee ugly ducklingg HHAAHAHAH" mga huling salita na narinig ni ashley kay Sapphire.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon