"Savage!"
"Triple Kill!"
"Wipe Out"
Napangiti ako dahil sa napakaganda ng laro ko ngayon, as always naman. Malapit ng matapos ang laban nang may magpop up na chat head, group chat pala namin. Sa una isa pa lang ang chat pero ilang minuto lang ang lumipas ay dumami na ito at sunod-sunod.
"Putcha naglag na!" reklamo ko, malapit ng mamatay ang character na gamit ko.
"You have been slain"
"Tangina mga gago talaga 'tong tropa ko" biglang nagvibrate ang cellphone ko.
Asher Juts wants to join you on a video call
Tangina? Tumawag pa 'tong si Asher. Hindi ko na tinapos ang laro saka sinagot ang tawag.
"HOY! MGA JUTS! PUTRAGIS KAYO! NAGLALARO AKO DIBA! GANITONG ORAS NYO PA KO IISTORBOHIN HA! RANK GAME 'YON MGA TOL! DI NA KAYO NAAWA SA'KIN? SAYANG STAR KO!" bungad ko sakanila, halos hindi sila makapagsalita.
"Wala kaming pake kung nakarank game o classic ka Chan!" sigaw sa'kin ni Hades, halos mabasag eardrums ko dahil sa sigaw nya, nakaearphone kasi ako.
"Tama na 'yan!" awat ni Asher.
Just call me Chan, I am the most handsome human being on our group. That's what you call a simple introduction. So I have this two idiot friends, Asher is what we called the Jimmy Neutron of our group, matalino kasi, source namin sa exam lalo na pagdating sa mga assignments. Hades is the uhm... rich kid, taga-sundo namin kapag may inuman. Isa lang naman pagkakarehas naming tatlo, JUTS. Kaya nga name ng group chat naming is TROPANG JUTS.
"Anong sagot nyo dun sa huling tanong ng survey form?" tanong ni Asher.
"Pre akala ko ba matalino ka? Bakit di mo masagutan yung huling question? Pati survey lang naman 'yon ah" sagot naman ni Hades.
"Anong survey sinasabi nyo?" nagtatakang tanong ko.
"Enrollment Survey Form!" sabay nilang sigaw sa tawag. Naalis ko ang earphone ko sa tenga ko bago pa mabasag ang eardrums ko sakanila. Bakit ba ang hilig nilang sigawan ako?
"Laro ka pa ha! Tapos nakita ko pa yung post mo sa SUU na naghahanap ka ng ka-rs, tapos ngayon malalaman namin na hindi ka pa enroll?" galit na sabi ni Hades.
"Bakit hindi nyo ko sinabihan?"
"Gago ka nakita ko ni-seen mo yung announcement ni sir sa group chat ng section natin. Oh ngayon sinong may kasalanan satin?" sumbat sakin ni Asher.
"Edi sorry! Send nyo nga link mamaya." Tinanguan lang nila ako na parang napipilitan. Mga gungong talaga.
"Online Learning System yung pinili ko, yun na lang din ang inyo. Kahit mahina ang internet sige kasado na 'yan" sambit ni Hades.
"Sige pre Salamat! Oh ikaw Chan magsagot ka na non. Gago ka talaga, kung di ka pa sabihan mapag-iiwanan ka." Utos nya sa'kin at pinangaralan pa ko para tuloy akong grade 1 nito. Kaya tumango na lang ako.
Nagkwentuhan lang kami saglit bago natapos ang video call namin.
"Chan!" narinig ko ang sigaw ni mama sa'kin mula sa baba.
Nabigla ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Umayos ako ng upo sa kama ng makita ko si mama na nakakunot ang noo.
"Kumilos ka na anak, may pasok ka diba? It's already 7:30 am. Anong oras ba ang klase mo?"
Kinusot ko ang mata ko para makita sya ng maayos. "8am po" mahina kong sagot.
"Dalian muna at mamalengke pa ako." Kinuha nya rin pala ang mga labahin ko sa kwarto bago sya lumabas.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short StoryThis is a compilation of one shot stories that came on my awesome imagination. All the stories have different genre. I hope you will love it.