Rainy Day

1 0 0
                                    

"Happy 5th Monthsarry baby!" bati ko sakanya nang makapasok sya sa loob ng apartment namin.

Hawak hawak ko ang isang cake na may nakasulat na dedication message 'Happy 5th Mothsarry Baby! I love you'. May ilang mga lobong maliit na nakakalat
sa sahig, sa may bandang kama namin ay nakalapag ang mga polaroid pictures at ang isang paper bag na syang aking regalo.

"Wow! Baby thank youu" niyakap nya ako, saka hinalikan ang noo ko. I smiled.

Akala ko ay nalimutan nya na ang araw na ito dahil lagi syang busy sa school works nya, pero nakuha nyang sumaglit sa isang shop kung saan bumili sya ng isang
kwintas na may infinity na pendant, sinuot nya sa'kin ito.

"Thank you baby. I love you even till the sun rise and dawn" he said and kissed me.

That was the memorable monthsarry to me. Habang tumatagal ang pagsasama namin kasabay naman nito ang unti unting paglayo ng presensya nya sa'kin.
Hindi na ako makakuha ng onting oras mula sakanya, ni-isang bati ay wala akong narinig kapag dumadating sya dito sa apartment.

Yung dating galak na dati kong nararamdaman kapag dumarating sya ay naglaho na at napalitan ng takot. Takot na baka masigawan nya ako muli dahil sa
aking pangungulit na kamustahin ang araw nya.

Gusto kitang tanungin kung ayos ka lang ba dahil sa nakikita kong lungkot na sumisilay sa iyong mukha.

Gusto kitang yakapin para mapagaan ang loob mo pero anlayo mo na sa'kin.

Sa tuwing nandito ka sa ating silid ay parang hindi ko ramdam ang presensya mo dahil sa layo ng iyong tingin.

Tumagal nga tayo pero parang wala lang 'yon sayo. Mahirap ba akong mahalin kahit fixed marriage lang ang nangyari? O mahal mo pa rin sya hanggang ngayon?

Panahon na siguro para malaman ko ang opinyon mo sa loob ng tatlong taon nating pagsasama.

"Allen? Mahal mo ba ako?" tanong ko habang nakatingin ng diretso sakanya kahit nakaiwas sya sa'kin.

"Hindi."

Parang kutsilyo ang tumusok sa puso kong napakalambot. "Masaya ka ba na kasama mo ako sa iisang bubong?"

"Hindi."

Isang patak ng luha ang tumulo sa'king mata. "Minahal mo ba ako kahit isang araw o minuto o segundo man lang?"

"Hindi. Walang segundo,minuto or oras kitang minahal." ang sakit, Allen.

"Bakit?" hindi ko alam kung bakit ko pa nasabi ang salitang 'yan, kahit alam ko na ang kanyang isasagot.

"Because this is just a f*cking arrange marriage of our selfish parents. Stop asking. Just do our routine. Act like a couple and inlove to each other." sinakbit nya ang bag nya saka
umalis.

Tama naman sya. Act like we are really inlove to each other. Pinahid ko ang luha sa aking mata.

I have to delete this feelings.

Pass 11pm na ng makauwi si Allen at nakita kong may bago sakanya, nakangiti sya ngayon. I saw again his smile again so I smiled a little bit.

"You're smiling huh" I said.

Tumango lang sya saka ako nilagpasan para maligo na sana, pero natigilan sya sa tanong ko.

"What's the reason?" hindi ko na napigilan, kahit alam kong sasaktan ko lang ang sarili ko.

"Nothing just mind your own business" he said in a serious tone. "Also you don't have to care for me." habol nya saka tuluyang pumasok sa loob ng banyo.

Buong gabi ko inisip ang dahilan ng pagngiti nya. Hindi naman ako ang dahilan non kaya bakit ko pa iniisip. A week had passed and i'm always seeing his
smile, and that makes my heart melt but in the other side, my heart is aching because i'm not the reason.

Sumapit ang hapon nang lumabas ako sa aming silid. Nilibot ko ang tingin sa buong apartment para hanapin si Allen.

"Allen?" tawag ko ngunit tanging katahimikan lang ang kasama ko sa loob ng aming apartment.

Linggo naman ngayon at wala syang pasok marahil nasa labas lang ito namamasyal. Napadako ang tingin ko sa kalendaryo at tinignan ang
petsa ngayon.

"Birthday ko na pala bukas" sambit ko.

Nag ayos ako ng aking sarili para bumili ng ihahanda ko bukas sa aking kaarawan saka sa pagbisita nila mama at papa. Nagdala ako ng payong
dahil medyo madilim ang kalangitan at mukang ilang saglit na lang uulan.

Nang makumpleto ko na ang aking bibilhin ay dumiretso na ako sa counter para magbayad. Sa paghihintay ko ay may nahagip ng aking mata ang isang lalaki
na kilalang kilala ko ang postura maski ito'y nakatalikod.

'Allen' saad ko sa'king isipan.

Nang makalabas sya at ang kasama nyang babae ay sya ring tapos ko sa pagbabayad. Dali dali akong lumabas at sinundan ang patutunguhan nila. Pumasok sila
sa isang milktea shop, tumigil ako sa shop na pinasukan nila at nakita ko lahat. Ang mga tanong ko sa aking isipan simula noong umuuwi syang nakangiti ay
nasagot na.

Magkahawak na kamay at palitan ng matatamis na ngiti, walang duda na ang babeng kasama nya ngayon ang dahilan ng mga ngiti nya sa tuwing uuwi sya sa'min.
Nabigla ako nang humarap si Allen sa aking direksyon. Nagtama ang aming mga mata ang kaninang ngiti ay napalitan ng inis. Nagpaalam sya saglit sa babae saka
naglakad patungo sa aking kinatatayuan.

Binuksan nya ang glass door ng shop at sya namang alis ko.

"Shaina" tawag nya sa'kin, ngunit hindi na ako lumingon.

Hinabol nya ako saka hinawakan ang braso dahilan para matigilan ako at namuo ang luha sa aking mga mata.

"Shaina anong ginagawa mo rito? lumingon ako nang lumuluha.

"M-may binili lang a-ko" hirap na akong huminga.

"Umuwi ka na." bitaw nya sa'kin.

"Nagkabalikan na pala kayo ng ex mo haha" oo ex nya ang kasama nya, nagkabalikan na pala uli sila. "Kailan pa, Allen?"

"Umuwi ka na please Shaina, wala ka naman paki diba, our relationship is just a game of our parents. So you better go home please." Allen said.

"Ayaw mo ba akong makita ko sya? Sya ang dahilan ng pagngiti mo nitong nakaraang araw hindi ba?"

"Oo." diin nya na para bang ipinamumukha nyang ayaw nya talaga sa'kin. "Hindi naman kita mahal at ikaw rin diba? Wala dapat tayong paki sa buhay ng isa't
isa. Deal with your own business and so am I. Wag mo ng ipagpilitan ang sarili mo sa'kin ni-isang posyento wala akong nararamdaman sa'yo. Inaantay ko lang
matapos ang contract kaso nakipagbalikan na sya sa'kin at mahal ko pa rin sya. Hindi ko sinabi sayo dahil nga buhay ko 'to at ako ang magdedesisyon para sa sarili
ko."

"Mahal kita. Minahal kita, Allen."

"Hindi dapat, Shaina."

"Nahulog ako nung una, hindi ko akalain na magbabago ka. I'm fine." but not okay.

Tila umurong ang aking dila at nawalan ng sasabihin. Gusto ko syang sumbatan pero wala akong karapatang kuwestiyunin ang desisyon nya. Mahirap ba mahalin
ang isang tulad ko? Bakit ni-isang porsyento ay hindi nya ako minahal? Marahil ako lang ang lumaban sa pekeng relasyon na ito.

"Uuwi na ako. Mag-ingat k-kayo" sa pagtalikod ko sakanya ko sakanya unti unting kong naramdaman ang patak ng ulan.

Sinalubong na rin nya ang babaeng mahal nya. Magkaibang diresyon ang tinahak namin.

Walang silbi ang payong na dala ko ni-hindi ko na ito mabuksan. Tila ang ulan lamang ang laging dadamay sa mala-drama kong buhay.

Ang ulan lamang ang nagtatago ng mga luha na lumalandas sa aking mukha.

Ang ulan lang rin ang yumayakap sa'kin sa tuwing kailangan ko ito.

Ang ulan lang ang naging saksi kung paano ako nadurog simula noong araw na 'yon.

Natapos ang kontrata, tuluyan na kaming naghiwalay. Kinasal na rin sya sa ex nya matapos ang relasyon namin. Sa tingin ko ay kailangan ko na rin bumangon
at umalis sa madilim na silid na ito, dahil pagkatapos ng maulan na araw ay may naghihintay na magandang kinabukasan para sa akin.

@keikei

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon