Prologue

201 8 0
                                    

Prologue

* * *

"Darling, can you tell me about your family?" I asked him with a curve of my lips.

Hindi pa rin kasi ito nagkwento tungkol sa kanyang pamilya. Gusto ko lang malaman ang tungkol sa kanyang pamilya. Because the more you know about your boyfriend's family, the more you can trust and love him.

Sandali siyang natigilan sa kanyang ginagawa. Hindi pa rin niya ako tiningnan. Binaba niya ang papel na kanyang hawak at napahilamos siya sa kanyang mukha gamit ang dalawa niyang palad. Kumunot bigla ang aking noo sa inakto niya.

"Hey...are you okay, darling?" nag-alala kong tanong at lumapit sa kanya. Hinilot ko ang kanyang sintido.

"I'm fine. I'm sorry, I'm just tired," he sighed.

Gusto ko man ulitin ang tanong ko kanina pero pinabayaan ko na lang. Halatang pagod nga siya. Ayokong guluhin pa ang kanyang isipan.

"You need to rest, Davin, ako na ang tatapos sa mga tungkulin," malambing na wika ko at patuloy ko pa ring ginagawa ang pagmasahe sa kanyang sintido.

Nasa opisina kaming dalawa at may kwarto naman na p'wedeng tulugan. Busy kasi siya dahil sa kanya pa nakaatas ang lahat ng mga tungkulin ng Alpha. Hindi pa rin kasi maayos ang kalagayan ni Lanz. Bilang Beta, siya ang mag-take over ng mga tungkulin ng Alpha. At ako bilang Delta, kung hindi makaya ng Beta ang kanyang trabaho, ako ang mag-take over.

Well yeah, I'm the Delta of the pack, ito ang pinili kong posisyon kahit kaya kong pamunuan ang buong pack. Mas gusto ko ito dahil less lang ang trabaho. Mas nanaig pa rin sa akin ang pagiging adventurer.

"Thank you... but, are you sure, you'll take over these papers?" panigurado niyang tanong. Nagawa niya pang lumingon sa akin. I stopped massaging him.

"Yes, of course, my dearest Beta...darling." I sweetly smiled. Nilingkis ko agad ang braso ko sa kanyang leeg. I gave him a quick kiss on his nape.

"Come here, darling. I miss this kind of moment." Sumenyas itong umupo sa kandungan niya. At kahit pagod nagawa niya pang ngumiti sa akin.

I laughed. Inalis ko ang brasong nakalingkis sa kanyang leeg. Sinunod ko siya, umupo ako sa kandungan niya pero nakaharap ako sa kanya.

Taming The Beta (Taming Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon