Chapter Nine
* * *
Maria Farah McMahon
PANAY buntong-hininga ang tangi kong magawa habang nagmamaneho ng aking kotse, binaybay ko ang daan papunta sa bahay ni Veronica. Kailangan kong magpahangin sa mansion nila dahil ang bigat ng ulo ko. Hindi ko kayang umuwi sa mansion dahil makita ko lang ang pagmumukha ng aking kapatid. Hindi ko lang tanggap ang ginawa niyang desisyon. Paano niya nagawang takutin ako gamit ang kanyang ranggo? Parang hindi niya ako kapatid sa inasal niya kanina.
Pinamukha niya akong walang ka-kuwenta-kuwenta sa harap ng traydor na iyon. He knew all along but he just kept it secret, kept pretending, and played along as my concern little brother. Kaya pala kalmado lang ito noong nalaman niyang nakatakas ang mag-ama sa kulungan. This is betrayal. I felt betrayed again by my brother.
To whom should I give my trust? Why most of all people l trust lied to me? First, my lover. Second, my brother. Who's next?
'My best friend, Veronica...' my thoughts replied.
Sandali kong pinikit ang aking mata sabay iling. Hindi ako dapat mag-isip nang gano'n. Hindi iyon magagawa ni Veronica. She's honest and has a pure conscience.
'But you lied to her once... dinala mo siya sa mansion na puno ng kasinungalingan,' kontra ng kabila kong isipan.
"Argh! Nakakainis!" sigaw ko sabay na ipakan ang preno.
Tumigil ang sasakyan sa gitna ng kalsada. Hindi naman masyado dinaanan ang kalsadang tinakhak ko, kaya okay lang na tumigil sa gitna ng kalsada. I tracked the shorter alternative route, upang mabilis akong makarating sa bahay ni Veronica pero mukhang matagalan ako dahil ginugulo ang isipan ko.
Inis kong inumpog ang ulo ko sa manibela. Bumusina ng malakas ang sasakyan dahil napalakas ang pag-umpog ng ulo ko sa manibela. Hinigod ko sa mukha ang aking palad at nagpakawala ng malalim na hininga. Kinalma ko muna ang sarili bago hinawakan ang manibela.
Buo na ang desisyon ko na hindi na lang ako pupunta sa bahay ng aking kaibigan. Ayaw kong guluhin pa ang isip niya, malapit na silang ikasal ng kapatid ko. Baka mag-away pa sila dahil sa akin.
Nang kumalma na ang buong sistema ko, nag-U-turn ako. Babalik ako sa daang dinaanan ko kanina. Hindi rin ako babalik sa mansion kundi pupunta ako sa pinakamalapit na baryo sa bandang Silangan ng Lebanese-sa Denamaza. Maghanap na lang ako ng natutuluyan doon.
Napangiti ako dahil naalala ko ang Delta ng Red Moon Pack na taga-Denamaza. We talked many times in every meeting about pack problems and I guess were friends. I should call her right now. Kakapalan ko na lang ang mukha ko.
Nagpasalamat ako dahil sinagot agad nito ang tawag ko.
"Hello, this is Elaide Akiva Liminski, Delta of Red Moon pack, what can I do for you?" narinig kong wika ng kabilang linya.
Tumikhim muna ko bago nagsalita. "Hello, this is Maria Farah McMahon, current Beta of Blood Moon pack, c-can I sleep in your home?" nahihiya kong tanong.
"Oh, sure thing. I will prepare a room for you. Just go to our place. Our door is always open, you're welcome here."
Nakahinga ako ng maluwag dahil may matutuluyan na ako.
BINABASA MO ANG
Taming The Beta (Taming Series 2)
Hombres Lobo[Taming Series 2] Maria Farah McMahon and Davin MacLee love each other. One day this love turns into hate because Farah found out the truth of Davin's lies. Davin got kicked out of being a Beta of Blood Moon Pack and Farah replaced his position. Far...