Chapter One

149 11 0
                                    

Chapter One

* * *

Maria Farah McMahon

WALANG EMOSYON akong pumasok sa kulungan ng packhouse. I'm visiting the traitor and great liar of my life. Sa mahigit sampung araw silang nakakulong ngayon lang ako nakabisita sa kulungan. Hindi ko kayang bumisita agad-agad dahil sa mga nalaman ko.

Naayos nga ang hidwaan ng pamilya namin at sa mga Van Smith. Naging maayos na sila ni Lanz at Veronica. Naging maayos na rin ang pagkakaibigan namin ni Veronica. Pero ang puso ko ay hindi maayos. Wasak na wasak ito sa mga nalaman ko.

Hindi ko talaga mapapatawad ang ginawa niyang paglihim sa akin ng katotohanan. How could he do this to me? Our relationship was almost three years but he hasn't told me everything about his family. Palagi niya lang sinasabi sa akin na kinalimutan niya na ang kanyang pamilya dahil nagbibigay lang iyon ng sakit sa puso niya. However, he just lied to me... huli ko nang nalaman.

I can't believe that he still tolerating his evil father. For how many years we've been together he successfully hid the truth from me. He knew everything but he didn't say any words to me. He kept pretending that he was on our side. I don't know if his love for me was real or not.

Ang pagtulong niya pala sa amin na pabangunin ang pack dahil siya ay guilty? Ang kanyang ama lang pala ang dahilan kung bakit namatay ang aming mga magulang at membro ng pack. Biktima lang din pala ang pamilya ni Veronica sa kademonyuhang ginawa ng ama ni Davin. Sinisisi ko pa sa pamilya ni Veronica ang lahat, nagawa ko pang kamuhian ang aking kaibigan na biktima lang din ng kasinungalingan.

I don't care about Davin's reasons. I don't want to hear and believe in his lies again. I'm fed up. I gave up. Buo na ang desisyon kong putulin ang aming koneksyon. I will solemnly cut our bonds. I swear.

Humugot ako ng malalim na hininga bago binuksan ang selda ni Davin. Agad siyang tumayo nang makita ako. Kalansing ng kadenang pilak ang aking narinig dulot ng kanyang paggalaw.

Taas-noo akong humarap sa kanya at nilabanan ang titig niya. He even gave me a wide smile. His smile was still the same. Sweet and tender that can warm your cold heart. But now, I remain cold in front of him, my heart can't feel his warmth anymore. He can't warm my heart again. It's already frozen.

His gaze on me was still the same. Full of admiration. I also saw happiness, pain, and guilt in his eyes. Napatingin ako sa buong kaanyuan niya. Full of dirt and miserable. Nangangayat na rin siya pero hindi mawawala ang kagwapuhan niya. He's still handsome in my eyes.

No, Farah! Stop admiring him! Umiling-iling ako sa aking naisip.

"F-Farah..." mahinang sambit nito at mukhang titibagin niya ang kaanyuan ko. My heart started beating like crazy.

N-No, Farah! He's a liar. Don't be soft just because he called your name. Damn it!

Dati gustong-gusto ko ang pagtawag niya sa akin, hanggang ngayon... gustong-gusto ko pa rin pero parang hinihiwa ang puso ko ng mapurol na kutsilyo. Nasasaktan ako, hindi ko lang talaga matanggap ang ginawa niya sa akin.

"Stop calling my name. You don't have a right to say it anymore." I said coldly.

"You... are not cold... like this, you're the sweetest and lovable person I know... Farah... darling..." Umiling-iling siya at hindi makapaniwala sa nakita niya ngayon.

Taming The Beta (Taming Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon