Chapter Three

104 7 0
                                    

Chapter Three

* * *

Davin MacLee

NAGISING ako sa matigas na lupa. Bumungad sa akin ang isang madilim at hindi pamilyar na paligid. Napabalikwas agad ako ng bangon dahil doon. Napaaray ako nang mahawakan ko ang aking dibdib, sariwa pa rin ang mga sugat sa aking katawan. Nagtaka ako dahil malaya kong maigalaw ang aking mga kamay at paa.

No silver chains on my both hands and feet. Wala na akong may narinig na kalansing ng kadenang pilak pero nandoon pa rin ang sakit at hapdi ng aking katawan dulot ng pag-torture sa akin. I do deserve it.

Nilibot ko ang aking paningin, doon na ako nakakita ng maliit na liwanag. It’s true that in every darkness, there’s a light.

Tumayo ako at tinahak ang pinanggalingan ng liwanag. Wala akong kaalam-alam kung nasaan ako ngayon pero alam kong hindi ako nanaginip, wala ako sa selda na kinulungan ng aking kabiyak.

Sh*t! We're not mated anymore. She cut our bonds and I can’t accept it. That was my worst punishment after hiding some lies. I am a liar. I am.

Hindi ako nahirapang lumakad dahil mukhang may gumamot sa mga sugat ko. Naka-adjust na rin ang mata ko sa dilim at liwanag. Malaya kong nakita ang kabubuang lugar at napagtanto kong nasa loob ako ng k’weba ngayon.

Why I am here? I can’t remember anything. My head hurts.

I tried to shapeshift but I failed. Hindi ko pala kayang magpalit-anyo dahil sa sugat na natamo ko, hindi pa rin naka-recover ang aking katawan. I am still weak.

Sa hinay-hinay ko paglalakad ay malapit ko nang marating ang bunganga ng k’weba. Napantig agad ang tainga ko nang makarinig ako na may nag-uusap sa labas. Tumigil muna ako sa paglalakad. I sharpened my hearing senses. I recognized the old man’s voice, it was my father. The woman’s voice was familiar to me too. They are talking secretly, talking about something.

My father? I clenched my teeth. Nakalabas din siya sa kulungan?

“Thank you for helping us, Operl. Don’t let my son know that you’re the one who helped us to escape.” I heard my father’s voice. At kausap nito si Operl, ang bagong Delta ng Blood Moon pack.

Escape? Si Operl ang tumulong sa aking ama? Ano naman ang nagawa ng aking ama? Bakit napasunod niya si Operl? Kilala si Operl sa pack na isang tahimik at parang walang pakialam sa mundo. Pero, bakit ngayon ay kausap na nito ang aking ama?

“You’re always welcome, Tito Oli–”

“David, hijah…” pagtatama niya.

“Ay, oo nga pala, kayo si David na ama ni Davin dahil wala kayong nunal sa leeg.”

Nagkasalubong ang kilay ko sa narinig. Paano nalaman ni Operl na may nunal sa leeg ang tunay na Oliver? May nakakaalam pa pala bukod sa aking tiyahin?

“Oh. Yeah, right. Thank you again, Operl… you may go. Don’t tell anyone about this even my son. Dahil kung may sinabihan ka… hindi magiging iyo ang aking anak.”

Taming The Beta (Taming Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon