Chapter Six
* * *
Maria Farah McMahon
"VERONICA! Veronica! H-hello? Tito Ronnie?" tawag ko nang makapasok ako sa loob ng mansion nila. Katahimikan ang bumungad sa akin sa eleganteng sala.
Nilibot ko ang aking mga mata sa kabuuang paligid. Wala akong may nakitang anino ng tao sa loob ng bahay. Wala rin ang mga katulong nila. Wala akong may matanungan. Hindi rin sinagot ni Veronica ang tawag ko noong tinawagan ko ang cell phone number niya. Saan ba ang babaeng 'yon?
Gusto ko sana siyang makausap sa mga personal na bagay. Nabasa ko na ang talaarawan ng tiyuhin kong si Oliver, maging ang sulat ni Davin para sa kanya. Gulong-gulo na kasi ang isip ko sa aking mga nalaman at halos hindi na ako makatulog sa kakaisip ng mga posibleng mangyari. Halos wala na ngang space ang utak ko dahil okupado na sa mga problema tungkol sa mag-ama.
Gusto ko sanang ibahagi kay Veronica ang mga nalaman ko. Siya lang ang tanging makaintindi sa akin at mapagkatiwalaan ko. Pero wala siya sa mansion nila. On-duty rin 'ata si Tito Veronnie. Hindi kasi nito iniwan ang pagpupulis, patuloy itong nagseserbisyo sa hindi namin kauri.
Ang s'werte ni Veronica dahil may natira pa siyang magulang habang kami ni Lanz ay wala na at hanggang ngayon hindi ko matanggap na ang pumaslang sa magulang namin ay ang ama ng aking kabiyak. Masakit isipin at masakit tanggapin.
I slightly massage the bridge of my nose to calm myself. Nagpakawala rin ako ng malalim na hininga. Humakbang ako papuntang ikalawang palapag hanggang ikatlo. Dumiretso ako sa kuwarto ni Veronica.
"Veronica! Nasa loob ka ba ng k'warto mo? Nandito ako. Lumabas ka nga sa k'warto mo, please!" wika ko nang nasa harap na ako ng kanyang silid.
Nasaan kaya ang babaeng iyon?
Natampal ko ang aking noo dahil naalala ko si Lanz, maaga itong umalis ng mansion. Hindi pa nga ito nagpaalam sa akin. Akala ko ay sa packhouse ito tutungo pero nagkakamali ako dahil wala siya sa packhouse noong dumaan ako roon. Iniwan niya naman ang kanyang tungkulin sa akin.
Pasaway na Alpha. Iniiwasan na ang kanyang tungkulin. Magkasama kaya ang dalawa?
Napagdesisyunan ko nang umalis na lang. Mabigat kong hinakbang ang aking mga paa palabas ng pinto ng mansion nila. Pero agad akong natigilan sa paghakbang pababa sa hagdan dahil bumungad sa akin ang bagong dating na sasakyan. Family van ng pamilyang Van Smith.
Lumabas doon ang mga katulong kasabay ng mga bibit nilang dala. May mga basket na puno ng sari-saring gulay at prutas akong nakita. Siguro kakagaling lang nila sa palengke.
Kaunti na lang ang katulong ng Van Smith. Ang sabi ni Veronica, pinaalis ang mga katulong bago pa sumiklab ang away sa pagitan ni Lanz at ng ama ni Davin upang hindi madamay sa gulo. Ang iba ay hindi na bumalik. Kaunti na lang ang bumalik pagkatapos ng gulo. Wala ako nang nangyari ang gulo kaya hindi ko alam ang tunay na nangyari. Tanging kuwento lang nila ang aking nalaman.
Nakuwento rin ni Veronica sa akin ang paglaho ni Lolo Alessandro pagkatapos niyang gamitin ang lahat ng kanyang kapangyarihan. Nakakahanga lang dahil hindi kinulong ni Veronica ang kanyang sarili sa kalungkutan. Hindi tulad ko na patuloy pa ring nilalamon ng kalungkutan at galit. I can't blame myself.
BINABASA MO ANG
Taming The Beta (Taming Series 2)
Werewolf[Taming Series 2] Maria Farah McMahon and Davin MacLee love each other. One day this love turns into hate because Farah found out the truth of Davin's lies. Davin got kicked out of being a Beta of Blood Moon Pack and Farah replaced his position. Far...