Chapter Seven

92 4 0
                                    

Chapter Seven

* * *

Maria Farah McMahon

“WAIT! Halt the meeting, Alpha Lanz. I need to go to the comfort room too. Wait for us here, I have an announcement later.” Tumayo na ako. Hindi ko na hinintay ang sagot nila. Hinakbang ko ang aking paa patungong palikuran kung saan pumunta ang Delta ng pack namin.

“Bes…” narinig kong tawag ni Veronica pero hindi ko muna siya pinagtuunan ng pansin. Dumiretso lang ako sa paglalakad sa patunguhan ko.

Hindi ako magbawas o ano. Gusto ko lang ikumpirma kung tama itong hinala ko. Kung tama ang impormasyon na binigay ni Veronica sa akin. Orchids flower scent, huh?

Nang pumasok ako sa loob, sakto rin paglabas niya cubicle na ginamit niya. Ngumiti ito ng tipid nang makita niya ako. Humarap na ito sa malaking salamin, siguro para mag-ayos ng sarili.

Lumapit ako sa kanya. Wala na akong hinintay na pasko, hinawakan ko ang isang braso niya at marahas na sinandal ang likod niya sa pinakamalapit na dingding.

Nanlaki ang mata nitong nakatingin sa akin at hindi makagalaw. Tila hindi makapaniwala sa ginawa ko. Mabilis kong pinag-ekis ang dalawa niyang kamay at itinaas iyon, idiniin sa dingding gamit ang kaliwa kong kamay habang ang kanan kong kamay ay mabilis na sinunggaban ang kanyang leeg. Mas lalo ko siyang diniin sa dingding nang nagpupumiglas ito. Buong lakas kong hinawakan ang kanyang leeg, ipinagdiin ko pa ang aking kamay sa kanyang leeg habang ang aking kanang tuhod ay malakas kong idiniin sa kanyang tiyan para mas lalo siyang idiin sa dingding.

“O-ouch–w-wait! W-what are you doing, B-Beta Farah?” her voice was shaking and tears started to flow down her cheeks.

Maang-maangan? Nag-init ang dugo ko sa kanyang tanong. Lumunok muna ako ng laway bago nagsalita.

“Don’t be dumb, Delta Operl. Alam kong ikaw ang nagpatakas sa mag-ama. Bakit mo ‘yon nagawa? Bakit mo ti-ni-raydor ang sarili mong pack?” may diing tanong ko.

Mas lalong nanlaki ang kanyang mga mata at namutla siya. Gotcha!

“H-hindi ko alam ang pinagsasabi mo, B-beta–Ouch! Stop it, n-nasasaktan ako–ackk…h-hindi ako ma–ack–hinga...”

“Malagutan ka talaga ng hininga kung hindi ka aamin, Operl!” galit na singhal ko. I gritted my teeth and tightened the grip on his arms and neck.

“W–ala…a-akong a-aminin–ackk…p-please, let–me go…” naiiyak na pagmamakaawa niya. Sobra na itong namula dahil sa aking ginawang pagdiin ng kamay ko sa leeg niya. Mabagal na rin ang kanyang paghinga.

Tigas-tigasan, ha?

Hindi ko pinansin ang sinabi niyang patuloy ko pa rin siyang pinipiga. “Hindi kita titigilan kung hindi ka aamin ngayon. Naintindihan mo ako?”

“Aack–a-amin na ako…p-please s–s-top…I…c-can’t b-breathe…”

Mabuti naman aamin ka dahil mawalan ka talaga ng hininga, piste ka!

Agad kong binitiwan ang kanyang kamay at leeg. Umubo naman ito nang umubo at habol-habol ang paghinga. Nanatili akong nakatingin sa kanya. Patuloy pa rin itong napahawak sa kanyang leeg. Mukhang papatagalin niya pa ang usapan namin dahil hindi ito tumigil sa pag-ubo.

Taming The Beta (Taming Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon