Chapter Eight

76 4 0
                                    

Chapter Eight

* * *

Maria Farah McMahon

I PUSHED her hard onto the floor inside the office of Alpha Lanz. Napasubsob naman ito sa makintab na sahig ng opisina ni Lanz. She moaned in pain because of the impact. She can't talk because I put tape on her mouth. Both hands were on her back. Her skin bleeds because she has a lot of cuts on her skin. Hindi ko pinalampas ang ginawa niyang pagtraydor sa pack. I just gave her a lesson through hundreds of whips.

Why not? She's a damn traitor. At ang traydor sa pack ay pinaparusahan ng sandaang hagupit ng latigo. Nasa layi iyon ng pack. Ang parusa naman ng kriminal ay panghabang-buhay na pagkakulong at sinabayan ng pagpahirap. Kung tuusin ay malaki ang kasalanan niya dahil nakipagtulungan siya sa kriminal ng pack.

"Alpha, I want you to kick out this girl in our pack. She's a damn traitor to our pack. Nagawa niyang makipagsabwatan sa isang kriminal. May pruweba na ako," seryoso kong wika, lumapit pa ako sa mesa ni Lanz para makuha ang kanyang atensyon.

After the meeting, we didn't talk about it anymore. Hindi ko na rin siya tinanong sa kung ano ang plano niya sa mga traydor. Hindi niya rin naman sinabi sa akin ang kanyang plano. I don't know why. So, I did my part. Kailangan kong mapatunayan kay Lanz na ang pinagkatiwalaan niyang Delta ay ahas.

Inangat niya ang kanyang ulo, nakasalubong ang kilay nitong tumingin sa akin. Pagkatapos ay binigyan niya ng atensyon ang nasa sahig. Naningkit ang kanyang mata nang makita niya ang sitwasyon ng Delta na nasa sahig.

"What the hell are you doing, Beta?!" tumaas ang boses nito at binigyan ako ng matalim na titig na para bang galit siya sa aking ginawa.

"You saw her situation, Alpha. Sa palagay mo... anong ginawa ko?" mataray ang tono kong wika at pilit na kinakalma ang sarili.
Makita ko sa reaksyon ni Lanz na hindi siya sang-ayon sa ginawa ko. Halatang mas pinanigan niya ang babaeng traydor.

Hinawakan ni Lanz ang kanyang ulo at umiling-iling. "You're too much. You're out of control, Beta Farah. Where is the gentle sister I know? Where are the kind and sweetest sisters I know? You've changed... a lot... sister..." patuloy pa rin ang pag-iling-iling ng kanyang ulo. Halatang hindi makapaniwala sa ginawa ko.

Did I change a lot?

Naestatwa ako sa kanyang sinabi na parang binuhusan ako ng isang baldeng semento. Hindi ako makagalaw. Umurong din ang dila ko dahil hindi ko mabigyan ng kahit na anong salita ang kanyang sinabi. There's a part of me, na sang-ayon sa sinabi ng aking kapatid. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ramdam na ramdam ko rin ang malakas na pagtibok ng aking puso.

Natauhan ako nang bumuga siya ng hangin at hinagod ng dalawa niyang palad ang kanyang mukha, pagkatapos ay malamig ang pinukol niyang tingin sa akin na nagbigay sa akin ng panginginig. Napahawak ako sa bingit ng mesa para humingi ng suporta.

There's something in his eyes while looking at me. Parang may gusto siyang sabihing salita pero hindi niya masabi kong ano 'yon. Napaiwas ako ng tingin dahil natatakot ako sa mga mata niya.

Bumuga ulit ng hangin si Lanz at naramdaman kong tumayo siya sa kanyang kinauupuan. Napamaang ang labi kong binalik ang tingin sa kanya. Nakatitig lang ako sa kanya habang humahakbang ito palapit sa taksil na Delta. Nakita kong may awa sa mga mata niya na nakatingin sa babaeng nasa sahig.

Taming The Beta (Taming Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon