Chapter Five
* * *
Maria Farah McMahon
"FARAH, are you okay? How's your feeling?" boses babae at nag-aalalang tinig ang una kong narinig. Binuksan ko ang aking mata. Bumungad sa akin ang magandang mukha ng isang babae. A familiar attractive blue cat's eyes darted at me. Her face was very familiar.
"Almost five days kang tulog. Malala ang mga natamo mong sugat. Nanghihina ang buo mong sistema kaya hindi ka agad nagising," paliwanag niya.
Napailing-iling naman ako ng maraming beses. I can't believe it. Matagal akong tulog?
Kahit ngayon, naramdaman kong mahina pa rin ang buo kong sistema.
"W-What? Almost five days?!” nanlaki ang mga mata ko. Tumango lang ang babae.
Nakatitig pa rin ako sa kulay asul niyang mata. “W-Wait… familiar ka sa akin…” napaisip ako sandali dahil pilit kong inaalala kung sino itong nasa harap ko.
“N-Nyla?!”
Tumango lang ang babae. Kaya pala familiar sa akin ang mukha niya.
Wait! Nandito ako ngayon sa Yellow Moon pack? What the!
Si Nyssa Larrice o kilalang “Nyla” ay nakilala ko noong pumunta ako sa Capital City ng Lebanese. Isang beses ko itong nakilala pero nagkapanatagan kami ng loob.
We treat each other as a friend. Hindi lang halata na magkaibigan kami dahil hindi kami laging nagkasama nito. Minsan lang–tuwing pumupunta ako sa Capital City.
She's a war freak, nakipag-away pa ito sa mga tindera at tindero tuwing mamili siya.
Laganap din sa buong bundok ng Lebanese ang pagiging matigas ang ulo nito. Naging Omega na ang ranggo nito dahil sa katigasan ng ulo. Hindi sinusunod ang mga rules at laging gulo ang dala.
Laganap din ang kanyang pagkawala dahil biglaan itong umalis ng pack na hindi nagpapaalam, kahit si Alpha Twight ay walang alam. Hinanap nga ito ni Twight pero hindi niya ito natagpuan.
Nakakagulat lang dahil nakabalik na ito sa Yellow Moon pack.
"Are you okay?" Nyla asked but not in a gentle tone. Nagsalin ito ng tubig sa baso at binigay sa akin. Tinanggap ko naman agad iyon at ininom dahil uhaw na uhaw ako.
Nasa puting higaan ako at maraming Salutary wolf ang nasa paligid. I guess I'm at the Yellow Moon packhouse hospital. Nakita ko ang logo ng Yellow Moon pack sa bawat kurtina ng paligid.
Naalala ko na, nasa likuran ako ni Davin habang tumatakbo siya sa kagubatan palayo sa kalungan ng Van Smith mansion, at nanghihina ang sistema habang kumakapit sa balahibo niya. Hindi ko kayang magpalit-anyo sa sobrang hina. Madaming dugo na rin ang nawala kaya siguro nawalan ako ng malay at nagising ako dito sa pack ni Twight.
Nasa Yellow Moon pack pala napadpad ang aming pagtakas ni Davin. He helped me. Siya ang nagpatakas sa akin doon sa kulungan ni Oliver. Kinuyom ko ang aking kamao dahil hindi ako nakaganti sa pumatay sa pamilya ko.
BINABASA MO ANG
Taming The Beta (Taming Series 2)
Werewolf[Taming Series 2] Maria Farah McMahon and Davin MacLee love each other. One day this love turns into hate because Farah found out the truth of Davin's lies. Davin got kicked out of being a Beta of Blood Moon Pack and Farah replaced his position. Far...