02

13 3 0
                                    

Nagising ako sa alarm ng phone ko kaya dali-dali akong bumangon para patayin yung phone ko at magsimula ng kumilos.

3 days na ako akong nag-stay sa hotel and today is the day. Yes, ngayon ang interview ko sa Big Hit.

Hindi pa rin ako makapaniwala na natanggap talaga ako. Last step na lang at talagang masasabi ko na nagttrabaho na talaga ako sa Big Hit.

Nang maayos ko na ang lahat at na-double check ko na yung nga dadalhin ko ay bumaba na ako at nag-abang ng taxi papuntang Big Hit.

After 30 minutes ay nakarating na rin ako. Sobrang daming tao sa may labas kaya naman nahirapan akong pumasok.Buti na lang in-assist ako ni Kuyang Guard ng mapansin nya yung ID Lace ko.

Yes, nanggaling na ako sa Big Hit nung pagkatapos kong i-settle yung hotel room ko at mga gamit ko. At ayun nga pagkadating ko doon ay binigyan ako ng date kung kailan interview ko at ibinigay sakin yung ID Lace para daw mabilis akong makapasok ng building.

"Ano ba yan sino ba sya? Ba't pinapasok sya?"

"Idol ba yan?"

"Ano yan bagong trainee ng Big Hit?"

"Akala ko ba puro lalaki lang trainee ng Big Hit?"

Ilan lang yan sa mga narinig kong pinagsasabi ng mga fans na nalampasan ko ng makapasok ako sa loob. Pinadiretso agad ako sa may lobby.

"ID please." sabi ng babae sa may reception area kaya naman binigay ko yung ID ko. Maya-maya lang ay binalik na sa akin ang ID ko at sinabihan na mag-antay muna ng 15 minutes sa may lobby dahil masyado daw akong maaga.

Habang nag-aantay chineck ko yung oras sa phone ko at nakita ko na naman yung lockscreen ko. Hindi ko alam anong pumasok sa utak ko at ginawa kong lockscreen yung picture ng masungit na lalaki na yun.  Ang ganda kasi ng pagkakakuha ko eh hindi masakit sa mata at hindi nakaka-sawang tignan.

Tumayo na ako matapos akong tawagin at hinatid na ako sa interview room. Huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok at pumasok sa loob ng interview room.

Halos mangatog na ako dahil sobrang daming tao sa loob. Ang laki pala nung interview room parang meeting room sya na kasya ang 20 na tao sa loob.

Nang maka-upo na ako sa isang upuan ay tsaka ko lang nilibot yung paningin ko. May limang naka-upo rin sa harap ko na mukhang mag-iinterview sakin at may 7 na lalaki na nasa likod at nag-iingay.

Nagbabatuhan sila ng mga stuff toys na hawak nila ng sawayin sila ng isang lalaki kaya naman natahimik sila. At humarap na din sakin.

Hindi ko sila masyadong maaninag dahil hindi ako naka-glasses at hindi ko pa nakukuha yung contact lens ko na pinagawa ko sa isang optical shop. Sa dami ng pwedeng makalimutan sa New Zealand naiwan ko pa yung contact lens ko.

The interview went well. Pero gulat na gulat ako na yung 7 lalaki pala sa likod ay BTS. Hindi ko man lang sila namukhaan. Ginawa ko silang model dahil pinag-sample ako ng nag-iinterview sakin na mag-take ng pictures. Buti na lang dala ko cam ko at yung glasses ko kaya nakapag-trabaho ako ng maayos.

Si Jin, J-hope, at RM lang yung kinuhaan ko dahil  kailangan na daw pala mag-practice ng BTS. Pag-alis nila pina-pirma na ako ng contract. At ang lalong nagpa-gulat pa sakin eh magiging photographer/videographer pala ako ng BTS.

Grabe hindi ko in-expect na sila agad yung makaka-trabaho ko pag-uwi ko dito sa Korea. I mean, duh BTS 'yon no! They are known worldwide. At si Jin? Jusko totoo ngang Mr.Worldwide Handsome. Sobrang gwapo nila kahit si RM napaka-cute ng dimples nya. Si J-Hope sobrang ganda ng ngiti. Sayang lang at hindi ko nakuhaan ng picture yung iba.

Behind The CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon