Mabilis lang lumipas ang araw. Halos 1 month na akong nagta-trabaho sa Big Hit. Medyo malapit na rin comeback nila. Wala naman akong nagiging problema and may mga nakilala na rin akong ka-trabaho ko at naka-close kagaya ni Trizia.
Yung Bangtan? Ayun medyo ka-close ko na rin sila. Usually pag papuntang Big Hit sinasabay nila ako. Minsan naman sabay-sabay kami nagbe-breakfast pag nilulutuan ko sila o kaya naman napapagusapan na sabay-sabay kaming magbe-breakfast.
Kagaya ngayon. Andito lang naman sila sa dorm ko nanggugulo umagang umaga habang kami ni Jin ay nandito sa kusina nagluluto ng breakfast.
"Hyung ako naman palaro ako!" sigaw ni Jungkook
"Mamaya na teka lang babawian ko pa si V!" sigaw naman ni Jimin.
"Taehyung magpatalo ka na kasi para makalaro na kami ni JK!" sigaw naman ni Namjoon.
"Ya! Jimin-ah! Paglaruin mo naman kami." sabat din ni Jhope.
"Hindi ko na nga ginagalingan natatalo ka pa rin eh!" sigaw naman ni Taehyung.
Mukhang nag-aagawan na naman sila sa controller. Nakidagdag pa si Jimin ngayon. Usually kasi si Namjoon, Jungkook, at V ang naglalaro. Ganyan lang naman bungad nila sa umaga ko pag andito sila sa dorm ko. Maglalaro sila ng XBox tapos maya-maya magbabangayan na dahil ayaw magpahiram ng nauna.
Si Suga lang ata hindi nakikigulo sakanila kasi busy lagi sa pagtulog. Basta naka-pwesto na sya sa inuupuan nya lagi wala na syang pake dun sa lima basta matutulog na sya. Kakaiba rin eh.
"Tila talaga mga bata yung lima na yun." sabi ni Jin habang iiling-iling at natatawa. Rinig na rinig kasi namin dito sa kusina yung pagbabangayan nila.
"Hayaan mo na sila. Tapusin na lang natin niluluto natin para matahimik na sila pag kumakain na." natatawang sabi ko na lang dahil tuwing kumakain lang kami nakakadama ng katahimikan pero kapag tapos na o hindi pa kumakain walang katapusang ingay ang nangyayare. Dito man sa dorm ko o sa dorm nila.
Nang matapos na kami magluto at ihanda sa lamesa yung mga pagkain ay tinawag na namin sila. Halos walang nagsasalita talaga kapag kumakain na sila hanggang matapos. At dahil nga tapos na kami kumain ayan na simula na naman sila ng ingay habang palabas kami ng building ng dorm.
"Ang daya mo talaga Jimin 'di tuloy ako nakalaro! Puro talo ka naman kay Taehyung" angal ni Jungkook.
"Kaya nga! Hindi mo man lang pinahawak samin yung controller. Durog ka naman lagi kay Taehyung" banat naman ni RM. Pinagitnaan nila ni Jimin para pagtulungan.
"Hoy! Nangangapa pa kasi ako sa controller! Hindi ko pa kasi gamay!" pagtatanggol naman ni Jimin sa sarili niya.
"Nangangapa daw sobrang tagal niyo nga naglaro ni Taehyung ni-isa hindi mo man lang sya natalo!" sabi naman ni Jhope.
"Hindi mo nga rin nababawasan buhay ko." singit ni Taehyung.
"Ya! Taehyung! Nakisali ka pa talaga tatalunin na kita sa susunod." sagot ni Jimin
"Sus, sabihin mo hindi ka lang talaga marunong. Try mo muna bawasan buhay ni V bago mo sabihin na tatalunin mo siya." biglang banat ni Suga habang naka-ngisi kaya naman napuno na naman asar si Jimin. Natawa na lang ako dahil lagi na lang barado si Jimin basta si Suga na ang bumanat.
Sumakay na agad kami sa service na van nila papuntang Big Hit. Si Jimin, RM, Jhope at Jungkook ayun todo bangayan pa rin at ayaw tantanan si Jimin. Si Suga tulog na naman at naka-pwesto sa passenger seat. Ako eto katabi si Taehyung. Napatingin ako sakanya at ng mapansin nyang nakatingin ako sakanya ay inismiran nya lang ako. Sungit talaga.
BINABASA MO ANG
Behind The Cam
Fanfiction"He's an idol and I am just a girl whose always behind the camera that he is always with..." We met in an unexpected place not too long ago because of a camera incident... and who would've thought that we will meet again but this time I will be the...