Kakapasok ko pa lang ng dorm nila pero parang dinaanan na ng bagyo yung sala. Mga nakasalampak lang naman sila sa sofa pero napakagulo ng dorm nila.
"Hi Luna! Upo ka nanonood kami ng movie eh. Nagluluto pa si Jin hyung." bati sakin ni Jungkook ng makita nya ako.
"Ah sige bisitahin ko muna si Jin tas balik ako dito." sabi ko at dumiretso ng kusina para i-check si Jin.
"Oh, Luna andyan ka na pala. Doon ka na muna sa sala hindi pa ako tapos magluto eh." sabi ni Jin habang busy sa paghihiwa ng gulay.
"Need help?" tanong ko at lumapit na sakanya para tignan kung ano yung niluluto nya.
"Nako 'wag na pambawi 'to sa pagluluto mo samin ng breakfast kanina. Tsaka 'diba sabi ko ako magluluto." sabi ni Jin at nginitian ako. Napatingin naman kami sabay ng biglang sumulpot si V.
"Oh, Taehyung anong kailangan mo?" tanong ni Jin habang ako ay nakatingin lang sakanya. Tinapunan naman nya kaming dalawa ni Jin ng malamig na titig sabay dumiretso sa ref.
"Iinom lang ng tubig." sabi nito at kinuha yung isang bottled water at ininuman ito. Nakatingin lang ako sakanya hanggang matapos sya uminom ng tubig at sinara ang ref.
"Pabalik ka na? Isabay mo na itong si Luna." biglang lingon ni Jin kay Taehyung ng marinig ang pagsarado ni Taehyung ng ref.
"You don't have to ask me. Gagawin ko talaga iyon." sabi nito sabay lumapit sakin at hinila na ako palabas ng kusina.
Nakalabas kami ng kusina na hila-hila pa rin ako ni Taehyung at ako ay naka-sunod lang sakanya. Pagdating naman ng sala ay busy pa rin sila sa panonood. Dumiretso si Taehyung sa pwesto nya at nakitang wala nang space doon.
"Jimin usog." sabi ni Taehyung habang nakatayo kami parehas.
"Ha? Bakit?" tanong ni Jimin at naka-focus pa rin sa pinapanood nila.
"Usog uupo si Luna." napatingin na si Jimin kay Taehyung at sakin.
"Eh ayun oh sa tabi ni Jungkook may space pa. Uusog pa kami lahat eh pwede naman doon na umupo." sabi ni Jimin at tinuro yung tabi ni Jungkook na may space pa at nag-focus na ulit sa pinapanood.
"V doon na lang ako sa tabi ni Jungkook uupo ayos naman na ako doon." sabi ko at pilit inaalis yung pagkakahawak nya sa pulso ko kaso hinigpitan nya.
"Jungkook umusog ka nga dyan kayo din mga hyung umusog kayo uupo dito si Luna." sabi ni Taehyung kaya naman napalingon sila lahat samin ni Taehyung na naka-upo. Iba't ibang reaksyon naman pinagsasabi nila pero nagsi-usugan din sila pwera kay Jimin.
"Jimin usog sabi." seryosong sabi ni V. Tinignan sya ni Jimin na nang-aasar.
"Dito na umupo si Luna sa tabi ko ganon din naman nakakatamad kaya umusod. Tara upo ka na dito Luna." sabi ni Jimin at ngumiti. Lalapit na sana ako para umupo pero pinigilan na naman ako ni Taehyung kaya napatingin ako sakanya.
"Bakit? Ayos naman na ako dyan na lang ako sa tabi ni Jimin at Suga." sabi ko. Biglang naman kami napatingin kay Suga na binatukan si Jimin.
"Ungas ka umusod ka na dito kundi sa sahig magiging pwesto mo. Gusto ngang katabi ni V si Luna tapos ikaw 'tong ayaw makisama." sabi ni Suga at mukhang nairita na dahil sa pang-aasar na ginagawa ni Jimin. Hinila na din niya si Jimin sa tabi nya kaya naman nagka-space na kasya na ako sa tabi ni Taehyung. Umupo na sya at hinila ako kaya naman napatabi na ako sakanya.
Nagpatuloy na ulit sila sa panonood. Horror pala pinapanood nila kaya naman napasiksik ako sa upuan ko. Lahat sila tutok sa pinapanood ako naman itong hindi mapakali sa upuan dahil sa pinapanood nila. I hate horror movies. Ewan ko ba never ako naging fan nyan.
BINABASA MO ANG
Behind The Cam
Fanfiction"He's an idol and I am just a girl whose always behind the camera that he is always with..." We met in an unexpected place not too long ago because of a camera incident... and who would've thought that we will meet again but this time I will be the...