10

18 1 0
                                    

Nanlaki yung mata ko sa ginawa ni Taehyung at agad na napatayo at napalayo sakanya habang hawak hawak yung labi ko.

"Ba't? Bakit mo ginawa yun?" sabi ko sakanya at hinintay syang sumagot. Tumingin naman sya sakin at tumayo.

"asjsjdk kita."

"Oh, Luna at Taehyung andito lang pala kayo. Tara na don nagsisimula na yung bagong movie." biglang pasok ni Jin sa kusina kaya naman di ko narinig yung sinabi ni Taehyung.

"A-ah kumuha lang ng tubig. Mauuna na rin ako Jin may nakalimutan akong gawin na due na pala bukas." sabi ko kinuha yung bottled water at lumabas na.

Dumiretso naman na ako sa sala kung nasaan sila at kinuha na yung mga gamit ko at mabilisan na nagpaalam at lumabas. Ni hindi ko na hinintay na makasagot sila sakin sa kakamadali.

Pagdating ko ng dorm ko ay dumiretso agad ako sa kwarto at nahiga. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil mukhang kinakapos ako ng hininga.

Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa kakamadali kong umalis sa dorm ng BTS o dahil sa ginawa ni Taehyung eh.

Napatingin naman ako sa hawak hawak ko at yakap yakap ko pa na bottled water at nabato ito bigla.

"Bakit sa dami ng pwede kong madampot yung bote pa na wala ng laman?!" nasabi ko na lang at napatakip sa mukha gamit yung unan ko.

"Aish! Ano ba namang kahihiyan pinaggagawa mo sa buhay mo Luna!" sabi ko na lang at nagsisigaw.

"Tapos hinalikan pa ako ni Taehyung." sabi ko at sumigaw na naman.

"Pero ano daw sabi niya ba't nya daw ginawa yun?" tanong ko sa sarili ko at inalala yung sagot nya kaso di ko masyado narinig dahil bigla ngang sumulpot si Jin.

"Aish! Ano ba namang buhay to!" sabi ko at nagsisigaw habang may nakatakip sa mukha ko na unan.

Matapos ng ilang minuto ko na pagsisigaw sa unan at kumalma na ako ay tumayo na ako at nag-ayos ng gamit at nagshower. Binilisan ko lang ang kilos at nahiga na ako ready na sana matulog.

"Huh? Asan yun?" napatayo ako at hinanap yung phone ko ng hindi ko ito makita.

"San ko nilagay yun?" tanong ko ulit sa sarili ko at nagsimula nang halungkatin yung mga gamit na pinaglilipit ko na kanina.

Wala.

Hindi ko mahanap. Halos isang oras na akong naghahalughog dito sa dorm ko kung nasaan cellphone ko. Halos baliktarin ko na tong buong dorm ko pero wala. Mukhang naiwan ko pa sa dorm ng BTS yung phone ko.

Bigo akong pumasok ng kwarto at nahiga. Tila binagyo buong dorm ko sa kakahanap ko at pag-asanf na-misplace ko lang yung phone ko pero wala talaga.

Sa monday ko na lang siguro kukunin. Tama. Hindi na muna ako magpapakita sakanila. Tama na muna yung kahihiyan na napala ko ngayon araw. Wala naman silang makikita doon. Hindi nila mabubuksan yon.

Napapikit na lang ako sa antok at pagod na naramdaman ko at di namalayan na nakatulog na rin ako.

Kinabukasan ay nagising ako sa ingay na naririnig ko sa kusina kaya naman lumabas ako agad ng kwarto at dumiretso doon.

"Jin?" takang tanong ko ng makita ko siya na busy na nagluluto. Napatingin naman ako sa wall clock at nakita na 9am na ng umaga.

"Gising ka na pala. Teka patapos na 'to upo ka muna." sabi niya at nginitian ako. Umupo naman ako sa bar stool at hinayaan syang matapos sa niluluto nya.

"Kanina ka pa dito? Asan yung iba?" tanong ko sakanya dahil ngayon lang nangyari na mag-isa lang syang andito sa dorm ko ngayon.

"Ayun mga tulog pa. Nagkatuwaan kagabi. Nag-inom sila ayon mga bagsak pa hanggang ngayon." sabi nito at nilapag sa harap ko ang kimchi rice na may fried egg sa ibabaw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Behind The CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon