04

11 2 0
                                    

Monday.

It means work day. Ngayon araw na ako magsisimula mag-trabaho sa Big Hit kasama ang BTS.

Nagmamadali ako lumabas ng dorm ko dahil na-late lang naman ako ng gising. Ewan ko ba sobrang late ko na nakatulog kagabi dahil sa nangyare na katangahan ko.

Busy ako sa pag-check ng mga gamit ko sa bag habang nagmamadali maglakad papuntang elevator ng may maka-bungguan ako kaya naman may ilang nalaglag na mga gamit mula sa bag ko.

"Hala! Sorry po! Sorry po!" sabi ng lalaki at mabilis na pinulot yung mga nahulog na gamit ko.

"Ayos lang. Sorry din 'di kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko eh." sabi ko at madaliang pinulot din yung iba ko pang gamit na nahulog. Nang mailagay ko na lahat ng gamit na nahulog sa bag ko ay sorry pa rin ng sorry yung naka-bungguan ko.

Pag-angat ko ng tingin ko ay muntik na akong mapamura. Pakshet, si Taehyung pala yung naka-bungguan ko. Anong gagawin ko? Teka ba't ba ako natataranta eh wala naman akong ginawang masama sakanya? In fact, sya nga etong sinungitan ako noong unang kita namin eh. Tama, act normal lang Luna.

"Ah, V ikaw pala 'yan." sabi ko kaya naman napatingin na rin sya sakin. Halatang nagulat sya kasi bigla syang napa-atras nung nagkatinginan kami.

"A-ah, Ms. Luna ikaw pala. Sorry talaga." sabi nya ng mukhang naka-bawi na sya sa pagkagulat. Nginitian ko naman sya. 'Yan tama 'yan Luna act normal lang.

"Ayos lang, V. Nga pala asan yung iba? Ba't ikaw lang? Diba may shoot ngayon?" Tanong ko sakanya at sumakay na kami ng elevator.

"Nauna na sila eh. Na-late kasi ako ng gising hehe" sabi nito at napakamot pa sa ulo. Natawa naman ako. "Ganon ba? Ako rin late na eh. Na-late din ako ng gising." sabi ko at tumawa.

Bigla naman kami nagkatinginan ng maramdamang pataas yung elevator.

"Hala going up pala yung elevator." nasabi ko na lang at natawa. Pagdating ng 5th floor may sumakay na limang lalake. At dahil medyo maliit ang spacing ng elevator napasiksik ako kay Taehyung. Umatras naman sya konti para magkaroon kami ng space.

Medyo nanliit pa ako dahil hindi man lang ako umabot ng balikat nya kundi hanggang dibdib lang. Dagdag mo pa 'tong limang lalake na kasabayan namin na napaka-tatangkad din. Mukhang kilala pa nga ni Taehyung yung lima dahil nagbatian pa sila. Mukhang mga trainee sila ng Big Hit.

Pag-dating ng ground floor nagpa-alam na yung lima at kami na lang ni Taehyung ang naiwan. Kaya naman napatingin ako sakanya na sana hindi ko na lang ginawa dahil nakatingin din pala sya sakin.

Awkward.

"Ah sige, V una na ako male-late na ako eh. Baka mapagalitan ako first day ko pa naman ngayon." sabi ko at nagmadaling umalis na at iniwan na sya sa lobby dahil mukhang wala pa syang balak umalis. Paglabas ko ng building naglakad na agad ako dahil 15 minutes walk lang naman yung layo ng dorm sa mismong Big Hit.

Lakad-takbo ang ginawa ko para makarating agad ako sa Big Hit at salamat naman at umabot ako. Pagdating ko sa set ay nag-aayos na sila kaya naman agad agad akong kumilos. Yung bangtan nire-retouch na lang dahil in 30 minutes daw ay magsisimula na yung shooting.

"Ms. Luna ang focus mo is kay Taehyung, okay?" sabi sakin ni Ms. Hwang yung Production Director sabay turo kung nasan si Taehyung. Tumango naman ako at napatingin kay Taehyung.

Ang bilis naman nya nakarating? Alam ko nauna ako sakanya umalis ah? Ayos na ayos na rin sya kala mo hindi late sa set. Nevermind, ang mahalaga hindi ako na-late sa first day ko.

Sinimulan ko na ayusin yung angle ng camera ko kung saan pupwesto si Taehyung. Mag-shoot kasi sila ngayon ng Variety Show.

Nagsimula na kami mag-shoot at smooth naman ang flow. Mukhang na-brief din sila kung saang cam sila dapat tumingin dahil si Taehyung eh kapag nagsasalita talagang sa akin tumitingin. I mean, sa camera angle ko kaya di ako nahirapan mag-adjust sakanya habang nagsh-shoot.

Behind The CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon