05

13 3 0
                                    

"Hmm..ang lamig naman."

Napasiksik at hinigpitan ko pa yung yakap ko sa unan ko ng maramdaman ko na malamig yung kwarto ko. Ano ba 'to ba't sobrang lamig ng kwarto ko?

Buti na lang ang init nitong yakap kong unan. Naramdaman ko naman na yumakap din ito sakin pabalik. Wow, ano ba 'tong unan na yakap ko. Ang sarap naman nito yakapin.

Sumiksik pa ako lalo para maramdaman yung init. Hmm...ang tigas naman nitong unan na yakap ko. Parang humihinga pa 'to ah. Ano ba 'tong unan na nabili ko? Kakaiba parang tao.

T-teka tao? Pinakiramdaman ko muna yung paligid ko at unti-unti kong dinilat mata ko. Bakit nag-iba yung kwarto ko? Hindi ko 'to kwarto!!!

Napatingin naman ako sa yakap yakap ko na akala ko ay unan. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Taehyung na nakatingin sakin.

"Good morning." pokerface na sabi nito na akala mo ay normal lang sakanya na katabi nya ako sa kama ngayon umaga.

Nanlaki naman ang mata ko at agad na napalayo sakanya at napatayo sa kama.

"Ya!!!! Asan ako?! Anong ginawa mo sakin?! Ahhhh!! Tulong tulong!!!!" sigaw ko dito. Napatingin naman ako sa katawan ko. At lalong nanlaki ang mata ko ng makitang iba na ang suot ko. Wala man lang syang karea-reaksyon kahit na nagsisigaw na ako.

Bigla din ako napatingin sa pinto ng bigla itong bumukas at nagpasukan sila Namjoon, Jin, J-Hope, Jimin, Suga, at Jungkook. Halatang gulat na gulat din sila sa nadatnan nila.

Napatakbo ako kay Jungkook. Hindi ko alam ba't sakanya ako tumakbo. Muntik pa ako madapa dahil naramdaman ko na kumirot yung ulo ko. Mukhang may hangover pa ako.

"Taehyung anong nangyayari dito?"

"Bakit nandito si Ms. Luna?"

"Anong ginawa mo, Taehyung?"

Sunod sunod na sabi ni Namjoon, Suga, at Jin. Napaisip din ako kung ano bang nangyari kagabi pero wala akong maalala. Ang huli ko lang naalala ay naupo ako sa may hallway dahil hilong hilo na ako tapos non ay wala na akong maalala.

"Wala naman akong ginawa dyan." kalmadong sabi ni Taehyung at lumapit sa amin sa pinto. Napaatras naman ako habang si Jungkook ay inaalalayan ako.

Napatabi naman kaming pito ng dire-diretso syang lumabas ng kwarto kaya naman sunod-sunod rin kami naglabasan ng kwarto.

Pinaupo nila ako sa sala habang nakapalibot sila sakin. Pilit ko pa rin inaalala ano bang nangyari kagabi pero wala talaga akong maalala kaya naman napasabunot na lang ako sa buhok ko sa sobrang frustrate ko.

"Luna eto tubig uminom ka muna."abot sakin ni Jungkook ng tubig. Agad ko naman yun ininom at nilapag agad sa table ng maubos ko. Nananahimik lang kaming lahat sa sala at mukhang pina-process yung nangyare.

Napatingin kaming lahat kay Taehyung na lumabas galing kusina na may bitbit pang tray na may laman na pagkain. Nagulat ako ng nilapag nya yun sa harap ko. May porridge dun tapos tubig at gamot.

"Kumain ka muna tsaka ko ipapaliwanag nangyari." pokerface pa rin na sabi nito. Napatingin naman ako sa anim na kasama din namin sinenyasan lang nila ako na kumain na kaya kumain na ako.

Parang binuhusan ako ng napakalamig na tubig ng marinig ko ang kwento ni Taehyung na nangyare sakin kagabi. Hindi ako makapaniwala na kinalimutan ko ang passcode ko dahil lang lasing ako. Parang gusto ko na lang magpakain sa lupa at wag na magpakita sa kanilang pito dahil sa kinwento ni Taehyung.

Nakakahiya pa na nagsisigaw ako umagang umaga sa kwarto nya samantalang tinulungan nya naman pala ako. Pero kasi sino ba naman hindi magugulat na paggising ko bubungad sakin mukha ng isang Kim Taehyung at take note yakap yakap ko pa at sinabihan pa akong good morning diba?!

Behind The CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon