03

12 3 0
                                    

Sunday na ng umaga at nandito na ako sa lobby ng hotel na pinag-stayan ko. Inaayos ko na yung pag-check out ko dahil lilipat na ako sa dorm na ipo-provide ng Big Hit para sakin.

Nung nalaman kasi nila na galing pa akong New Zealand at sa isang Hotel lang ako nagi-stay ay agad nilang in-offer sakin yung dorm. Libre daw ang pag-stay doon since employee naman daw ako at babayaran ko lang daw ay yung bills ng kuryente at tubig kaya pumayag na ako.

Nang maayos ko na yung pag-check out ko ay agad na akong pumara ng taxi at sinabi yung address ng dorm.

Pagpasok ko sa loob ng binigay sakin na dorm ay inayos ko agad yung mga gamit ko. Medyo malaki yung dorm dahil apartment type yung design. I think pwede tumira dito 5-8 people. But since ako lang naman mag-isa kaya siguro masyadong malaki para sa akin.

After ko ayusin yung mga gamit ko ay chineck ko kung anong oras na dahil aalis din ako. Ngayon ko kasi kukunin yung contact lens na pinasadya ko. Since maaga pa naman kaya nag-shower muna ako.

After ko mag-shower at mag-ayos konti ay lumabas na ako. I'm just wearing a ripped jeans, black vans old skool, and a white hoodie. Yung buhok ay tinali ko lang ng pa-half bun at inayos ko yung bangs ko para cute tignan. At syempre mawawala pa ba ang camera ko?

Maglilibot libot siguro ako after ko makuha yung contact lens ko since ang tagal ko rin nawala sa Korea at para na rin maging familiar ako sa mga lugar dito.

Sumakay na ako ng elevator since nasa 3rd floor ako. Ako lang mag-isa and since mukhang wala naman akong kasabay ay pinindot ko na yung close button para magsara na yung elevator.

"Wait! Sandali lang!" nagulat naman ako ng may sumigaw kaya naman agad kong pinindot yung open para hindi tuluyang mag-sara yung elevator.

Luckily, umabot siya. Phew, buti na lang.

"Sorry, akala ko kasi wala ng sasakay." sabi ko at nag-bow para humingi ng tawad.

"Ayos lang yun Ms. Luna umabot naman ako eh."

Napatingin naman ako sa kausap ko dahil kilala nya ako. Halos parehas kami ng outfit ang pinagka-iba lang namin ay may cap pa sya na suot at black mask.

Mukha namang nahalata nya na naguluhan ako dahil bigla nyang binaba yung mask na suot nya. Nanlaki yung mata ko ng ma-realize ko na si Jungkook pala 'tong kasabay ko sa elevator.

"Ay sorry mukhang hindi mo ako nakilala. Hi, ako 'to si Jungkook hehe yung sa BTS" awkward na sabi nito sakin sabay balik ng mask nya.

"Ah, I know hehe hello" awkward din na sabi ko.

Jusko po eto na yata yung pinakamatagal na byahe ko sa elevator. Lupa, kainin mo na ako ngayon na please lang. Sana hindi na nya ako naalala.

*ting*

Agad agad akong lumabas ng elevator at dire-diretso ng lakad pero hinabol ako ni Jungkook.

"Ms. Luna, wait!" habol nito sa akin. Tumigil naman ako sa may lobby para pakinggan kung ano yung sasabihin nya. Syempre nakakahiya naman kung tatakbuhan ko siya 'no kahit pa hiyang hiya na ako.

"A-ano yun?"

"Saan ka pupunta?" tanong nito sakin ng magka-harapan na kami.

"Ah pupunta ako sa Optical Shop kukunin ko kasi yung contact lens ko tsaka maglilibot libot na rin siguro." sabay pakita ko ng camera na nakasabit sa leeg ko.

"Ganon ba? Sama ako! Inutusan din ako ni V hyung na kunin yung contact lens na pinagawa din nya eh. Sabay na tayo, Ms. Luna."

Wala naman na akong nagawa kundi pasamahin si Jungkook sa akin dahil sa dami-rami ba naman kasi ng Optical Shop na pagpapagawaan din ni Taehyung ay parehas pa talaga kami ng napili.

Behind The CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon