09

14 3 0
                                    

Hindi ko alam anong nangyari pero after ng nangyari sa rooftop at yung pagbigay sakin ni Taehyung ng hoodie ay bigla na lang nagbago pakikitungo nya sakin. Halos one week na rin ang nakalipas simula nung mangyari 'yon.

Hindi na sya yung sinusungitan ako like before. Ngayon para na syang baby kung makadikit sakin na kapag nawala ako eh iiyak sya agad agad. Kagaya ngayon.

"Luna~ lutuan mo ako ng japchae please?" bungad sakin ni Taehyung pagpasok ko sa dorm nila. At nag-puppy eyes pa nga. Kaya naman natawa ako at dumiretso sa kusina at naabutan ko na naman si Jin na busy sa pagluluto ng dinner nanin.

May usapan kasi kami na sabay sabay kami magdidinner which is parang normal na lang samin everyday kaya nasanay na ako dumadayo sa dorm nila pag gabi and sila naman sa dorm ko every morning for breakfast.

"Luna~ japchae" sabi na naman ni Taehyung na sumunod pala sakin dito sa kusina at inakbayan pa ako at hinila palapit sakanya para lang pansinin ko sya. Nanuot na naman sa ilong ko yung pabango nya na gustong gusto ko yung amoy.

"Hay nako, Taehyung. Oo na, sige na. Doon ka na muna sa sala." sabi ko at kumuha na ng apron at sinuot sa sarili ko.

"Yehey! Thank you, Luna!" sabi ni Taehyung at lumabas na. Naiwan naman kami ni Jin na lang dito sa kusina. Kaya nagsimula na ako magluto ng japchae na request ni Taehyung.

"Nagiging close na kayo ni Taehyung ah." sabi bigla ni Jin kaya naman naman napatingin ako sakanya.

"Oo nga eh. Hindi na ako sinusungitan masyado minsan na lang pag nasa labas na." sabi ko at tumawa dahil may times na nasusupladuhan pa rin ako ni Taehyung pag nasa labas na kami. Natawa naman si Jin sa sinabi ko.

"Ganon talaga yun masungit at tahimik sa umpisa pero promise pag nakilala mo pa yun ayun ang pinaka-weird at makulet samin. Alien nga yun eh." sabay naman kaming natawa dahil sa sinabi nya. Akala ko sakin lang pero may pagka-weird pala talaga si Taehyung which makes him more cute.

Napatingin naman kami bigla ni Jin kay Jimin na biglang pumasok ng kusina at naupo sa may bar counter. Ayun na naman yung ngiti nya na halos mawala na yung mata nya.Ang gwapo talaga.

"Hi Luna! Hi Jin hyung!" bati nya samin at kumuha ng mansananas na nasa may bar counter at kinagatan.

"Hi Jimin." bati ko sakanya at nginitian ko rin sya.

"Ba't ka nandito? Manggugulo ka na naman?" sabi ni Jin kaya natawa naman ako. Napasimangot naman si Jimin dahil sa narinig nya.

"Hindi kaya. Manonood lang ako sainyo hyung." sabi ni Jimin at patuloy pa rin sa pagkain ng mansananas.

"Sa amin nga ba o si Luna lang papanoorin mo?" sabi naman ni Jin kaya napatingin ako sakanila nilang dalawa.

Si Jimin kasi laging nakabantay sakin magluto yan eh kahit sa dorm ko. Ewan ko kung bakit pero hinahayaan ko na lang sya manood sakin. Nung una naiilang ako eh pero nasanay na rin ako kasi may nakakakwentuhan ako kapag nandoon sya at minsan tumutulong pa sya pag kaya nya.

Naging pabor din naman dun sa lima dahil hindi na nakikigulo si Jimin sakanila pag naglalaro ng xbox sa dorm ko kaya ayun.

"Dahil nandito ka Jin hyung syempre papanoorin din kita magluto. Sorry Luna mahahati atensyon ko ngayon dahil dalawa kayo ni Jin hyung na nasa kusina." sabi ni Jimin at tumawa pa kaya natawa na lang din kami ni Jin at nagpatuloy na sa pagluluto. Si Jimin naman ay nagsimula na manood samin habang minsan ay kinakalikot yung phone nya.

"Jimin paabot naman ako ng bowl." sabi ko kaya naman tumayo sya at kumuha ng bowl na nasa may bandang right side nya lang.

"Thank you." sabi ko ng ilapag nya sa gilid ko yung bowl at nginitian sya.

Behind The CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon