"Okay, Kookie ikaw muna unahin ko dahil si Taehyung eh 'di ko na naman mahagilap. Basta mag-kwento ka lang ng mga thoughts mo tungkol sa concert okay?" sabi ko kay Jungkook habang inaayos yung cam na hawak ko na ipangre-record ko sakanya.
"Okay. 3,2,1 and go!" sabi ko at tinapat ko na kay Jungkook yung camera.
Nagsimula naman na syang magsalita ng biglang sumulpot si Taehyung at hinila ako paalis kay Jungkook gamit yung cam kaya naman napasunod ako sakanya habang nakalingon kay Jungkook na naiwan ko at mukhang naguguluhan din.
"Halika nga dito. Diba sabi ko sayo bawal kang lumapit sa ibang lalaki? Dapat ako lang." biglang sabi ni Taehyung kaya naman napakunoot yung noo ko at sinenyasan sya.
"Kim Taehyung anong ginagawa mo?!" senyas ko sakanya dahil baka marinig yung boses ko sa camera.
"Sumagot ka. Diba sabi ko akin ka lang?" sabi na naman neto habang hawak yung lens ng camera ko.
Bigla naman lumapit si Jin at humirit din "Hoy Taehyung anong ginagawa mo sa girlfriend ko?" Kaya mas lalong nangunot yung noo ko.
"Anong girlfriend mo? Eh girlfriend ko 'to eh." tapat na naman ni Taehyung ng cam sakanya dahil hawak nya yung lens. Napatingin naman ako kay Jin dahil hindi ko pa rin ma-gets anong nangyayare.
Kinindatan nya lang ako at sinenyasan na mag-go with the flow na lang sa mangyayare kaya napabuntong hininga na lang ako at inayos ang kapit sa cam.
"Sinabi nang girlfriend ko yan eh." sabi ni Jin at tinulak si Taehyung sa balikat.
"Girlfriend ko nga sabi 'to eh!" sigaw bigla ni Taehyung at sinuntok si Jin ng kunwari at umakto naman na tinamaan. Nagtuloy-tuloy tuloy sila sa pag-acting na nagsusuntukan habang nirerecord ko sila ay napapailing na lang ako.
Nang mukhang matapos na sila sa suntukan nila at mukhang natalo si Jin ay lumapit na naman sakin si Taehyung.
"Akin ka lang okay?" sabi nito at saka tinakpan na yung cam kaya naman pinatay ko na.
Napa-iling iling na lang ulit ako habang bumabalik ng backstage dahil sa kalokohan nilang dalawa.
Pagbalik ko ng backstage ay didiretso sana ako ng comfort room ng biglang may nagsalita, sumunod pala sya sakin dito sa backstage.
"Luna"
"Oh? Bakit? Diba nagrerehearsal pa kayo ba't andito ka?" tanong ko at ibinaba ko yung cam na hawak ko.
"Wala lang na-miss ko lang girlfriend ko." sabi nito at niyakap ako bigla. Nagulat naman ako at napahiwalay sakanya agad.
"Ano ka ba baka may makakita sa atin." sabi ko at tumingin sa paligid dahil baka may nakakita. Bigla naman siyang lumapit na naman sakin at hinawakan ako sa baba para magkatinginan kami.
"Girlfriend kita diba? Akin ka lang? Ako lang boyfriend mo? Diba?" seryosong sabi nito. Natawa naman ako bigla sa sinabi nito.
"Ano ka ba naman kanina lang naglalaro kayo tapos siniseryoso mo na pala yung laro nyo." sabi ko habang tumatawa. Sinimangutan naman nya kaya lalo akong natawa sakanya.
"Eh sagutin mo na lang ako Luna. Ako lang boyfriend mo diba? Akin ka lang?" tanong na naman nya sakin. Kaya lumapit ako sakanya at hinawakan sya sa pisngi para magkatinginan kami.
"Hay nako. Oo naman. Girlfriend mo ko, ikaw lang boyfriend ko, at oo sayo lang ako. Kaya bumalik ka na dun sa stage at baka hinahanap ka na nila dun." sabi ko at pinisil ang pisngi nya sabay tulak na sakanya.
Nginitian naman nya ako at mukhang satisfied na sa sagot ko kaya naman tumalikod na sya at bumalik na sa stage.
Napa-upo na lang ako sa gilid kasabay ng pagbuntong hininga ko.
He's an idol and yes I'm his girlfriend.
But here's the plot twist...
I'm also the girl behind the camera that he's always with.
✂┅┅┅
This scene is inspired in the video in the multimedia.
TaeJin love attack! ♡(˃͈ દ ˂͈ ༶ )Vote, Comment, & Share.
Happy Reading!
BINABASA MO ANG
Behind The Cam
Fanfiction"He's an idol and I am just a girl whose always behind the camera that he is always with..." We met in an unexpected place not too long ago because of a camera incident... and who would've thought that we will meet again but this time I will be the...