Nakarating kami ng dorm ng halos hating gabi na. Ang tagal rin pala namin na-stock sa traffic dagdag mo pa na nasiraan yung van na sinakyan namin kaya halos 6 na oras rin pala bago kami nakauwi.
Dire-diretso ng baba yung lima matapos magpasalamat sa driver namin habang kami ni Taehyung ay naiwan dito sa loob. Nakapulupot pa rin yung kamay nya sa balikat ko kaya di rin ako naka-labas agad ng van.
"Taehyung gumising ka na. Andito na tayo sa dorm." sabi ko habang inaalog sya konti. Kami na lang kasi inaantay ng driver bago sya bumalik ng Big Hit para isauli yung service na gamit namin. Nagising naman sya agad at inalis na rin yung kamay nya sakin kaya bumaba na kami.
Pagbaba namin ay nagpasalamat kami sa driver at tsaka umalis na. Yung gamit ko ay binitbit na pala ni Jungkook habang yung gamit naman ni Taehyung ay na kay Jimin. Kinuha na pala nila. Dumiretso pasok na kami sa building para sumakay ng elevator.
"Grabe napagod ako kakahanap ng mga flag na yun." sabi ni Jhope.
"Nahiya naman kaming hindi nakasakay sa quad bike at nananakbo lang diba?" sabat naman ni RM.
"Mas madami nga kayong nakuhang flag kaysa sa amin eh." sabat naman ni Jin
"Kaya nga eto ngang si Suga hyung nakasalubong ko pa nananakbo na lang hindi na nakasakay sa quad bike. Inagawan pa ako ng isang flag na nahulog ko." sabat naman ni Jungkook na tila naghihinakit pa dahil naagawan ng flag.
"Ungas! Karma mo 'yon inagawan mo rin ako ng flag nung nagsisimula pa lang tayo eh." sabat ulit ni Jin na ikinatawa namin. Lakas kasi magreklamo eh nang-agaw din pala sya ng flag.
Napatingin naman kami ng bumukas na yung elevator. May lumabas doon na dalawang lalaki. Naalala ko na sila yung nakasabay namin ni V non sa elevator din kaso lima sila noon ngayon dalawa lang sila.
"Uy, Yeonjun at Soobin!" bati ni RM sakanila. Mukhang nagulat naman yung dalawa dahil buong bangtan yung sumalubong sakanila paglabas nila ng elevator.
"Hello po!" sabay na bati nung dalawa ng makabawi sa pagkagulat.
"Saan kayo pupunta? Hating gabi na ah?" tanong naman ni Jhope.
"Bibili lang po ng makakain sa may convenience store." sabi naman ni Soobin.
Sumakay na rin kami agad ng elevator ng matapos nila magtanungan. Halos siksikan na naman kami dahil nga medyo maliit yung space ng elevator. Napasiksik na naman ako kay V dahil hinila nya ako papunta sakanya ng makapasok kami sa loob.
Ano ba 'tong nangyayare kay V? Napaka-weird. Hindi naman ako lagi pinapansin nito eh. Mukhang napansin nga rin ni Jimin yung paghila sakin ni V pero hindi na lang sila nagsalita. Etong mga 'to ayaw ako tulungan.
Pagkarating ng 3rd floor naglabasan na kami mauuna akong makarating ng dorm ko dahil nasa gitnang pinto yung akin samantalang yung sakanila ay nasa dulo pa.
"Dito na ako, boys. See you tomorrow. Goodnight and thank you sa pagsabay nyo sakin." sabi ko at binuksan na yung pinto ko. Pagpasok ko sa loob ay siyang sunod naman nung pito.
"Anong ginagawa nyo? Ba't andito kayo?" sabi ko ng mauna pa silang magsipuntahan sa sala at ilapag na lang basta basta yung mga gamit nila at nagsiupuan.
"Dito na lang kami matutulog Luna. Nakakapagod eh di ko na kaya mag-lakad." sabi ni Jimin.
"Oo nga Luna bibigay na yata yung paa ko pag naglakad pa ako ulet." pagdadahilan naman ni RM.
"Ako basta makatulog lang. Sumunod lang ako sakanila." sabat naman ni Suga na nakapikit na sa inuupuan niya.
Napailing iling na lang ako dahil sa inasta nila. Mga baliw talaga. Halos 3 pinto na lang dorm na nila hindi pa dumiretso doon at dito pa sa dorm ko manggugulo.

BINABASA MO ANG
Behind The Cam
Fiksi Penggemar"He's an idol and I am just a girl whose always behind the camera that he is always with..." We met in an unexpected place not too long ago because of a camera incident... and who would've thought that we will meet again but this time I will be the...