Chapter 5

66 17 3
                                    

Chapter 5: Class President

"WAAAAAAH!!! Ang galing-galing ng bestfriend ko! Woooooh!" patuloy pa rin sa pag-hiyaw at pagchi-cheer sa'kin si Rein. Yes, siya yung bumasag sa katahimikan kanina.

Kailan niya pa ako naging bestfriend? Tsk.

Bahala na nga lang siya sa kung ano ang gusto niya.

"Aleck for the wiiiiiiin! Kyaaaaaah!!!"

Napuno ng bulong-bulongan ang loob ng court. Hindi daw sila makapaniwala na ang kabilang team ang nanalo, alam daw kasi nila na palaging ang grupo nila Hook ang nananalo sa tuwing naglalaro ang mga ito ng basketball laban sa kabilang grupo na sila Bricks, pero nang dumating lang daw ako ay parang nag-iba na ang ihip ng hangin.

No comment.

I just shrugged my shoulder then go back to where I am sitting earlier before I joined the game.

Ang iba ay masaya sa nangyaring pagkapanalo namin pero may iba pa rin talagang may ayaw sa naging resulta.

Anong gagawin ko? E' sa kami na yung nanalo. Tsk.

May ilang pumupuri sa'kin dahilan kung bakit ako mapayuko sa hiya pero siyempre meron ding masasama kung tumingin na ikina-irap ko na lang, yung mga loyal fans nila Hook ito, nakakasiguro ako.

"Woah, students! What a great game! The two teams did their great jobs to give us a very good and interesting match. It was so intense and has an unexpected outcome! I congratulate the both of the teams, especially the winning team, the team of Mr. Lopez in the section B and Miss Ramos in section A who did well in the match that I didn't really expect. Miss Ramos you have a potential in basketball, keep it up. Even if you're a woman, you show us what you've got, you didn't let the other man belittle you. Very excellent! And for the team of Mr. Zamora, ofcourse you also did your best, but you! Mr. Vellegas! Don't you ever do again what you did earlier to Miss Ramos, It's not good!"

"It's what you called strategy, Sir." Kibit balikat nitong sagot atsaka kindatan pa ako. Inirapan ko lang siya. Buti nalang talaga at mabait-bait pa ako ngayon dahil kung hindi baka nabugbog ko na siya kanina pa dahil sa ginawa niya nung game.

Napailing si Sir sakaniya bago tumuloy sa pagsasalita. " I don't know what to say anymore to all of you, guys. I just want to congratulate the both of you for the good show! Okay! This is the end of our P.E time, you can now take your break! Goodbye, everyone. 'Till our next meeting." masayang umalis si Sir at maligayang binigyan pa ang dalawang grupo ng thumbs up.

"Fuck this!" Napatingin ako sa halo-halong ekspresyon na mukha ni Hook. Kitang kita ko ang galit at pagkainis niya habang binibigyan ng matalim na tingin si Bricks bago ito ibinaling sa'kin ng mas matalas pa.

Fuck! Ayan nanaman siya.

Dukutin ko 'yang mata niya e'.

Nag-iba nanaman ang kabog ng dibdib ko habang nagkakatitigan kami pero binaliwala ko lang ito.

I should reprived myself from feeling this kind of shit!

Padabog na umalis sa court si Hook kasunod ang mga alagad niya na parang medyo badtrip rin pero 'di kagaya ng pagka badtrip ni Hook.

Masyado atang big deal sa kanila ang pagkatalo? Bakit kaya?

E' laro lang naman 'yon. Tsk.

"Aleeeeck! Kyaaaaaaah! Ang galing mo kanina! Ba't di mo sinabi sa'king marunong ka palang mag-basketball? Mas magaling ka pa nga kay kuya e' Oh my gaash! I'm so so super proud of you!!" She screamed while smiling so widely then she suddenly hugged me so tight.

Hooking Trouble: Deciphering ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon