MAIGI kung matutulog ka na, Marikit," narinig kong saad sa akin ni Maestra Alena habang nakahiga siya sa kama niya. Dito na niya ako pinagpalipas ng gabi para makausap ako sa mga gagawing plano dahil nangangamba siya na baka raw magkalat na naman ako ng kahihiyan kung sa silid ni Marikit ako matutulog kasama ang mga kaibigan niya.
"Pwede ba, Maestra. Huwag mo akong tatawagin na Marikit dahil hindi ko iyon pangalan. At napakapambabae. Nakakadiri!" Halukipkip ko sa kaniya at sandali akong sumilip sa bintana. Kanina pa ako paikot-ikot sa kwarto niya dahil hindi ako makatulog. Hindi pa rin nagsisink-in sa akin na nagtime travel nga ako.
Hindi ko alam kung paano iyon nangyari. Basta naguguluhan ako!
"Babae ka at kailangan mong masanay na tawagin kang 'Marikit' dahil iyan ang pangalan mo sa panahon na ito," tugon sa akin ni Maestra Alena at napahinga ako nang malalim tsaka umupo sa upuan na tabi ng lamesa at may lamparang nakasindi.
"Paano ba ako makakaalis dito? At kailan?!" tanong ko sa kaniya at may tonong pagrereklamo. Itinaas ko rin ang manggas ng baro na suot ko at itinuntong ko ang kaliwang paa ko sa upuan para komportable ako.
"Umayos ka nga ng iyong kilos! Hindi ganiyan ang kilos ng mga binibini," sermon sa akin ni Maestra pero hindi ko siya pinansin at itinuon ko lang ang paningin ko sa lampara.
"Makakaalis ka lamang rito kapag hindi nahulog ang loob mo kay Maximilliano," dagdag pa niya at napatingin ako sa kaniya.
"Basic," tugon ko at huminga siya nang malalim bago magsalita.
"Dapat mo ring malaman kung sino ang babaeng itinanan ni Maximilliano upang mapigilan siya," dagdag pa niya at wala na akong ibang nagawa kundi tumango na lamang.
"E, paano kapag hindi ko napagtagumpayan ang misyon ko rito?" tanong ko.
Nagpakawala muna siya ng malalim na buntong-hininga bago sumagot, "Makukulong ang iyong diwa sa lampara at hindi ka na makakabalik sa panahon mo," tugon niya at hindi ako nakapagsalita. Kaya ko naman ang misyon kaya hindi ko iisipin ang magiging kapalit niyon. "Matulog ka na dahil uuwi tayo sa Don Felipe bukas dahil ito na ang huling araw mo na mag-aaral rito sa Maynila," saad niya at napakunot-noo ako.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong kong muli sa kaniya. "Mag-s-stop na ng pag-aaral si Marikit?" dagdag ko pa at marahan siyang tumango.
"Parang ganoon na rin naman," sagot niya sa akin.
"Bakit?"
"Napakarami mong tanong, Marikit-" Hindi na niya nadugtungan pa ang sasabihin niya nang sumabat ako.
"Loi po, Maestra. Loi ang itawag mo sa akin. Nakakakilabot ang pangalang 'Marikit'," sabat ko sa kaniya at napapikit nalang siya at tsaka tumango.
"O'sya, Loi. Maigi kung matulog ka na dahil malayo ang lalakbayin natin bukas patungo sa Don Felipe at doon mo lamang malalaman ang tunay na dahilan kung bakit kailangang huminto sa pag-aaral dito ni Marikit. Entendido?" wika ni Maestra at tumango nalang ako at lumakad papunta sa isa pang kama pero natisod ako nang maapakan ko ang dulo ng saya na suot ko na ubod ng haba kaya nadapa ako.
"P*7@!" Mura ko at agad akong hinampas ni Maestra sa aking batok kaya napahimas ako doon. Hanggang 1803 ba naman, mapanakit pa rin ang matandang 'yon?
KINAUMAGAHAN ay sabay-sabay kaming nag-agahan nina Clemente, Amor, at Dulce sa silid nila dito sa dormitoryo. Ngayon ko lang nalaman na ang Don Avelino College pala sa Manila ay dating Escuela de las Hermanas. Isang malaking paaralan pangkababaihan kung saan nagtuturo ng pagbabasa, pagsusulat, paggawa ng tula, pagkanta, pagpinta, at kung anu-ano pang gawaing pambabae.
BINABASA MO ANG
Hunting the 19th Century Playboy (Formerly 'The Tomboy meets the Playboy of 1803
Historical FictionEloisa, a tomboy from the present has to travel in time to 19th century in order to save Marikit from the death caused by Maximilliano, a playboy heartbreaker of his time. *** General Maximilliano Abueva is a high-ranking soldier way back 1803. With...