ILANG oras ang tinagal ng byahe namin at hindi ako natulog. Napalingon ako kay Maximilliano na ngayon ay nakatingin sa langit na kasalukuyang nagtatakip-silim na.
Nakangiti siya dahilan para makita ko ang maaliwalas niyang aura na minsan ko lamang nasisilayan at sa tuwing nakikita ko iyon ay hindi ko maiwasang mapangiti.
Tahimik lang kaming lahat hanggang sa marating namin ang bahay-panuluyan dito sa Laguna. Napatingin ako sa may tapat ng bahay panuluyan at naunang huminto roon ang kalesa na sinasakyan nila Maestra Alena at bumaba na sila roon.
Maya-maya pa ay huminto na sa tapat niyon ang sinasakyan naming kalesa. Naunang bumaba si Maximilliano pero hindi pa rin ako tumitinag sa pwesto ko kahit nakita ko siyang nakalahad ang palad para alalayan ako.
Napatingin ako sa kanila Amor na ngumunguso para pababain ako. "Kayo muna. Huli na ako," Katuwiran ko dahil nakaramdam ako ng hiya kay Maximilliano ngayon.
"Marikit, ikaw na. Kaya na naming bumaba nang mag-isa mamaya," saad ni Clemente at nginisihan ako.
"Sheye leng she henerel," asar ni Amor. Natawa na lang ako dahil nitong nakaraan ay nagpaturo siya ng accent ala Loi sa akin.
Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong-hininga at nauna nang bumaba dahil tiyak na walang balak ang dalawang iyon na tantanan ako sa pang-aasar.
Pagdating namin sa loob ng bahay-panuluyan ay agad na kaming nagtungo sa silid namin. Dahil tatlo lang kami ay sa iisang silid lamang kami matutulog. Mabuti na rin ito kaysa solo ko uli iyong isang kwarto tapos dadalawin na naman ako ni Maximilliano. Myghad!
Padilim na rin ang kalangitan, nakadungaw ako sa bintana at tinitingnan ang langit. Nakarating ako sa panahon na ito noong August, October na ngayon, ilang buwan na lamang ay pasko na, at pagtapos ng pasko ay ilang sandali na lang ay magbabagong taon na, pagtapos ng bagong taon ay ilang buwan na lang ang bibilangin at August na uli, at sa buwan na iyon ang nakatakdang kasal nina Marikit at Maximilliano pero hanggang ngayon ay wala pa akong sapat na ideya kung sino ba talaga ang itatanan ni Maximilliano sa araw ng kasal nila.
Pero sa ngayon ay dapat ituon ko ang pansin ko kay Fontana, kitang-kita ko naman sa kaniya ang pagnanais na mapasakaniya si Maximilliano. At isa pa, ex-girlfirend siya ni Maximilliano kaya posibleng may ugnayan pa rin sila, or kung wala man, makagagawa ng paraan si Fontana para maibalik ang loob ni Maximilliano sa kaniya.
Napahinga ako nang malalim at umupo na ako sa kama. "Huwag mong sabihin na nangungulila ka na agad kay heneral," Kantyaw ni Amor sa akin kaya napatingin ako sa kaniya. Sa tuwing kasama ko sila ay palaging kami ni Maximilliano ang topic.
"Siya nga pala, malapit na ang ating pista ng pasasalamat," pag-iiba ni Clemente sa topic namin kaya tinuon namin ang pansin sa kaniya.
"Ano nga bang mga kaganapan natin sa pista?" tanong ni Amor. Wala naman akong ideya kaya hindi ako nakikisawsaw at nakikinig lamang ako. Kaya siguro kami uuwi ngayon sa Don Felipe dahil sa preparation at pagdadaos ng pista.
Naalala ko noong bago pa lamang ako sa panahon na ito ay napag-usapan doon sa Hacienda Lacsamana na sa pista sa Agosto gaganapin ang kasal ni Marikit at Maximilliano, so ang August pala ay pista ng patron, kung hindi ako nagkakamali ay ang pistang gaganapin ngayong October ay thanksgiving feast.
Mayaman siguro talaga ang mga taga-Don Felipe, maya't maya ang pista at celebration. Ghawd!
"Hindi ko alam, pag-uwi natin bukas sa ating bayan ay agad kong itatanong kay ama ang tungkol rito," saad ni Clemente at napatango-tango naman kami ni Amor. Sabagay, anak ng gobernadorcillo si Clemente kaya aware siya sa mga plano ng tatay niya.
BINABASA MO ANG
Hunting the 19th Century Playboy (Formerly 'The Tomboy meets the Playboy of 1803
Historical FictionEloisa, a tomboy from the present has to travel in time to 19th century in order to save Marikit from the death caused by Maximilliano, a playboy heartbreaker of his time. *** General Maximilliano Abueva is a high-ranking soldier way back 1803. With...